Chapter 4 - Ondoy ay nagbabalik!

217 2 0
                                    

Bukas, classes na bukas. FIRST DAY OF CLASSES T___T Next saturday na ang party na sila Miguel ang magcacater. Nung friday sabi niya wonderful daw ako. First time sa buong buhay ko na masabihan ako ng ganun. Buong buhay ko, insulto at pagsasabi na magpapayat na ako. Lahat puro negative at nung friday, nasabihan ako ng tanggapin ko kung sino ako. Mamaya may nagtext sakin..

Miguel calling...

SI MIGUEL?! WAAHAAAAA! tinawagan niya ako? Oo! Ano ka ba Asia? Napapatanga ka nanaman e! Hahahaha! Mamaya ka na kiligin jan, sagutin moooo!!

"Hello Miguel?" sabi ko, nafeel ko na may pagkanginig yung boses ko.

"Oh Asia, hi. Mangangamusta lang. Kamusta?" kamusta lang? Tsss. Pwede namang sabihin mo na Asia, miss na kita? HAHAHAHAHA! Assuming ka girl. Assuming ka na. Feeling ka na.

"Ayos lang ako, ikaw?"

"Ayos lang din. First day na natin bukas"

"Oo nga e, uy! San ka pala nagaaral?"

"Secret."

"Ha? Bakit naman"

"Kasi... baka sundan mo ako. hahahaha."

HAHAHAHA! feeling ka Miguel, bat alam mo? Joke. As if may choice ako no?

"Asa ka naman"

"oo nga, asa pa ako" tapos silence..

silence..

silence..

"Asia?"

"oh?"

"lunch tayo sa labas bukas"

ITO NA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! HAHAHAHAHAHA!

"Nge? Alam mo ba kung san ako? :P"

"oo, sa UA."

"Stalker ka naman Miguel e!"

"Sorry Asia, basta lunch bukas ha? Good night Asia"

At bago pa ako nakasalita, binaba na niya. LUNCH? ano to? Date? HAHAHAHAHA! Date ba? Lord, thank you talaga.

At nakatulog na ako.

----

TENTENENNNTENENEN! Umaga na! First day na! alam mo ba yung feeling na laging nakakaexcite ang first day? Oo, hahaha! Excited ako.Papasok na ako ng school, at alam mo kahit kami ang may ari ng school dun.. Iniinsulto parin ako. Bakit? Kasi makakapal mukha nila. Hahaha, at mabait ako.

Ngayon parang nag boost up ang self confidence ko. Umayos. Sumakto.

Pumasok na ako. Last year ko na to. Dapat maging ayos to.

Naglalakad ako ng bigla akong binangga nung lalake sa harap ko..

????

O___O

O___O

>_______<

"Nathan?"

"Asia? Pasensya ka na. Oh pumayat ka" tssss, oo na! Langya ka. Ngayon lang tayo nagkita tapos yan agad sasabihin mo. Ako na mataba!

"Okay Nathan" aalis na sana ako kaya lang hinarangan ako.

"Bago ako dito sa school na to. Wala pa akong kilala" sa pagkakaalam ko lumipat kasi siya nung nagfirst year college na kami sa Canada, tapos ngayon bumalik. Sa UA pa, bakit dito pa?! Kainis ka ha!

Weight doesn't matter (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon