Chapter 2 - Jaeson

66 2 0
                                    

Anne's POV

*Kriiiiiing...Kriiiiiiiiiiiiiing!*

Makakauwi na din kami sa wakas... Nakakatamad naman kasi yung PE namin ngayon, Volleyball. E nakoo, sawang sawa na ko sa bola, sa araw-araw ko ba namang pagdaan dito sa Campus Quadrangle e ilang beses na nalandingan ng bola ang mukha ko mapa Basketball o Volleyball pa yan.

" O Anne? Uuwi ka na ba agad? " Tanong sakin ni Isay habang sinisintas nya yung sapatos nya.

"Hmmm? Oo sana, pero may pupuntahan pa ba kayo?" Inaayos ko naman yung strap ng backpack ko.

" Gusto ko sana munang tumambay kina Mommy Kay e. Okay lang kaya kung samahan nyo na ko para sabay sabay na din tayo sa pag-uwi? "

Inisip ko muna kung may gagawin ba ko mamaya...

"Sige na nga! Sige na....

Lakas mo sakin e. Pero ano bang gagawin natin dun? "

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay nila Mommy Kay. Malapit din naman kasi yun sa school namin, nadadaanan lang namin kapag pauwi na.

"Manghihingi lang sana ako ng advice. Alam mo kasi haggang ngayon masakit pa din ang ginawa ni Kevin sakin e. Buti nalang kahit close si Kevin at si Mommy Kay ako pa din ang kinakampihan nya..."

Si Kevin yung ex-boyfriend ni Isay. Si Mommy Kay naman yung mom nung kabarkada nun ni Kevin. Madami silang magbabarkada na famous sa school. Honors, officers and band members kasi yung magbabarkadang yun. Campus heartthrob lang naman ang peg nila. Ahead sila ng 1 year samin kaya ngayon mga college students na sila.

"Hi Mommy Kay!" *tsup* bineso sya ni Isay. Hindi ko namalayan agadaa na nandito na kami.

Simple yung bahay nila mommy Kay. May kaya naman sila. Makikita mo sa tables nila yung mga display pictures ng dalawa nyang anak, Si Jaeson at si Jaea. Si Jaea 1st year highschool lang at schoolmates kami. Close na din kami dahil nga ni Isay.

"Oh, mag meryenda muna kayo." Pinaghanda pa talaga kami ni Mommy Kay ng cookies... Sarap! Sobrang bait nya, parang kabarkada na ka-age lang namin. Kaya gustong gusto din namin na tumambay dito e. ^______^

"hmm..Shharap aman ng pagkakabhhake nyo dito mommy. Henyway, where'sh Kuya Shhhae?" Tanong ni Isay kay mommy habang puno ang bibig ng cookies.

"Naku, yung batang yun di na naman umuwi kagabi. Siguro may gig. Di ko nga alam kung pumasok yun e." Sagot ni mommy Kay habang kumukuha ng juice sa ref.

Sa tagal ko ng pumupunta dito kina mommy Kay never ko pa nakita si Kuya Jaeson. Nakikuya daw ba ako? haha...Anyway, yun nga. sa pictures ko lang sya nakita talaga. Kasi kahit nung highschool pa sila at ~super famous~ kuno wala naman akong pakialam. Di ako nagabalang tumili at makipagsiksikan kapag tumutugtog sila.

"Alis na po kami mommy Kay!!!Marami pong salamat!" Sabay sabay naming sabi nila Say.

*tsup* ^____________^ *tsup* Beso beso ulit.

"Okay, okay.. You guys should take care! ^___^" Paalam ni mommy samin...

Ang bait nya talaga tapos ang ganda ganda pa. Swerte din nila Jaea for having a mom like her.

Paliko na kami ng paglalakad papuntang sakayan ng... O_O.... ng......huhu.... mag-isa nalang ako paglingon ko... Impakta talaga yung mga yun iwanan daw ba ako?! San na naman kaya sila nagsuot!

 >.<

"Mag-isa ka ata???"

"AY IMPAKTA!!!" Nagulat naman daw kasi ako.

Letters To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon