Chapter 13: Feeling @ home >.<

98 4 1
                                    

Chapter 13: Feeling @ home >.<


"Saan tayo pupunta? Kung may gusto ka sa 'kin pwede mo namang sabihin. Date lang pala gusto mo, madali akong kausap"


"Kapal mo! Taas ng confidence! Asa ka oy!"



Kainis eh -_- Dami dami sinasabi tapos kapag ako matanong or salita ng salita sasabihin ang daldal o ang ingay ko daw. Taong 'to gulo talaga ng utak


"This is what they call a jeepney right?" Tanong niya ng pabulong then pasimple siyang ngumiti



Na-a-amaze ba siya? Wag mo sabihing...



"First time mong makasakay ng jeep? Seryoso ka? Ahahaha" Medyo bad girl


"Sigaw mo pa"



Whahahahaha! Seryoso ba talaga siya? Sakit na ng tiyan ko kakatawa! Kami lang namang dalawa ang pasahero kaya ok lang siguro na mag-ingay ako? Na-a-amaze ako sa kanya! I cant believe lang talaga kasi xD



"Di nga?" Pangungulit ko


"Ang ingay mo"



Ehem...see? Ang favorite line niya na naman



"Embarrassed?"



Tinignan niya lang ako tapos lumapit siya sa driver. Ano ka ngayon Zhara? Napikon ata



"Sir, how much should I pay?"


"17 pesos po for two" Si manong umi-english!


Inabot niya yung 100 pesos "Here. Just me. Ask for her payment. Keep the change"



Keep the change??? Tapos di pa ako nilibre? Aba naman! Buti na lang sinenyasan ako ni manong na wag na daw akong magbayad. Buti pa si manong at ang puno ng saging may puso. Korni mo Zhara! Tama na! Pero last na, ito kayang lalaking 'to bakit walang puso? Hmmp! Pero sayang pa rin eh! Akin na lang yung sukli :3 8.50 minimum fare times 2 so 17 pesos lang! Sayang yung 83 pesos! Pangload din yun! Pagbigyan niyo na ako. Kapag mga ganitong computation nagkakasundo talaga kami ng math. Apir!!!!

Bigla niyang pinatigil yung jeep at sapilitan akong tinulak pababa. Kung makatulak wagas???



"Pwede mo naman sabihin eh di mo na ako kailangang itulak pababa!"



ROYGBIV seven colorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon