********************Anne's POV
Nandito na ko sa school, grabe parang ang tagal ng pinagbakasyon ko... Kailangan ko talaga humabol sa lessons...
"Anne! Anne!" Boses ni Acia yun a?!
Q_Q - teary eyed naman daw ako nung makita ko si Acia...
"Waaaa.. kamusta!? Namiss ko kayo!" Bati ko sa kanya at napahug tuloy ako ng wala sa oras. Namiss ko naman talaga sila e..
Bumitaw sya sa pagkayakap ko.." Okay naman kami, ikaw nga ang dapat kong kamustahin no!" Sabay na kaming naglakad papunta sa classroom..
"Hmmm, okay na ko....." Malungkot na sabi ko...
"Hi Anne!" Sabay pa si Isay at si Aryl, namiss ko talaga tong mga ugok na to!
"Okay ka na ba ha?! May masakit pa ba sayo???" Tuluy-tuloy na sabi ni Isay habang pinipisil pisil nya yung payat na katawan ko...
"Oo..." Ang down ng tono ko..." Okay na" ^_________^ Plit akong nag smile....
...."Alam mo Anne halatang hindi. Wag mo kaming ginagago, gago ka" Grabe lang sa mura?? Oo, ganyan kami..you know Best of Friends e...Sabay higit ni Aryl sa bag ko at inilipat sa upuan ko.
"Magkwento ka naman!" Hampas sakin ni Acia.
"Hoy masakit yun a! Para kong hindi nanggaling sa ospital kung makahampas ka a!" Angal ko...
(ーー゛)
Isang malupit na death glare lang ang natanggap ko sa kanila...