Bluer Among The Skies

133 3 0
                                    

Ako si Adele.

18 na ako this year. This year, magiging Com Arts Student ako sa La Salle. I dress normal and awkward.Ako na ata ang pinakaweird na taong makikilala niyo. Most of the time, pokerface ako sabi ng mga magulang ko. I don't know, but I don't know how to express my feelings. May isa lang akong gustong makamit sa buhay, yun ay ang makamtan lahat ng mga tanong ko sa utak ko.

Weird hindi ba?

Isang araw minsan naiisip ko ano ba ang saysay ng buhay?

Nasa bath tub ako ngayon at I'm almost drowning. Just to feel the death rushing to my side. I'm yearning for answers to the questions inside my head.

Ano yung feeling na magmahal?

Anong sense ang magbigay ng flowers o mag effort sa isang relasyon?

Bakit kelangan magkaroon ng relasyon?

Bakit umiiyak ang tao pag malungkot? Pag masaya? O kapag nasasaktan sya?

I know ang weird na sa 18 years of existence ko sa Earth eh di ko naranasan umiyak, pwera na lang siguro nung baby pa ako? Or maybe not.

Sabi ng Mama ko, kahit nung baby pa ako ang dalang na umiyak ako, more like curiosity lang nakikita nila sa akin. Lalo na pag nakatingin daw ako sa kanila.

Hindi ko din maintindihan pero curious ako sa lahat ng bagay.

Curious kung bakit may namamatay, curious bakit may nagpapakatanga, curious kung bakit ang isang matalinong nilalang nagiging tanga, curious kung bakit ba talaga ako nag-aaral?

Para saan ba talaga ang pag-aaral mula kindergarten hanggang mag-21 ako? After kong almost madrown sa bath tub ay dumirecho sa cabinet at nagbihis.at ngayon, andito ako sa kitchen kasama ang Mama at Papa ko, sasabihin ko sanang gusto ko ng bumukod.

"Ma, I don't wanna live in this house, can I go explore other places?"

Napatigil sa pagkain ng aking ina.. Nakatingin ng may halong lungkot sa kanyang mga mata.

"Bakit hija, hindi ka na ba masaya na kasama kami ng Papa mo?" Tanung ni mama sa akin.

"Hindi naman sa ganun ma, pero gusto ko malaman what's it like to be outside without being with you, I want to be independent somehow I guess"

Nakatingin sa akin si Papa, na may halong pagkaemosyonal. i hate this part, kapag nagtatanong ako, lagi silang nalulungkot minsan lang ata sila matuwa sa ideas ko.

Hindi ko alam nararamdaman ko pero definite thing is I love my parents.

"Nak, malulungkot kami ng Mama mo at ni Gabby kung aalis ka alam mo yan. Curiosity is always in you, pero kung yun ang magpapasaya sa curiosity mo. Sasamahan ka na namin humanap ng apartment mo."

Sabi ni Papa ng may halong ngiti at lungkot sa mukha niya.

I'm jealous of my family who can make expressions out of what they say, kasi never kong ginawa mo yun, at never ko namalayan na may expression ako sa bawat sinasabi ko. Lagi na lang full of curiosity ang tingin nila.

I was homeschooled til I was in high school. Kaya hindi ko alam bakit biglang gusto ko lumabas sa box na ito. It was a scary thought to look outside but I'm curious with what I will see and encounter.

After namin magbreakfast,andito kami sa mga apartment na pwede kong pagtirhan pero may isang apartment ang nagpapukaw ng aking saya. Feeling ko magiging sanctuary ko ito. Wow this one is a first, ang maexcite sa isang bagay.

Agad kong sinabi kay na Mama at Papa na itong gusto ko at nagulat sila sa excitement na pinakita ko.

Bukas ay mag-istart na ako sa college, at yun ay sa La Salle, maigi at nakakita kami agad ng pwede kong pagtirhan. Excited na ako sa bago kong buhay.

Bluer Among The SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon