Chapter 14: Flour Party
Badtrip ako. Punit ang favorite t-shirt ko. Asar!!!! Bahala siya sa buhay niya! Wala akong balak na bumaba pa. Matutulog na lang muna ako dito sa kwarto ni mommy. Remember nasa baba ang kwarto kasi alam niyo na katamaran tsaka para deretso kusina. Papikit na ako ng biglang...
"Mommy!"
Yung puso ko! Napatalon sa gulat! Muntik ng lumabas sa katawan ko. Oo active kasi puso ko. Nag-ju-jumping rope pa yan madalas eh. Joke lang. Ganun talaga kapag heartbroken kahit three months and one week na, kahit na pinaalala pa ng tisoy na yun kailangan nag-e-exercise para lumakas. Mahina eh. Broken kasi. HUGOT pa Zhara!
Nagpalit muna ako ng damit. Buti may damit ako sa kwarto ni mommy. Yung sobrang bilis kasi naman parang may nagplane crashed sa baba. Ang oa ng description. Basta feeling ko nabasag lahat ng gamit sa baba sa sobrang ingay kanina. Patay ako sa nanay ko nito.
Pagbaba ko "Wow! Nasa heaven na ba ako?" Namumuti kasi ang kitchen namin. Alikabok ba 'to o ano?
"Hindi ako si San Pedro" Sabi nung...wait sino yun? Si Julian ba yun?
"Sino ka? Olaf?" Pang-aasar ko
"Tigilan mo ako"
"Uwahhh! Philippine version! Whahahahha" Pang-aasar ko ulit
Asar na asar na yung mukha niya. Hindi ko mapigilan yung pagtawa ko. Nakakatawa naman kasi talaga. Para siyang snowman. Namumuti. Kulang na lang carrot sa ilong! Wahahahhahah! Sakit sa tiyan! Busy ako sa pagtawa. Napapaiyak na nga ako sa tuwa ng bigla may bumuhos na puting kung ano mang powder mula sa ulo ko -_- Nice! Magaling!
"Ano ba!"
"Whahaha ayan we're the same. Cute right?"
"Nang-aasar ka? Kakapalit ko lang ng damit!"
"Sinong nauna?"
"Julian!"
"Its Jace, Gail"
"Shut up" Close ba tayo? "Its Jace, Gail" Wekk! Asa ka!
Busy siya magpagpag ng sarili niya kaya pinagpagan ko na din ang sarili ko. Basahan lang ang peg.
"Aish! Ang kati" Angal niya
"Angal ka diyan sino pa may kasalanan?"
"Naangal ba?"
"Bakit hindi ba?"
"No. Sinasabi ko lang"
"Ganun din yon"
"Its different" Wag ng patulan Zhara. Utang na loob hindi ata matatapos 'to
"Sabi mo eh" Sabi ko na lang ng tumugil na
"Bakit kasi may isang sakong flour dito? Nasa ibabaw pa?" Sisihin ba yung harina?
"Inaano ka ba? Nananahimik yung flour..." Flour? Flour? Flour? Patay!!!! "Bakit tinapon mo yung harina?!!!"
"Dont shout! Naririnig kita"
"Paanong hindi sisigaw eh tinapon mo yung harina? Alam mo bang kay mommy yan---"
"Natapon"
BINABASA MO ANG
ROYGBIV seven colors
RomanceThey met each other in a certain place Masungit si Girl kay Boy Makulit si Boy kay Girl And they don’t know the name of each other And now after a long time The Girl at some point want to see the Boy again Wondering how the boy looks like now But th...