Huling Tula

151 2 0
                                    

Eto na ang huli
Kaya sasagarin ko na
Mga dating pighati
Ay sasabihin ko na

Mga bakit na gusto kong i-sarili
Ngayon ay itatanong na
Mga sana na gusto kong ibahagi
Kahit alam kong huli na

Bakit ka nagmadali?
Akala ko ba maghihintay ka?
Bakit mo 'yon sinabi?
Kung makakalimot ka lang pala?

Sana lahat ng ito'y aking nasabi
Sana naghintay ka
Sana ako ang nasa iyong tabi

Sana hindi siya


Ngunit eto na ang huli
Pangako eto na talaga
Di ko man harapang masabi
Pero minahal talaga kita

Nasaktan mo man ako dati
Ngunit napatawad na rin kita
Hangad ko'y masaya ka lagi
Kahit sa piling pa niya

Mag ingat ka rin palagi
Dahil nasa dagat at malayo ka
Alam ko ding gusto mo nang umuwi
Dahil nanganak na iyong nobya

Wala na akong masabi
Alam kong ika'y masaya na
Pangarap mo 'yan dati
Magka-anak at magka-pamilya na

Eto na ang huli
Para ika'y makalimutan na
Ako'y hindi rin nagsisisi
Wala namang tayo sa simula pa

~ IJA ~

Mga Tula Para Sa Pag-ibig Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon