Chapter 7 - Of All the Girls

7 0 0
                                    

********************Anne's POV

(O_o)

Hayayay....Di ko alam kung mayayabangan ako o kikiligin sa sinabi ni Kuya Jae...

Anyway, naglalakad na kami ngayon pauwi..kasama pa din namin si Mommy Kay...Awkward pa rin..Sobra...

"Nasabi mo na ba Jae?" Si Mommy Kay...

^_______^ - Si Kuya Jaeson yan.

"Yes Ma..." Ang saya nya a!

Pero infairness kakaiba sya...sweet e. I mean yung ibang guys basta ka nalang tatanungin kung pwede ba manligaw di ba? Pero sya... sa church pa talaga. Parang humingi pa sya kay God ng confidence para sabihin yun sakin...

"Anne.....Anne hija.."

(>_<)> - tawag pala ko ni Mommy Kay.

"P-po???" Sinundot ni Mommy yung bewang ko.

"Ano bang iniisip mo dyan at napakalalim ata? Ano? Masyado ka bang binigla nitong anak ko ha?? hahaha" Isa pa tong si Mommy Kay, ang saya masyado.

"Aaa..ee..Hindi naman po Mommy Kay.. No worries."

^_^

Ngumiti nalang din ako kahit na nasa state of shock pa rin ako.

"Hija, I talked to your Kuya Jay and asked his permission......"

O_O "H-ho?!" Gulat na tanong ko...Isang malaking LAGOT.

"Kinausap ko si Jay, we all know naman na friend ni Jaeson ang mga kuya mo right? Ang di na din naman sila iba sa akin sooo tinanong ko sya nung isang gabi..."

(T_T) Pwede bang umiyak ngayon??? Lagot kasi ako e, sasabihan ako nun ng malandi...huhuhu.

"Ganun po ba? Ano pong sabi?"

"Sabi ko kasi, 'Jay, manliligaw ang anak ko sa kapatid mo ha?', ayun at pumayag naman sya..."

"O-okay po....thanks po.." Di pa din umiimik si Kuya Jaeson. Tahimik lang syang nakikinig sa usapan namin ni Mommy Kay.

Ganun ba sya kaseryoso sakin??? Nakakainis naman... e paano kung mapilitan lang ulit ako tapos masaktan ko sya kapag nagbago na isip ko. Nakakahiya kay Mommy... Nakakahiya....

"A, Anne, nandito na tayo sa labas ng gate nyo.." Hinatid ako ni Kuya Jae, si Mommy Kay naman nauna ng umuwi kanina nung mapadaan kami sa bahay nila.

"T-thanks  sa paghatid kuya Jae.." Papasok na sana ako ng gate ng magsalita sya...

"I think, by now, you should stop calling me Kuya Jae..." Nagsmirk sya.

Based sa nakikita ko sa kanya ngayon gabi... he is a man of few words.

"A, sorry... k----Jae!"  ^___^ nagsmile sya..."Then that's better! I'll go now.. Thanks Anne!"

Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo na bahay namin...

...Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan..

I don't know what's going to happen between the two of us... I don't know if I would fall in love with him... But one thing is for sure, I don't like this...

"Hep!!!" May tumusok sa pisngi ko...panira ng moment...

( 一一) - death glare

"Kuya!"

"San ka galing!" Tanong nya habang nakaharang sa pinto ng bahay.

"Nagsimba! Alis nga dyan! Kainis to!"

"Ang taray mo Anne...habang tumatanda ka, pumapanget ka na nga sumusungit ka pa!"

"Pakelam mo!" :p Sabay takbo ko sa loob ng bahay at nagtuluy-tuloy sa kwarto ko...

*******************Jae's POV

Kakauwi ko lang.. Ang saya saya ng araw ko..Biruin mo ang lakas ng loob kong sabihin yun sa kanya...

Takte lang, sobrang kinabahan din ako dun a! Buti nalang magaling ako umarte....Teka, matawagan nga yung makulit na yun...

"Hello?"

(Yes Ku-- hehe Jae...?)

"Matutulog ka na ba agad?" Tanong ko, gusto ko kasi sya kausapin muna ng matagal...

(Di pa naman...bakit?) Ang sarap pakinggan ng boses nya...

"Wala lang... hmmm..gusto lang kita makausap sana ng matagal talaga...if it's okay?" Sana pwede, sana pwede....

(S-sure po hehe)

"A.. di ba nabanggit mo sakin na nagsusulat ka ng poems? Tungkol saan mga sinusulat mo?"

(A..hehe..yun ba? Hmm.. depende e..iba't iba din. Depende sa nararamdaman ko..."

"Okay...by any chance, kapag nagkaron ka na ng feelings para sakin...pwede bang isulat mo yun at gawin mong poem?" Hindi ba parang napakademanding naman ng tanong ko?

(-_-)> napapakamot tuloy ako sa ulo ko e..di ko kasi alam ang ioopen na topic.

(O....s-sure po..) Mukang naiilang parin talaga sya sakin...

"Bukas? A? May gagawin ka ba bukas???"

(Hmm? Ano...ano lang.. manonood sana ako ng Cheerdance practice. Kasali pa din kasi yung tatlong magugulo kong friends. Gusto ko sila makita, first time kasi nila sasali.) Mararamdaman mo yung excitement nya sa pagsasabi nun.

"Ganun ba?...Itext kita ha? S-sunduin kita, okay lang?"

(A? gabi na po siguro yun..mga 7:30...okay lang sakin k-kaya lang ikaw...baka may pupuntahan ka pa maabala kita...)

"Ano ka ba...never ka naman naging abala no...sunduin kita a! Sumasakay ka ba sa motorbike??? Yun kasi ang dadalhin ko e."

(Oo naman..Sige! Thanks..A...J-jae..ibababa ko na yung phone a? kasi padating na sina kuya dito sa room e...baka guluhin lang ako., see you tomorrow...bye)

*Toot-toot* Naputol na yung linya.

"Yes!" Sigaw ko...tulog na naman sina mama e.

"Hahaha" napatawa nalang ako bigla..tss..kalalaki ko kasing tao pakiramdam ko ang landi ko...

....sa totoo lang kasi ngayon lang ako manliligaw...Yes, I have ex-girlfriends..pero lahat yun biglaan nalang e..wala akong tyinagang ligawan... Kaya nga sa tingin ko, iba talaga si Anne. Ibang-iba.....

 I am a womanizer... and I don't think kaya kong paglaruan lang si Anne. She needs respect, at dahil naumpisahan ko na 'to... I'll treat her differently as much as possible. I won't tear her heart apart, I hope she will do the same thing for me. .....

____________________________________________

Sorry, walang kwenta tong chapter. Boring. Try ko gandahan next time. :)

Letters To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon