Ilang araw na ang nakalipas..
Abot langit pa rin ang kasiyahan ko. =))
Nakalimutan ko na nga na isang linggo na pala na hindi ako nagloload dahil tinatamad ako at hindi rin naman siya nageffort na kamustahin man lang ako.
October 2010
Nagkakausap na ulit kami.. Ako nga lang ang nageeffort lagi.
Sinasama ko siya sa GM ko. Tapos magtetext siya.. at pinapatawag niya ko.
Magkkwentuhan kami. Aawayin niya ko. Maiinis ako. Bababaan ko ng phone..
tapos yun lang.
Wala siyang pakelam.
Binabara niya kasi ako pag nagsasalita na ko.. tapos pag di naman ako nagsasalita, gusto niya ako naman ang magkwento dahil siya nalang daw lagi.
Nakakainis kaya!
Sensitive ang taong inlove noh, alam niyo ba?!
Ganon kami lagi.. Tuwing nagkakausap.
Minsan sweet padin naman siya. at Masaya na ko pag nahihimigan ko ang lambing..
kahit alam kong assuming lang ako. Hahahahaha!!!
November 2010
Intrams
Pumunta yung mga dating studyante dun..
Wala lang bisita. Mangungulit.
Open gate naman kasi for outsiders..
Pumunta sila ng mga tropa niya.. Mga kaklase niya dati.
Mga pasaway na estudyante.
Aba!
Agoy! Agoy! Agoy!
Hindi niya ko pinansin.. :|
Nakakainis talaga siya.
Samantalang bago ko siya nakita..
magkatext kami.
"Saan ka?" siya yan
"papunta na school."
"ah sige" siya ulit
Nakakainis talaga siya. Ang sakit na ha.
Pero hindi ko padin siya matiis..
Hindi kami nagpapansinan pero nagkakahulihan lang ng tinginan.
Masaya na ko sa ganon.
Kontento na ko.
Wala naman "kami" eh..
Uwian na..
Di ko na siya nakita.
Tinext ko, "umuwi kana?"
"oo. bakit?" siya yan
"suplado mo. di ka namamansin.."
"ha? sorry.." siya ulit
Yun na lang yon??
Ang hirap naman ng ganito..
Pagkatapos maging sweet.. cold na naman.
Pero makatext ko lang siya at makita.. solb na ko.
Oo.. KAHIT MASAKIT na ang ginagawa niya.
Eh wala na kong magawa.. na-fall na ko eh :(
chaka enjoy ako sa nararamdaman ko ngayon sa kanya..
BINABASA MO ANG
Never almost had you
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove?? Yung ikaw lang ang nagmamahal?? Yung friends kayo pero mahal na mahal mo siya? AKO YAN EH. AKO LANG NAMAN..