ANG NATATAGONG SILID

47 0 0
                                    

Dahil Sa ngyari ay hindi na nakatulog si Sofia kaya mas pinili niya ang mag pahangin.

Habang siya ay nakatanaw sa bintana ay nakita niya sila Aling Cora at Mang Rod na pumasok sa bodega. Agad siya bumaba para malaman ano ang ginagawa ng mag asawa sa lugar na iyon.

Sumilip ng marahan si Sofia at nakita niyang umakyat ang mga ito sa hagdan.

"Ano kaya ginagawa ng dalawang to dito halos gabi na ?!"

Umakyat din si Sofia at laking gulat niya na ang hagdan ay patungo sa sahig ng isang lumang kwarto. Palihim lang niya pinag mamasdan ang mag asawa at nag tulos ng kandila sa altar at nag dadasal. Hindi niya mawari anu ba ang lihim ng mga ito at ang lumang bahay.

Agad sinidihan ni Aling Cora ang mga kandila sa iba pa bahagi ng silid at dito nag karoon ng sapat na liwanag ang kwarto para makita ni Sofia ang kabuoan ng silid. Mga santo na halatang may katagalan na at isang altar. Laking gulat niya ng makita ang isang lumang larawan na nakasabit. Maya maya pa ay may plaka na sinalang si Mang Rod sa turntable. (Paki play ang media sa taas para makatotohanan ang bawat tagpo)

Ibang takot na ang nararamdaman niya dahil sa naririnig niya mula sa plaka hindi din niya alam bakit ganito ang kinikilos ng mag asawa.

Señiorita Luisa may mga bisita na muli ang inyong bahay. Mga maaring makatulong sa inyong pag tawid. Wika ni Mang Rod.

"Laking gulat ni Sofia dahil alam niyang sila ang tinutukoy ng mag asawa.

Agad naman bumaba ang dalaga at dali dali itong umakyat sa kanilang silid. Naabutan pa niyang gising si Mae at Celine.

"Umalis na tayo sa lugar na ito!" Pahangos na sabi ni Sofia.

"Ha bakit? Ikaw naman yata ang natatakot ngayon?"

"May mali sa pamamahay na ito!! Tama kayo totoong may nag paparamdam dito!

"Sinabi ko na sayo na mayroong natatagong lihim ang bahay na ito!" pahayag ni Mae.

"Narinig ko si Mang Rod at Aling Cora. Nasa kabilang kwarto sila! Dumaam sila sa may silong sa baba at narinig ko na gagamitin tayo para tulungan ang may ari ng bahay na ito!"

"Teka Teka Sofia ah anu ba sinasabi mo? sino may ari ng bahay na nasa kabilang silid? E wala naman tao doon?"

"Narinig ko mukhang gagamitin tayo ng mag asawa para matulungan ang sinasabi nilang Luisa."

"Sinong Luisa?" Pag tataka ni Mae.

"Siya ang babae na nasa larawan sa kabilang kwarto."

Naramdaman ng mga dalaga na may paparating sa kanilang silid at agad silang humiga sa kanikanilang kama.

Bumukas ang pinto .....

Habang nakatalukbong si Celine ay pilit niyang inaninag kung sino ang nag bukas ng pinto. Nakita niya ang mag asawa na nakasilip sakanila.

Ilang saglit pa ay nilisan na ni nila Aling Cora at Mang Rod ang silid.

Bumangon muli ang dalaga.

"Kailangan nating pasukin ang lihim na silid. Kailangan malaman natin ang dahilan ng mga ngyayaring ito." Pag aaya ni Celine.

Agad naman silang lumabas ng Silid at dahan dahan nilang tinungo ang pinag babawal na silid..

.... Habang papalapit ay... Unti unting lumalakas ang musika sa kawarto.

Binuksan nila ang silid at laking gulat nila na maliwanag ito puno ng kandila. Maaninag ang mga lumang rebulto ng mga santo. Luma ang mga gamit pero maayos ito at malinis. Isang lumang larawan ng isang babae ang naka agaw pansin kay Celine.

HAIL MARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon