Isang napakainit na araw, nagising si Nicole dahil sa sinag ng araw sa kanyang mukha,
"O No! Late na ako! first day na pala ng school ngayon!"
dali-daling siyang tumakbo sa banyo, naligo at nagbihis tyaka umalis ng bahay.
Third year High School na siya sa Pampanga High School (PHS), at excited na siya ngayon para sa isa na namang taon ng high school life. Ang PHS ay napakalaking school, napakadaming buildings. Halos sampung libo ang mga nagaaral na estudyante ,sa bawat year level ay may 50 sections kaya halos di na sila magkakakilala. Lahat na ata ng klase ng tao ay matatagpuan mo dito, mula sa pinaka-matalino hanggang sa mga pinaka-bulakbol, mga pinaka- maingay hanggang mga pinaka tahimik, name it surely we got it sa PHS!
Sa sobrang laki ng PHS ay hihingalin kana sa kakalakad para lang makarating sa next subject mo. Eto pa! siguradong mageenjoy ka sa extreme weather condition dahil dito lang may libreng supply ng powder dahil sa maya't mayang sandstorms! :) Ang da best dito ay pagpasok mo puputi na ang bagong shine mo na sapatos sahil sa alikabok. At di lang yan siguradong may free tanning sessions kapa dahil sa sobrang tirik ng araw at sa kawalan ng puno na magbibigay lilim sa mga tao.
"As usual, mainit na naman sa PHS, hahahaha! disyerto talaga sa gitna ng syudad!" pabirong sabi ni Nicole habang tumatakbo siya papunta sa una niyang klase sa Sampaguita Building. Sa labas ng room nila ay hinihintay siya ng dalawa niyang super friends si Andy at si Sam. "Friend! takbo! dali! andyan na si Ma'am Broken!" pasigaw na sabi ng dalawa.
Si Andy at Sam ang Super Friends ni Nicole mula pa noong first high school. Power Puff gilrs ang tawag sa kanila ng mga classmate nila dahil di sila mapaghiwa-hiwalay. Kung tutuusin ay bagay na bagay naman ang tawag na yun sa kanila. si Andy si buttercup dahil medyo siga siya, si Sam naman si bubbles dahil siya ang baby ng group at super sweet, at si Nicole si blossoms dahil wala na siyang choice! :P
"Hala! takbo na!" pagdating ni Nicole ay dali dali silang pumasok sa classroom at umupo ng magkakatabi sa may likuran. Math ang first subject nila, dahil pare-pareho nilang hate ang Math ayaw nilang mapansin sila ng napakabait nilang teacher na si Ma'am Broken. Mabilis na lumipas ang isang oras at nadismiss na sila sa first class nila. Excited na lumabas silang tatlo sa classroom. " Natapos din ang kalbaryo ng Broken class!" pabuntong hiningang sinabi ni Nicole sa dalawa niyang Super friends
Habang papunta sila sa next subject nila sa may Jasmine Building para mag-enroll sa favorite nilang TLE subject ang Food, biglang sumulpot si Bogs, " Hi Nicole! long time no see huh? namiss kita grabe! two months kitang di nakita! Parang lalo lang gumaganda... blah... blah... blah...Si Bogs ang manliligaw ni Nicole na tinatawag nilang "Stalker" kasi panget siya! (ang bad noh?)
Anyway back sa story, habang patuloy sa pagsunod at pangungulit si Bogs, mabilis na naglalakad ang Power Puff girls para makapasok na sa classroom nila.
"Sa wakas at natakasan na natin si Bogs! akala ko di na siya titigil sa pagsasalita at pagsunod, Uupakan ko na sana siya e! Bakit ba di tumigil yung epal na yun Nicole." Sabi ni Andy.
"Ewan ko ba dun, di ko naman pinapansin pinaglihi ata yun sa pwet ng manok e, wala pa akong nakikilalang lalaki na kasing putak niya! grabe!" Sabi ni Nicole habang kinakamot ang ulo niya dahil sa stress.
"I think titigil lang yun pag may boyfriend kana friend, teka bakit kasi di ka pa magboyfriend? Ang ganda ganda mo naman di ba Andy?" Sabi naman ni Sam.
"Oo nga naman Nicole, may point tong si Sam. Bakit nga ba hindi?"
Napaisip si Nicole sa sinabi ng mga kaibigan, NBSB (No boyfriend since birth) kasi siya. Madami ng nanligaw sa kanya pero wala pang nakabinwit sa puso niya.
Mabilis na natapos ang isang araw, umuwi na si Nicole sa bahay nila. Tulad ng dati diretso siya sa kwarto niya. Iniisip pa rin niya ang sinabi ng mga kaibigan niya. Kinuha ni Nicole ang Mystery Box niya sa kabinet niya para kunin ang isang bagay na pinaka-iniingatan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1306992-288-k294684.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit nga ba hindi?
Teen Fictionbased on a real life story. Para sa lahat ng taong in-love, nainlove at gusto pang main-love.