Chapter 16 - SELOS? ANO DAW?

124 2 0
                                    

Sabado na bukas at ako ang in charge na magattend at i-release official ang latest magazine ng company plus yung victory party. Si Miguel kaya gising pa? Nauna na ako umalis kay Nathan. Ihahatid pa sana niya ako kaso sabi ko wag na. Kailangan siya ng party e,mapilit pala yun. Iniisip ko parin yung forever na sinabi niya. Totoo ba yun? Badtrip lang.

Tinatawagam ko si Miguel.

TOOOOT. TOOOT. TOOOOT.

Kaso wala. Hindi siya sumasagot. Miguel? Ano na nangyayari sayo? Bat wala ka na? :(

Tapos mamaya.. Pagbaba ko ng sasakyan meron si Miguel sa may gate! SA MAY GATE! 

Nilapitan ko siya.. 

"Miguel?" sabi ko. Pero lasing siya. Half drunk? "Miguel, bat lasing ka? Why?"

"Asia, you're back" 

"Ha? Ah. Oo. Halika tayo ka"

"Ayaw. Bat wala ka sa school?!" mejo sumigaw siya. Mejo iba na yung dating niya.

"Ha? Nagabsent ako"

"San ka galing? Bat... Bat ang ganda mo?"

Nge? Pag lasing ba nagsasabi ng totoo?!

Mali! Nasisiraan ng mata! Yon yon!

"Galing ako sa party nila Nathan"

"Nathan? Nathan nanaman?!"

"Oo? Bakit?"

nakakatakot si miguel pag galit. Anong meron?

"Bakit ba lagi siya na ang kasama mo ha?! Ayaw mo ba akong kasama?! Anong gusto mo beef steak?!"

OY! ANG YABANG MO A! HINDI MO AKO MAKUKUHA SA BEEF STEAK MO!

MEJO LANG NAMAN E! HAHAHAHA! GANUN TALAGA. HALA ASIA, SIGE LANG. NAGAWA MO PA MAGJOKE E?

"Nge? Anong problema mo Migs?"

"Ikaw.. Tayo.. Si Nina"

Ano daw? Nina?

"Anong meron?" pagod na akong tumayo. umupo na ako sa tabi niya. Nandun lang kami sa may gate. Nakaupo. Hay nako.

"Tuwing nakikita kita Asia, nasasaktan ako. Natutuwa din ako. Nasasaktan kasi kamukha mo si Nina. Galaw mo ang galaw niya. Ngiti mo ang ngiti niya.Kahapon tumawag siya, mahal pa daw niya ako..

Bakit siya babalik kung saka meron na akong bagong mamahalin?" 

Ano daw? Kamukha ko si Nina? Ngiti ko ang kay Nina? Lasing talaga to! OY! Impossible na mataba si Nina! At impossible na pangit si Nina! 

Kahit hindi pa ko pa siya nakikita T_T siya ba yung first love mo Miguel?

Kaya ba maganda ngiti ko? Kasi nakikita mo si Nina?

At sino tong bago mo na mamahalin?

"Sino ba si Nina?"

"Nina. My first girlfriend. First love. And chose to break my heart. Sabi ko kasi sakanya e! Okay naman diba? Pero ano? Naginarte siya! Ang arte niya! Yan kasi problema sainyo e! Pinapalaki niyo lahat. Ang arte"

"Miguel. Please. Calm down"

Umiyak siya. Umiiyak siya sa harap ko. OHPLEASE, WAG. 

"Ikaw yun Asia e. Ikaw yung mamahalin ko na bago. Simula nung nakita kita sa beef steak section. Gusto na kita..."

ANO DAW? PAKIULIT? MYGAS! Naguguluhan ako?

Hala! Hindi charing moments to! T_T

"Akala mo ba dahil mataba ka hindi ka na mapapansin?! Akala mo ba dahil ganyan ka wala magkakagusto sayo?! Iba ako! Iba ako sakanila! Naguilty ako ng sobra kahapon. Mas pinili kong kausapin si Nina kesa sa ihatid ka o kausapin ka sa office... Mas pinili ko pang.. ihatid ka ng kaibigan ko para makausap si Nina.. para hindi mo makita na mahina ako kay Nina. Sorry Asia"

Umiiyak siya. Hindi ko magets e? Ano ba to?

"Nawala lang ako saglit. Si Nathan na kasama mo?"

OY! Mejo hindi ka sumagot ng mga tawag at text ko!

"Ano ba yan Asia.."

"Miguel? Naguguluhan ata ako. Lasing ka lang."

"Asia, seryoso ako. Seryoso ako sayo. Nagseselos ako. Nagseselos ako sainyo ni Nathan"

Weight doesn't matter (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon