Chapter 8: Starting over again?

103 3 0
                                    

Chapter 8: Starting over again?

"Zhara. Zhara!"

"Please lang. Please lang talaga wag ngayon"

"Zhara!!!"

"ANO?!" Pasigaw kong tanong sa taong tumatawag sa akin

"H-hey! Relax. Anong meron at parang makakapatay ka ng tao sa aura mo?"

"Oo malapit na talaga. Bakit mo ba ako tinatawag?" Tanong ko kay Tristan

"Itatanong ko lang sana kung pupunta kayo mamaya ni Ellaine? May game practice kami diba"

"Itanong mo na lang kay Ellaine kung pupunta siya. Masyado ng sira ang araw ko kaya uuwi na lang ako" Pagkasabi nun ay tumalikod na ako

"Ahhh ok. Pero Zhara anong hinahanap mo at tsaka bakit ka nakapaa? Pauso ka ah"

"Tigilan mo ako Tristan. Bumalik ka na nga lang sa field! Chupi! Chupi!"

"Ahahaha sige, sige. Bye"

Mang-asar ba? Laking tulong nun ah! Grrr!

Nasaan na kasi yung sapatos ko? Alam ko dito lang yun nilalaglag ng tisoy na yun eh. Naku! Ahhh!!! Kainis!!!

"Zhara!"

"Ano na naman?" Iritable kong tanong sa tumatawag na naman sa akin

"Nakita mo si Tristan? Nagtext kasi siya sa akin eh" Kinikilig pa niyang sabi habang hawak ang cellphone niya

"Ellaine may cellphone ka naman baka gusto mong i-text? P.A ba ako ni Tristan?"

"Calm down Zha. Ahahaha problema mo?"

"Problema ko? Yung Julian Tyler na yun! Naku!!!"

Sa sobrang inis ko ay napaupo na lang ako sa upuan na malapit sa amin

"Bakit? Anong nangyari? At tsaka nasaan ang sapatos mo?" Tanong niya pagkaupo sa tabi ko

"Bakit? Anong nangyari? Wala. Wala namang nangyari. Hinulog lang naman niya mula sa second floor ng EB building yun sapatos ko at napasigaw ako dahil sa ginawa niya at dahil doon napagalitan lang naman ako ng mga professors na nagkaklase nung mga oras na yun at pinagtinginan lang naman ako ng mga estudyanteng nandun tapos sasabihin niya na dumulas daw sa kamay niya kaya nahulog? Wow ah! Kapag talaga nakita ko yung..."

ROYGBIV seven colorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon