Real Life Killer Clown

856 13 0
                                    

"Real Life Killer Clown" 🤡

Si John Wayne Gacy Jr. ay isang American Serial Killer na nakapatay at nakatorture ng at least 33 teenage boys. Lahat ng kanyang victims nya ay pinapatay nya sa loob ng kanyang ranch house sa Norwood Park. Pinapapunta niya ang kanyang victims sa bahay niya ng sapilitan or by deception. Pinapatay niya ito sa way ng asphyxiation (pagubos ng oxygen sa katawan), strangulation sa use of tourniquet (pagcompress ng neck/choking na nagcacause ng pagkaroon ng hypoxia sa utak) o sa paraan na gusto niya lang talaga. Ang mga patay na katawan ay inililibing nya karamihan sa kanyang basement at ang iba naman ay inililibing sa iba't ibang parte ng kanyang bahay. Ang huling apat na kanyang victims ay itinapon niya sa Des Plaines River.

Pero, pagusapan natin ang naging buhay ni John Wayne Gacy sa kanyang pagtanda. Siya ay ipinanganak noong March 17, 1942 sa Chicago, Illinois. Siya ay nagiisang anak na lalake ngunit hindi naranasan ni Gacy ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pagtanda dahil ang ama niya ay lasinggero at mahilig manakit. Bata pa lamang si Gacy ay gusto na niyang maging proud ang kanyang ama, ginawa niya ang lahat para lang maipagmalaki niya si Gacy, subalit, hindi pagmamalaki ang ginawa ng kanyang ama kundi pagmamaliit dito, sinasabihan sya ng "dumb/stupid" at cinocompare sa kanyang mga kapatid na babae. Dahil sa sakit sa puso ni Gacy ay hindi siya nakikisali sa mga school activities na naging dahilan ng pagbubully sa kanya sa school. Merong situation rin na minomolestiya siya ng kaibigan ng family nya. Nung fourth grade naman ay nagkakaroon siya ng biglaang blackouts na naging dahilan ng pagbalik balik nya ng ospital. Also, in the same year, nagkaroon rin siya ng burst appendix/appendicitis. Dahil sa kagustuhan na maging proud ang kanyang ama sa kanya, noong edad na 18 ay sumali sya sa Democratic Party, pero dahil sa kanyang ginawa mas lalo lang siyang pinagmaliit at pinagsabihan ng kanyang ama. Binilhan siya ng kanyang ama ng kotse ngunit nakapangalan ito sa kanyang ama. Siya rin ang nagbayad ng monthly payment sa kotse. Matapos nito ay ang kanyang ama na ang gumamit nito at kinuha ang susi ng kotse na dapat ay kay Gacy. Siguro isa ito sa mga dahilan kaya naging serial killer si Gacy, its not that easy to move on from those things he used to suffer in his teenage years.

Sa kanyang unang kaso, pinatay niya ang isang 15 years old boy na nagngangalang Donald Voorhees. Pinapunta ni Gacy si Voorhees sa kanyang ranch house sa pamamagitan ng pagpapakita ng pornographic videos. (Madaling maakit ang mga lalake jusko) Pinainom ng alcohol si Voorhees at inutusan niya ito na mag oral sex sa harapan niya. Marami pang iba na mga teenager ang ginawan niya ng sexually abused at pinatay sa mga sumunod na buwan. Meron ring mga victims na binablackmail niya dahil sa oral sex na pinapagawa nito, kaya nagkakaroon sya ng chance na mapatay o matorture ang victim.

Dahil sa pagreport ng mga magulang ng biktima ay nahuli si Gacy at pinatawan ng execution sa pamamagitan ng lethal injection. Namatay siya noong May 10, 1994 sa edad na 52. Killer Clown? Bakit nga ba? Hahaha, tinawag siya na Killer Clown dahil sa pagpunta niya ng mga fundraising events at birthday parties na nakacostume siya as "Pogo the clown". Sa paraan na ito ay mas marami siyang makikitang mabibiktima niya at mapapatay.

-

Naalala ko tuloy yung mga killer clown kuno na nagpunta na dito sa Pilipinas haha!

Top Secret Files Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon