MUKHA

194 2 7
                                    

Lumabas si Mae para bumili ng makakain ni Celine. Nilakad niya ang madilim na kahabaan ng daan ng Villa Romero. Ilang saglit pa ay narating niya ang tindahan malapit sa Teachers Camp.

"Ate dalawang Cup Noodles nga po at 2 paracetamol."

"Hi Miss" Bati ng isang binatilyo na nakatambay sa may tindahan.

"Ahhmm Hello."

"Miss sa taga Villa Romero ka?"

"Oo bakit?"

"Kasamahan mo si Celine?"

"Ahhmmm Oo bakit mo siya kilala?"

"Ah paki sabi kinakamusta ko siya, Ako pala si Arvin. Nag kakilala din kami dito sa tindahan."

"Ah sige sabihin ko sa kanya kinakamusta mo siya. Actually may sakit nga siya e!"

"Ha talaga naku sabihin mo pagaling siya."

"Ito na yung cup noodles at gamot." Pag bibigay ng tindera.

"Ate Tess sila yung kinukwento ko sayo nanunuluyan sa Villa Romero."

"Ah sila pala yun!"

"Bakit po may problema po ba?" Pag tataka tanong ni Mae sa tindera, Dahil curious siya na parang may mali sa pag tira nila sa bahay.

"Ah wala naman hija nakwento lang ni Arvin sa akin. Matagal na din kasi hindi yan binukasan para sa mga bakasyunista."

"Ahh bakit daw po?"

"May namatay kasi diyan dati!" Pag sabat ni Arvin habang sumisipsip ng softdrinks.

"Hoy Arvin wag mo takutin yan baka hindi yan makauwi."

"Hindi naman po ako duwag ate" tugon ni Mae

"Basta Hija mag iingat kayo sa bahay na yan! Madaming usap usapan diyan na may nagpapakita sa bahay na yun!"

"Naku po hindi po ako naniniwala sa mga ganyang kwento."

"Basta gaya ng sabi ko kay Celine pag mag dadasal kayo sikapin niyong matapos." Sabat ni Arvin.

"Wala na kasi gaano nanunuluyan sa lugar na yan hija. Kung iisipin mo wala nga gaano pumupunta sa lugar na yun kasi kahit kami mga taga rito e hindi nagagawi diyan nakakatakot kasi. Kahit ako hindi ko na alam itsura ng lugar sa dulo." Pag kukwento ni Tess.

"Wala naman po kami nararamdamang iba sa bahay na yun! Sige po tuloy na po ako." Pag papaalam ni Mae.

Habang nag lalakad siya ay pa dilim na ng padilim ang lugar dahil hindi na abot ng mga ilaw ng bahay ang daanan dahil wala ng gaano bahay papunta sa Villa Romero. Inilock na ni Mae ang gate at paakyat na ito ng hagdan patungo sa taas ng may makita siyang babaeng pumasok sa may bodega. Agad niyang binuksan ang cellphone upang maging liwanag at makita kung Sino ang taong kanyang nakita. "Aling Cora???" Pag tawag ni Mae. Agad siyang bumaba upang tiganan kung sino ang tao sa baba. Pinihit niya ang pinto ng bodega at binuksan ang ilaw. Madumi na ang paligid at madami na din mga alikabok. Nag tataka siya at puro Imahe ng Mahal na Birhen ang nasa buong paligid. May mga Imahe din si Hesus na naka pako sa krus. Luma na ang mga imahe at nababalot na ito sa sapot. May ilan din santo dito na hindi pa tapos gawin at parang nahinto na itong gawin. May mga ilang kagamitan din dito ng pang ukit.

"Siguro dati itong pagawaan ng mga rebulto para sa simbahan."

Nag lakad-lakad pa si Mae at nagulat siya ng may isa pang pintuan siyang nakita. Pinihit niyang muli ang pintuan at ito ay bumukas. Nakita niya na may hagdanan, Hindi lang niya alam kung saan patungo ang bawat baitang. Marupok na ang bawat baitang at lumalangitngit na ito sa tuwing ihahakbang niya ang kanyang mga paa. May maliit na pinto sa dulo nito at napag tanto niya na sahig na ito ng bahay sa itaas. Pinilit niyang buksan ang pintuan at laking gulat niya na tama ang kutob niya, Sahig nga ito ng bahay. Nilibot niya ang kanyang mga mata dahil hindi pamilyar ang kwartong ito sa kanya. Binuksan niya ng mas malaki pa ang pinto na nag sisilbing sahig ng silid. Madilim ang silid at tanging ilaw lang ng cellphone niya ang nag sisilbing liwanag upang maaninag ang buong silid. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa lugar kaya pinili na lang niya ang umalis. Habang siya ay pababa ng hagdan ay may biglang humawak sa kanyang mga paa at hindi niya napigilan ang sumigaw. Laking gulat niya ng..

"Ano ang ginagawa mo diyan?"

Nakita niya si Mang Rod at Aling Cora na masama ang tingin sa kanya.

