(Present na talaga)
<Ian's POV>
Andito ako sa labas ng Emergency Room. Dito ko dinala si S-sinag ng mabangga siya ng truck, na naman ng dahil sa akin. Kasalanan ko na naman. Marami akong pagkukulang lalo na sa kanya. Ang dami na niyang sinakripisyo para sa akin. Put*k naman kasi bakit ngayon lang bumalik ang l*ntek na mga ala-alang toh?!!
Iniiwasan ko lang siya dahil sinabi niya sa akin. Na s-si S-sinag ang dahilan kung bakit ako naaksidente.
Pero naaalala ko na ngayon ang lahat. Hindi aksidente ang nangyari kundi trahedya.
Trahedya na naging hadlang sa pagsasama namin ni Sinag. Trahedya na sumira at naghiwalay sa aming dalawa.
At ngayong nasa panganib siya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko lalong-lalo na sila.
Sila ang nagsimula. Na sila rin ang sumira.
Alam kong maraming galit sa akin. At naiintindihan ko yun. Marami akong kasalanan pero sana naman bigyan niya pa ko ng isa pang pagkakataon.
Isa pang pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. T*nga mang pakinggan kung bibigyan niya man ako pero.
Biktima lang naman din ako. Napaglaruan lang din naman ako pero alam kong dapat hindi ako agad magtiwala. Pero ano pa bang magagawa ko tapos na. At ngayon ay nanganganib na naman ang buhay niya.
Alam kong mas nasaktan ko siya ng humingi ako ng tulong na magpaligaw kay Fatima. Ang manhid ko at higit sa lahat ang t*nga ko.
Sa totoo lang bago bumalik ang mga ala-ala ko:
Gusto ko na si Fatima kaibigan ko siya bago pa ko magkaroon ng pagkagustong damdamin para sa kanya. Mabait siya maalagain, maganda, pinapadama niya sa akin na mahalaga ako sa kanya. Gusto siya ng pamilya ko, sila rin ang nagtulak sa akin na manligaw sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya magpapatulong sana ako sa taong di ko gusto lapitan kahit kailan. At yun si Sinag maganda siya mas maganda pa kay Fatima pero ayoko sa kanya dahil lahat ng lalaki sa school kaibigan niya. Tsaka ayaw sa kanya ni Fatima masama daw ang ugali ni Sinag at malandi daw ito, kaya kapag nanonood siya ng mga game namin o lumalapit siya sa barkada lumalayo agad ako sa kanya na parang may sakit siya. Napapansin din ng mga kabarkada ko ang paglayo ko kapag andyan si Sinag. Kapag tinatanong nila ko ang sagot ko lang ay 'ayokong mapalapit sa ganung tao' at dun nagalit sa akin ang mga kabarkada ko lalo na ang isa sa mga manliligaw niya. Buti na nga lang at hindi ito nagtagal at nirespeto na lang nila ang desisyon ko pero alam ko sa kaloob-looban nila may inis pa rin silang nararamdaman. At isa pa sa mga dahilan ay magagalit sa akin si Fatima. Sa simula hindi ko alam na magpinsan sila pero narinig ko si Fatima na nakikipag-usap sa cellphone niya at dun niya lang nabanggit na pinsan pala niya si Sinag hindi ko narinig amg ibang detalye dahil sa pagkagulat. At ang huli ko lang na narinig na siya ang may ari ng school...
Pero bakit hindi niya ka-apilyedo??
Kahit sa initials hindi.Yun ang sa isa sa mga dahilan ko noon.
Pero ngayon...
Pati ako niloko ni Fatima. Si Fatima ay-
Naputol ang pag-iisip ko nang kinuwelyuhan ako ng isang tao. Pinipigilan siya ng isang lalaki dahil hindi na ko makahinga. Ang pagkuwelyo niya na nauwi sa pagsakal.
"Dark bitawan mo siya." narinig kong sabi nung pumipigil na lalaki.
"Hindi Jet kailangan niyang pagbayaran toh." Hindi ko na masyadong narinig ang sinabi nung tao dahil nanlalabo na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Novela JuvenilSana makita mo naman na may nagmamahal sayo..... Nasa malayo at nakatingin sayo.... At minsan na..... Nakakasama mo.... Nung Ikaw ang lumayo.... Ako naman ang patuloy na sumusunod sayo... Tinitignan ko ang bawat kilos mo... Na minsang nagpaparamdam...