Nagsimula ang lahat ng sinabi kong
Kamukha mo si Tom Rodriguez
Na sinuklian mo ng iyong
Mga ngiting kay tamisNaging malapit tayong magkaibigan
Na nauwi sa lihim na pagtitinginan
Isang gabi'y inamin mo
Na ako'y iyong gusto"Pwede bang manligaw?", iyan ang tanong mo
Nagdadalawang isip, ngunit, "Hindi pwede" ang sagot ko
"Bakit hindi pwede?", tinanong mo ulit ako
"Dahil di pa ako handa", cliché, ngunit 'yan ang totooSa kabila ng lahat, naging malapit tayo sa isa't isa
Ito ata ang "M.U." na tinatawag nila
Ang lahat ng ito'y banyaga sa akin
At ang totoo ako'y natakot na baka masaktan ang damdaminAko'y umiwas sa'yo ng biglaan
Na sa huli'y na-miss kita ng lubusan
"Ako'y nagsisisi", gusto kong iparating sa'yo
At hanggang ngayo'y umaasa sa noong sinabi mong " Maghihintay ako"Ngunit tingin ko'y huli na ang lahat
May nobya ka nang ipinakilala mo pa sa lahat
At ngayon, ang tangi ko lamang hiling
Na sana masaya ka sa kanyang piling.~IJA~
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sa Pag-ibig Kong Nawala
PoetryMga salitang nais sabihin Ngunit mananatiling tula Na di kayang bigkasin Sakaling tayo'y muling magkita. Written on paper (that is in my wallet right now) last July 22, 2017 at 12:59AM.