"Ahhhm A- Aling Cora..... Mangggg Rod ahh ano po kasi a... May nakita po kasi ako tao kanina pumasok dito, A...akala ko po kasi na kayo po iyon Aling Cora.. Kaya po sinundan ko po.. Pasensya na po." Pag papaliwanag ni Mae.

"Bumaba ka na diyan at umakyat ka na sa kwarto niyo. Sa susunod wag na wag kayo pupunta sa mga lugar na hindi niyo naman dapat pinupuntahan. Wag matigas ang ulo baka hindi niyo magustuhan ang maging kapalit ng pakikialam niyo!! Maliwanag ba?"

"Opo Aling Cora pasensya na po talaga."

Agad umakyat si Mae na may takot sa dibdib . "Bakit ganun na lang makatingin sakin si Mang Rod at Aling Cora para silang Galit! Anu ba meron doon at ayaw nila kami papasukin."

At ng marating ni Mae ang kwarto ay tulog na ang kanyang mga kasamahan. Hindi na niya nagawang pakainin si Celine at painumin ng gamot dahil mahimbing ma itong natutulog, Kaya humiga na din siya at nagpahinga..

Malalim na ang gabi.....

Naalimpungatan si Mae sa kanyang mahimbing na pag kakatulog ng maaninag niyang naka bukas ang cellphone niya. Tinignan niya ito para ma check kung may tawag ba o text, Ngunit wala naman kaya binaba niya na lang ulit sa gilid ng kama. Babalik sana siya sa pag kakatulog ngunit nawala na ang kanyang antok. Kaya kinuha niya ang telepono at kinalikot na lang niyang muli ito at nag basa-basa sa kanyang Facebook. Ilang saglit pa ay narinig niyang parang unti-unting bumubukas ang pintuan ng kanilang silid. Kaya tinapat niya ang Cellphone sa pintuan upang mag silbing liwanag para maaninag niya ang dahilan ng pag bukas nito. Ngunit nakita naman niya itong naka sara. Bumalik siya sa pag babasa at maya maya ay narinig niyang muli ang pag bukas ng pinto. Muli niyang tinapat ang cellphone sa pintuan at laking gulat niya ng makita itong nakabukas. Kinakabahan si Mae sa mga oras na iyon kaya unti unti niyang nilibot ang kanyang cellphone para makita kung sino ang pumasok. Laking gulat niya ng maibalik niya ang liwang ng cellphone sa may pintuan ay may nakita siyang isang babae.... isang babaeng naka itim at wala itong mukha. Hindi niya na napigilan ang sumigaw dahil sa takot..

Halos nagising ang kanyang mga kasamahan at Agad namang binuksan ni Sofia ang ilaw ng kwarto at nakita niya na takot na takot at umiiyak na si Mae.

"Hoy anu ba ngyari sayo babae ka?"

Wala siyang sagot na nakuha mula kay Mae dahil nangangatog ito sa takot.

"Teh anu ba ngyari sayo? Nanagip ka ba ng masama?" Tanong ni Celine.

Agad kumuha si Sofia ng tubig at pinainom sa kaibigan upang mahimasmasan.

"Kalma ka lang teh! Anu ba ang ngyari sayo?" Tanong muli ni Sofia

"Ayoko na dito gusto ko ng umuwi."

"Bakit anu ba ang ngyari?"

"May nakita ako babae naka tayo sa may paanan ko wala siyang mukha. Pero alam ko sa sarili ko na hindi yun panaginip dahil kitang kita ng dalawang mata ko." Takot at tarantang pag kukwento ni Mae.

"Anu ba ngyayari sa atin?  Nakaraan itong si Celine ngayon naman ikaw? "

"Nakita ko din ang babaeng yun Sofia!" Sabat ni Celine.

"Ha kailan? E ilang araw pa lang tayo dito sa bahay nag paramdam agad anu yun Joke?"

"Kagabi habang nag sisipilyo ako nakita ko siya sa salamin!! Nag dadasal siya ginagaya niya ako! Kaya nawalan ako ng malay kasi sa sobrang takot!" Halos maiyak na din si Celine habang pinapaliwanag sa mga kaibigan niya.

"Teka nga anu ba ang sinasabi mo nag dadasal? Pwede ba yun? Multo mag dadasal diba takot nga sila sa dasal? Kayo kasing dalawa panay basa niyo ng katatakutan diyan sa Facebook niyo kaya ayan na aadopt niyo na! Matulog na kayo at may duty pa tayo bukas. Mag dasal kayo ng hindi kayo nilalapitan ng Multo.

Agad lumapit si Celine kay Mae..

"Celine hindi ako nag bibiro, totoo nakita ko siya.. Babae.. pero walang mukha maniwala ka sakin!"

Hindi malaman ni Celine ang dahilan kung bakit nag paparamdam sa kanila ang espirito na yun. Laking pag tataka din niya dahil nakita niya ang buong mukha ng babae ngunit ang kay Mae ay wala itong mukha.

Mag kaiba ba sila ng nakikita o iisa lamang?

HAIL MARY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon