Chapter 1 - Anne

75 1 0
                                    

" Marvin, let's... let's stop this

this isn't working..." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nya. Ang hirap ng ginagawa ko ngayon. Shit! Kailan ba to matatapos.

"Anne? Anne please? Spare this day for me please? It's our first month together, you can't do this to me." He said pleading. My gosh! Gusto na din maiyak... Nakaupo sa harap ko si marvin hawak yung gift nyang ring for me na kanina ko pa tinatanggihan..

(_._)

I stood up. " I'm sorry, I'm sorry M-Marvin..."

I walked away and left him. 

I am Anne, Anne Regero. 4th Year student sa isang private high. Self-proclaimed maganda hahaha just kidding! Tignan nyo naman yung picture ko sa side o! matalino naman ako no, may kaya,simple at hindi ko man sinasadya..

....isa akong Certified Heart Breaker. De..joke lang... sabi lang nila (-____-)

Jusme, sa itsura kong to o...

Siguro nawiweirduhan kayo no? kasi simple lang ako pero madami na kong napaiyak na lalaki. Ang totoo hindi ko din alam kung paano nangyari yun. It happens and to tell you the truth, I am not happy with it.

"FRIEND!!!"

Napatigil ako sa pageemote nung sigawan ako ng friends ko.

Tumakbo ako at sinabayan sila sa paglalakad. Pauwi na kami.."Hey! Nakakagulat naman kayo, anyway san ba kayo galing?"

" Saan pa! E di chumika! Gosh friend! Panu mo nagawa yun?!

As in binreakan mo si Marvin ngayon? Monthsary nyo pa naman. Hayy!" Sya si Isay short for Issa, one of my best buddies. 

Ginulo ko yung buhok nya. " Makapag react ka a! Mas affected ka pa kaysa sakin??? hahaha..."

Nakakatawa pa ko sa panahong to. Ewan pero yung mga friends ko din kasi ang nakakapagpasaya sakin. Well, ayokong makita nila akong malungkot. Hindi sila sanay.

"E kasi naman Anne, kelan ka ba nagreact ha? Parang wala lang naman sayo lagi e." Sabat naman ni Acia. 

Tong nerd na to pati ako ginisa. Editor In Chief si Acia sa Campus Chronicle and running for Salutatorian din sya.

" Nyemas oh! Akala nyo ba talaga ganun kadali para sakin? Nakakatampo naman kayo." 

ಠ_ಠ - tampo na naiiyak kunyari.

Syempre umarte lang ako,  ayoko ng ipaliwanag pa yung part ko sa kanila, sa kulit ng mga to e siguradong di lang nila ako titigilan...

Sa totoo lang...takot ako magmahal pero hirap din akong tumanggi. Posible pala yun? Ewan, ganun ako e. Gaya ni Marvin, I gave him what he wanted. Umiyak kasi sya nung babastedin ko na sya, so imbis na mabasted, iba yung naisagot ko. Ang gaga lang di ba? Sa twing makikipagbreak ako, nagiguilty ako ng sobra at yun ang iniiyak ko sa gabi.

 "Araaay!" Kotongan ba ko sa ulo! Si Acia talaga!

" E friend kasi! Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo..."

(>_<) Kailan nga ba?

" Aaahh, Eee... hmmm.. bilisan na nga natin, kailangan kong umuwi ng maaga ngayon e." Pag-Iiba ko ng usapan.

"Haynako! Makakarma ka nyan sa ginagawa mo e! Concern lang kami sayo no!" Sabi ni Isay.

Alam ko naman din yun e. Pero sa bawat heart break na binibigay ko parang kinakarma na din ako..Hayyy..

Naglalakad  kami nang makasalubong namin si Macoy.

" Hi Anne! Single? " Tanong nya ng hindi tumitigil sa paglalakd pero nakatingin sakin. (^0_0^) Kamuka nya si Harry Potter. Matangkad, maputi, may salamin, clean cut at higit sa lahat makulit!

"Tse!" Sagot ko naman.

Una kong boyfriend yan si Macoy, 1st year highschool. Naging kami kasi lumuhod sya sa harap ko nung Christmas Party sa garden ng school. Syempre, andaming nakakakita. Sobrang nahiya naman ako kaya pinatayo ko na at sinabing kami na pero wag nyang ipagsasabi kahit na kanino. Ayun, Naka 1 month din naman kami mahigit pero nakipagbreak ako kasi ibang level ang kakulitan nya! Tawag ng tawag sa landline sa bahay namin, lagi tuloy akong napapagalitan ng mga kuya ko.

"Ang gwapo ni Mac ngayon no?!" (゜o゜) - ganyan yung mukha n Aryl o. Nakalimutan ko palang kasama namin si Aryl, ang tahimik kasi nyan e pero kung kiligin wagas!

Malapit na pala kami sa bahay namin. Kami nalang natira ni Aryl na naglalakad. Malayo layo din yung bahay namin from school pero minsan mas gusto namin maglakad pauwi habang nagchichikahan.

"Kalandian mo Aryl! Untog kita e! haha"

"To naman si Anne, parang minsan lang." (_._ ) ( _._) Umiling iling pa o.

" O sya-sya umuwi ka na, mag-ingat ka ha? Papasok na ko sa loob." *tsup* kiniss nya ko sa pisngi. 

Sweet talaga yang mga kaibigan ko e,, Ako lang yata ang hindi gumagawa nun. Ewan ko ba. Sinisisi ko nga nanay ko kasi pinanganak akong walang kasweet sweet sa katawan! haha.

"Hi Kuya Jay!!! Aga mo yata nag out sa work!? May pagkain na ba? Nagugutom na ko e!"  Tuluy-tuloy na sabi ko pagkabukas ng pinto at pagkalapag ng bag sa sofa.

"Ang dami mo agad tanong at ang takaw takaw mo pa!" Sabay lamutak nya sa pagmumukha ko.

Si kuya Jay nga pala e isa sa mga kuya ko. Gwapo yan, mas gwapo pa kay Dennis Trillo, sobrang puti, sobrang bait, sobrang matrip and over protective na kuya! Nauna syang pinanganak bago ako. Bunso ako e. Lima kami. Si ate Louie na nagwowork na din, Ate Rowie na nasa ibang bansa with her hubby, Kuya Dee, Kuya Jay tapos syempre yung pinacute, pinakaadorable at sabi nila pinakaweird sa lahat....

...ako! (^_-)

"Kumain ka na, nakapaghanda na ko.

Pero pwede ba magpalit ka na muna ng pambahay!" Sya nga pala yung pinakamaganda at mabait kong nanay.

"Okay po, salamat po nay!"

 Umakyat na agad ako sa kwarto namin, oo namin kasi kashare ko dito sina kuya pansamantala habang ginagawa pa yung isang kwarto. Nagpalit agad ako at bumaba para kumain.

\ (^O^)/ Saraaap! Busog na ko.

"Oyoy! Yung homeworks mo ba tapos mo na?!" Si Kuya Dee yan, masungit na kapatid ko.

Tumayo ako mula sa pagdodrawing at kinuha yung homeworks ko. "Eto na pooooo, gagawin na! tss..."

Napagod ang utak ko sa sinagutan ko kaya napagpasyahan ko na matulog na.

"Zzzz.....zzzzzz.....Hmmmmmmmmmmmmm....hmmm?

........hmmm..." ' Parang?  Parang may balahibo sa mukha ko???'

" hmmm.. hanohbayahn, natutu..tsk..KUYA!!!" Nagisng nalang ako nasa mukha ko na yung kili-kili ni Kuya Jay. Haynako tinrip na naman ako nitong dalwang to! Katabi ko kasi sila matulog. Sa gitna ako, sa kaliwa si Kuya Jay sa kanan si Kuya Dee.

"Huwaaaaaaa! Huwaaaa!" Umiyak ako. Kasi di ba nakakainis yung ganun? Natutulog ka tapos bigla ka magigising ng basta basta. " Nanaaaaaay!!! Sina Kuya po nilalagay yung kili kili nila sa mukha ko!"

"Hoy! Matulog na nga kayo! Patulugin nyo na yan si Anne at may pasok pa yan." Pagrescue ni nanay sakin. Weeeee.

"Behlat!" Sabay make face ko kina kuya at bumalik na ulit sa pagtulog.

 _____________________________________________________________

Sorry sobrang iksi. Try ko pahabain next chapter. :)

Letters To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon