Nagkaroon uli tayo ng komunikasyon
Nag-chat ka isang araw noon
Isang simpleng, "Kamusta?"
Ako'y labis na lumigayaSa isang iglap, naalala ko ang lahat
Samahan nating sa aki'y tumatak
Masaya ako dahil parang okay ang lahat
Ngunit di inaasahang luha pala ay papatakPaminsan minsan kang nag cha-chat
Kwento mo'y miss mo na iyong pamilya
Minsan din ika'y bumabanat
Na di ko maiwasang muli na namang umasaIsang araw tinanong mo 'ko
Pwede ba akong iyong maging bestfriend?
Kasabay noon sinabi mo
Nag away kayo ng iyong girlfriendSa isip ko'y "bakit ngayon mo pa sinabi?"
Ako sana'y handa nang sumugal
Mahal na kita ngunit di ko na masabi
Huli na naman ang lahat may iba ka palang mahalAko'y napa isip, hanggang bestfriend lang pala ako?
Bumabalik ka lang kung nag b-break kayo ng girlfriend mo
Langya! Nasaktan talaga ako
Bakit pa kasi ako'y umasa pa sa iyo~IJA~
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sa Pag-ibig Kong Nawala
PoetryMga salitang nais sabihin Ngunit mananatiling tula Na di kayang bigkasin Sakaling tayo'y muling magkita. Written on paper (that is in my wallet right now) last July 22, 2017 at 12:59AM.