Sunny's POV.:
(Before Sunny's accident...)
Flashbacks.....
Andito ako ngayon sa garden ng school at tapos na ang klase ko para ngayong araw.
Habang nagmumuni-muni ako hindi ko maiwasang maluha.
Dahil naiwan na naman akong mag-isa.
Alam niyo na siguro kung sino ang dahilan diba??
Siguro ito na nga ang karma ko sa pag-iwan ko sa kanya.
Ni hindi ko na nga siya mapuntahan sa sobrang hiya.
Sana dumating ang araw na magkikita kami, at meron na kong mapapatunayan.
.
.
.
.
Ngayon.
Tinitignan ko yung last convo namin 2 years ago. Yung convo namin nung pinagpalit ako- ay mali linimot pala ako.
Yes two years ago na ang lumipas..
Two years ago na rin ang lumipas ay hindi niya pa rin nababasa ang mga messages ko sa kanya.
Ang sakit kahit isang letra walang reply seener lang ang peg.. (Ayy fame pala kasi hindi man lang niya nabasa toh.)
Palibhasa may mahal na siyang iba yun ay si Fatima Silver Grace.
.
.
.
.
.
Pinsan ko siya..
Ang saklap nun noh?
Yung mismong sarili mong pinsan pa talaga ang napili niyang mahalin ng totoo.
Habang ako andito nagtatago pa rin ng totoong nararamdaman ko.... (Sa tingin ko ay hindi rin naman tago dahil alam naman niya kung anong tunay na nararamdaman ko)
Halos 4 years na kong naghihintay......
.
.
.
Pathetic me right????
Pero ano ba naman yung 7 years na silang magkakilala.
Wala talaga akong binatbat dun noh....
Sa totoo lang masasabi kong pretender ako pero hindi ako plastic....
Nagpapanggap akong ok sa lahat ng nakakasalamuha ko ok lang ako ng ok kapag kinakamusta nila ako pero sa kaloob-looban ko sobrang nasasaktan na ko......
At tsaka pag sawi ang mga kaibigan ko sa pag-ibig ang galing kong magbigay ng advice pero yung sarili ko hindi ko mabigyan...
Buti pa ang iba ay kaya kong bigyan ng tulong eh sa sarili ko pa nga lang ay hirap na hirap na ko.
Nakakatawa noh??
Oh mas magandang sabihin na nakakaawa noh?
Pero ok lang naman habang mas tumatagal umo-ok n rin ako.
Lilipat na nga rin ako ng school ehh ayoko na kasi siyang makita pa.
Susubukan ko ng tanggalin ang nararamdaman ko sa kanya at isarado na habang buhay.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Teen FictionSana makita mo naman na may nagmamahal sayo..... Nasa malayo at nakatingin sayo.... At minsan na..... Nakakasama mo.... Nung Ikaw ang lumayo.... Ako naman ang patuloy na sumusunod sayo... Tinitignan ko ang bawat kilos mo... Na minsang nagpaparamdam...