DASAL

165 1 0
                                    

Pasado alas diyes na ng gabi at abala na ang grupo ni Celine sa pag aayos para umuwi.

"Kiko ito pala ang record ni Tatay Daniel so ikaw ang kapalitan ko ng Shift diba?"

"Sige Celine so paano yan madalang tayo mag kikita niyan mag kaiba tayo ng shift hahaha!"

"Baliw ka talaga basta ikaw na bahal dito at uuwi na kami nila Mae at Sofia."

Hindi pa nakakalayo si Celine ng hinawakan ni Kiko ang braso ni Celine.

"Oh bakit?"

"Ahh... wala naman Mag iingat ka lang palagi."

"Adik to hahaha oo sige na alis na ako masama pakiramdam ko e!"

Habang nag lalakad sila Celine at ang mga kasamahan niya naisipan ni Mae na kumain ng Mami sa may kanto.

"Baklang Celine sama ka kain tayo mami doon oh" pag aaya ni Mae.

"Ayoko teh kayo na lang pagod na si Ganda e!"

" beh pagod lang ok walang ganda!" Panloloko naman ni Sofia.

"Oh sige na mauuna na ko. Mag ingat kayo diyan ha!"

Madilim sa daan papasok sa inuupahang dorm nila Celine halos ilaw lang sa mga bahay ang nag sisilbing liwanag para makita ang daanan. Nasa tapat na ng gate si Celine ng tinutuluyang bahay. Walang gaanong ilaw na naka bukas sa bahay at tanging ilaw lang sa hagdan papasok sa 2nd floor ang bukas. Dahil karamihan ng nasa 1st floor ay nasa Night Shift. Hindi na alintana ni Celine ang paligid dahil pagod na pagod na siya. Habang umaakyat siya ng hagdan ay nalaglag ang kanyang name plate kaya agad niya itong pinulot. Habang kinukuha ni si Celine ang nalalag na gamit ay parang may naaninag siyang isang babae na nakatayo sa may ibaba ng hagdan at parang pinag mamasdan siya nito, Naka itim na parang naka damit na pang kasal. Pilit niya dinidilat ang kanyang mga mata upang mas maaninag niya ng mabuti ang mukha.

"Aling Cora kayo po ba yan?"

Tawag ni Celine... Nakita niyang nag lakad ito papasok sa bodega sa baba ng bahay. Dahan-dahan siyang bumaba upang tignan at mahabol ang babaeng nakita.

"Aling Cora... Aling Cora kayo po ba yan?"

Pag sisigurado ni Celine... Narating niya ang pintuan ng Bodega at ito ay naka lock..

"Celine anu ba ginagawa mo diyan?"

Pag tawag ni Aling Cora mula sa hagdan sa taas.

"Ahh ehhh A-aling Cora para po kasing may ta-tao kanina dito a-akala ko po kayo e." Pa utal utal na sagot ni Celine.

"Diyos ko bata ka pumarini ka na dito wag ka diyan baka may mga insekto pa diyan na makakagat sayo. "

Agad naman sumunod si Celine sa matanda.

"Nasaan ba ang mga kasamahan mo at mag isa ka lang umuwi?"

"Kumain po sila sa mamihan sa kanto."

"Kumain ka na ba? Gusto mo sumabay ka na sa amin ni Tatay Rod mo pumunta ka na lang sa Kusina mamaya."

"Ah sige po aling Cora."

Habang nasa hapag kainan ay tahimik si Celine at para bang may gumugulo sa kanyang isipan.

"Hindi mo ba nagustuhan ang luto ng Aling Cora mo?" Naka ngiting sinabi ni Mang Rod.

"Naku hindi po masarap nga po e favorite ko po to tinolang manok. Aling Cora Mang Rod pwede po ba ako mag tanong?"

"Anu ba iyon hija?" Pag papaunlak ni Aling Cora.

"Matagal na po ba kayo naninilbihan sa bahay na ito?"

"Naku hija bata pa kami nito ni Mang Rod mo e naninilbihan na kami dito. Kasi ang aming Nanay at Tatay ay dito na din naninilbihan simula pa noon. "

"Ibig po sabihin matagal na po pala talaga itong bahay?"

"Oo hija natatandaan ko noong bata pa ko e masaya pa ang lugar na ito. Kaso simula noong namatay ang anak nila Senyora at Senyor na si Senyora Luisa ay nag ibang bansa na lang sila. At simula noon hindi na sila umuwi dito. Tanging mga ka mag anak na lang nila ang nag aasikaso ng mga ari arian na naiwan nila dito. Bata pa ako noon kaya hindi ko na matandaan ang ibang detalye. Ang kwento naman ng nanay namin namatay si Senyora sa loob ng kwarto sa itaas."

"Namatay po? Bakit po kaya Aling Cora?"

"Naku hija hindi ko na natatandaan e ang usap usapan e nag kasakit ng malubha si Senyora kaya iyon ang ikinamatay niya."

"Pero may naka pag sabi po sa akin Aling Cora na 2 taon na ang nakakaraan ng may namatay din daw po dito kaya po ito nag sara? Anu po ba ang naging dahilan noon?"

"Hindi ko alam hija kasi nakita na lang namin siya sa may kwarto na wala ng buhay. Sabi ng mga kaklase niya nag pakamatay daw ito dahil sa bigat ng problema. Kaya minabuti muna namin ito ipasara at habang hindi pa tapos ang imbestigasyon hindi muna namin ito binuksan para sa mga bakasyunista At noong nakaraang buwan napatunayan naman na nag pakamatay talaga yung bata kaya nag pasya na ang pamilya nila na buksan ulit ito sa mga bakasyunista.

At ng matapos ang masarap na hapunan ay agad umakyat ang dalaga sa taas. Pumasok agad ito sa silid at naligo. Habang naliligo ay naramdaman niyang dahan dahang bumukas ang pintuan ng CR at parang may naaninag siyang babae na nakatayo mula sa labas ng Shower Curtin. Pinag sawalang bahala niya ito at nag patuloy sa paliligo dahil akala niya ay sila Sofia ito o kaya ay si Mae.

"Dumating na pala kayo kumain na ako sa baba pinakain ako nila aling Cora."

Sambit ni Celine na akala ay meron siyang kausap. Nag tataka siya dahil bakit parang ang tahimik at hindi sumasagot ang kinakausap niya. Kaya dali dali niya hinawi ang Shower Curtain at laking gulat niya dahil walang ka tao tao sa kwarto at bukas ang pintuan ng CR. Natatakot na siya sa mga oras na iyon dahil may na aninag siyang isang babae mula sa kurtina kani kanina lamang. Dahan Dahan siyang lumabas at.. "Sofia... Mae... kayo na ba yan?" Walang sagot siyang natanggap at sinilip niya ang buong silid mula sa pintuan ng CR. Wala siyang kahit isang tao na nakita, kaya sinara niyang muli ang pintuan... Humarap siya sa salamin at kinuha ang sipilyo habang nag sisipilyo siya ay nag dadasal siya dahil sa kakaibang takot na nilalabanan niya sa mga oras na iyon. Kada idudura niya ang toothpaste sa lalabo ay tumitingin siya sa salamin. Pinag patuloy niya ang dasal at umabot na siya sa Hail Mary... Habang nag dadasal siya ay dinura niyang muli ang Toothpaste at laking gulat niya ng makita ang isang babae na animo ay baliw na iniikot iikot ang buhok gamit ang hintuturo at ginagaya siya at nag dadasal din ito ng Hail Mary.. pero sa lenguaheng latin.. Mabilis ang tibok ng puso niya at hindi na niya nagawang sumigaw dahil para siyang paralisado na naka harap sa salamin at pinag mamasdan ang babaeng paulit ulit na binibikas ang
AVE MARIA, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus. At pa ulit ulit na iniikot ang daliri sa kanyang magulong buhok..

"Hoy Celine anu ba gumising ka...."

Naramdaman niya ang sunod-sunod na tapik mula sa kanyang pisngi..

Habang lumilinaw ang kanyang mata ay nakita niya ang mga kaibagan at iba pang kasama sa Dorm na naka palibot sa kanya at nag aalala.

"Anong ngyari sayo babae ka Nakita ka namin na walang malay sa Banyo anu ba ang ngyari sayo?"

"Hindi ko alam pero may nakita ako... "

Dapat ay sasabihin niya ngunit pinili na lang niya wag ipaalam sa mga kasamahan niya dahil alam naman niya hindi ito maniniwala sa kanya.

"Anong nakita? Sino?" Pag aalalang tanong ni Mae sa kaibigan.

"Ah wala to siguro sa sobrang pagod lang to ilang araw na din ako kasi hindi makatulog ng maayos."

"Hay naku pinag aalala mo kami grabe yung takot namin akala namin napano ka na."

Habang inaasikaso siya ng mga kasamahan niya ay hindi mawala sa isip niya ang babaeng nakita niya. Alam niya hindi na panaginip ang lahat at nakaka siguro siya na ang babaeng nakita niya ay ang babae sa kanyang panaginip.

HAIL MARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon