Four

6K 262 11
                                    

Ng dahil sa mga pagtitig na ginagawa ni Gabriel Kay Avery ay nailang ang dalaga kaya naman agad syang humingi ng tulong Kay Jaymie para sa ibang katanungan,tumagal ng halos dalawang oras ang interview sa binatang Prof.


    "Sir maraming salamat po sa pagpapaunlak nyo sa'min sa interview na kahit malayo sa major subject na itinuturo nyo ay pinaunlakan nyo pa rin kami." Mahabang pahayag ni Avery.

    "Walang anuman,parte ng ating buhay yan,malay nyo next time ako naman mangailangan ng tulong di ba?" Tugon ni Gabriel. "O paano good luck and see you all later." Paalam nito at bago tuluyang lumabas ng classroom ay isang sulyap ang iniwan nito sa dalagang si Avery na abala sa pag-aayos ng mga papel,ngunit ang sulyap na yun ay hindi nakaligtas sa paningin ni Jaymie.

    "Avery,Jaymie, una na kami guy's." Paalam ng tatlo nilang ka-miyembro.

     "Okey salamat guy's." Sagot ni Avery.

Ng masigurado ni Jaymie na wala ng makakarinig sa kanila ay hinila nya ang kaibigan palabas ng classroom.

    "Avery, wala ka bang napapansin?"

     "Kanino at saan?" Kunot noo nyang tanong sa kaibigan.

     "Sa kapatid ng Dyowa mo?"
  
     "Wala anong meron dun?"

    "Hmm,napansin ko lang naman na sa dalawang oras ng interview natin sa kanya ay,kakaibang ang titig nya sayo?"

    "You know what? Gutom lang yan tara na sa cafeteria libre ko,ikain mo na lang yang mga napapansin mo na yan." Sagot ni Avery sa kaibigan at hinila ito papunta sa cafeteria.

Ng makaorder sila ng pagkain akala niya ay matitigil na ito sa kinakatanong ngunit nagkamali si Avery.

    "Pwede ba Jaymie, please it's nonsense okey, kung naduduling ba sya katitig ay pakialam ko,wag mo nga bigyan ng ibang kaguluhan ang ganun bagay." Napipikon na tugon ni Avery.

    "Ah,basta alam Kong iba ang tingin nya sayo." Muli ay dugtong ni Jaymie.

Naitirik na lang ni Avery ang mata sa kakulitan ng kaibigan. Ayaw nyang bigyan iyon ng ibang kahulugan kaya hanggang maaari ay iiwasan niya ang ganun usapin.

     "Stop it okey,baka may makarinig pa sa'tin, ayaw kong makarating ito kay Blake."

   "Okey,okey." Ang pagsuko ni Jaymie.

Maagang Nakauwi si Avery ng araw na yun kaya minabuti nyang magpahinga dahil, pagod sya sa sunod-sunod na project sa University, isang bwan na lang at gagraduate na sila kaya naman, todo sa review.

     "Babes, mahal na mahal kita." Ang bulong ni Blake sa dalagang natutulog habang marahan nyang hinahaplos ang pisngi nito.

Naalimpungtan si Avery, dahil pakiramdam nya ay hindi sya nag iisa sa kanyang kwarto,at sa pagmulat nya ng mata ay ang gwapo mukha ng kasintahan ang kanyang nakita.

    "Babes,bakit ka umiiyak?" Tanong ni Avery sa kasintahan.

    "Babes,kailangan ko na naman umalis at this time matatagalan bago tayo magkita,basta always remember I will always love you." Sagot ni Blake na umaagos ang luha sa mga mata at dahan-dahan itong tumayo at humakbang palabas ng pinto. Walang maisatinig si Avery, gusto nya itong pigilan sa pag-alis ngunit hindi nya naibuka ang mga labi,patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.

     "Blakeeeeeeeeee!" Ang sigaw ni Avery. "Wag mo akong iwan Blake."

Napatakbo ang ina ni Avery, dahil sa narinig nitong pagsigaw ng dalaga. Naabutan nya itong umiiyak habang tinatawag ang pangalan ng kasintahan.

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon