Chapter 11 - Nathan, Asia and Miguel.. IN ONE ROOF

137 3 0
                                    

Nakikita niyo ba yung title ng chapter? Hahahaha! Oo. Ang weird ng mga tao ngayon T_T Nakalapag sa bed ko yung cupcakes. Tinititigan ko parin. Hindi ako maka move on!! Kagagahan ko lang??

Pinagdadasal ko to. Si Nathan na kausapin ako. Or si Miguel na pinagdadasal ko na ibigay ni Lord sakin. Andito na.. Andito na silang dalawa..

AT NAWEWEIRDUHAN PARIN AKO.

Mga 4:00 na, naligo na ulit ako at nagpalit. 7:00 daw diba? Dinner siguro ako dadalhin ni Miguel. Saan ulit? Resto ba? Beef steak ulit? Hahahaha. Okay, okay. isip ulit. Totoo ba yung sinabi ko noon? May gayuma ako? HAHAHAHAHAHA! Ang feeling mo nanaman Asia.

BEEF STEAK.

CUPCAKES.

Ano baaaaaaaa T_T Bat puro pagkain memories niyo sakin?! ha?

Foods,ayaw ko naaa. Please.

Joke! Hay nako!

NAGTRY AKONG MAGAYOS.

Okay naman na siguro ito kay Miguel diba? Hindi naman mapili yung tao e. Hahaha. Pero hindi parin ako sure..Minsan nga sa kagwapuhan ni miguel dapat hindi ako ang dinadala niya sa resto e.

SI NATHAN AT MIGUEL, MAY BALAK KAYO?

Kasi hindi ako makapagpigil magisip. Hello? Deadma kaya ako ng tao. At kung papansinin man ako! Yung iinsultuhin ako!

Pero ngayon.. Dalawang gwapong nilalang sa school. Nagiging mabait sakin.

Except for Nathan! Pero yung efforts ni Nathan nakakapagbago kasi kanina. Parang may something. May something kay Nathan na kailangan ko mafindout.

Pati na rin kay Miguel.

Pero kay Miguel iniisip ko, parang fate ang nagtulak. Kasi kung sa tutuusin. Kung hindi ako nagpunta ng resto nila that time,hindi kami magkakakilala ng lubusan. Parang wala lang. Beef steak memories will stay as beef steak memories lang. Yun lang. Wala ng iba. Pero pumunta ako.. At mas nakilala ko siya ng lubusan.

Okaaaay. Nakaupo lang ako dito ng biglang may nagtext.

From Nathan

Hi Asia! Natikman mo na ba yung cupcakes? Don't worry. Not much sugar and walang poison yan. Can i talk to you tomorrow? May kailangan akong sabihin.

---

Okay. ANO DAW?! May kailangan siyang sabihin. Ngayon na -.- Eksena ka nanamn e.

--

To Nathan

Ngayon na Nathan. Wag na bukas.

--

Nagreply na siya ulit agad! Automatic ba phone nito?I was expecting na tatanggi siya or what.. Pero..

--

From Nathan

Well, okay. bahay niyo 7:00

--

Bahay daw namin 7:00. Okay.

6:56 na ng natapos yung pinapanood ko. May nagdoorbell, narinig ko pero wala akong move. Biglang kumatok si yaya sa kwarto ko.

"Asia,may bisita ka" Okay, may bisita ako. Si Nathan na siguro.

Or si Miguel..

???

Weight doesn't matter (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon