Chapter 6- I will find you and I will make you Mine

64 1 0
                                    

Hello guys!

Sorry ngayon lang nakapag-update, busy kasi sa shifting schedule ko sa work.

Eto na po yung new chapter, mag-update ako until sunday since nakasick leave pa rin ako!

____________________________________________________________

Emma

Ever since nakita ko si cute blondie chic sa Mcdonalds hindi na siya matanggal sa isip ko. Parang drawn ako sa pagkatao niya, kung anung lifestyle meron siya, and I'm sure na sa La Salle siya nag aaral, kaya I'll try to stalk her, in a very casual way lang naman. I don't want to bother her I just want to get to know her more that's all( sus palusot ng stalker).

Pagkatapos ng walang communication with Cheska, madami na namang babaeng nagdaan sa akin. Minsan ay magigising na lang ako na ibang babae na naman ang kasama sa kama. Sa isang taon ba naman na si Cheska lang babae ko nahihirapan ako na ganito, minahal ko kasi siya eh, hadlang lang talaga yung mga magulang niya, ayoko naman ipagpilitan ang isang bagay na alam kong hindi rin tatagal.

"good morning baby, i want you as my breakfast" sabay halik sa akin sa pisngi, hindi ko na matandaan kung anong pangalan niya. "I don't want to be rude but can you please go out already? I'm about to leave as well, I have classes to attend to." Umalis nga siya pero nagdabog pa, sakit niya sa bangs aba? Umaattitude.

Mainam na kase na naiintindihan namin ang boundaries ng isa't isa. Ayoko sa mga babaeng clingy, dahil they tend to want to own you, miski holding hands nga sa public hindi ko magawa eh! Yung mga touchy feely shit pa kaya?

Andito na ako sa class ko ngayon at kasalukuyang kasabay si Gem, isa sa mga friends kong super tahimik pero pag kasama na ang barkada sobrang ingay.

"tropa, kamusta?" bati ko sa kanya sabay palo sa kanya sa likod. "hi, wag ka naman ganyan sa akin in public I'm maintaining my manners here inside the campus, kaya please lang dun ka muna sa mga babae mo." with matching ngiting aso at upong hindi makabasag pinggan.

"my friend, hindi lahat ng pagkakataon ganyan ka lang lagi, pano ka makakabingwit ng chickas nyan hindi ba?" akbay ko sa kanya sabay bulong.

"Pwede ba Emmanuelle Rosher Dela Fuente, mas babae pa ngang pakinggan pangalan mo sakin pero mas lesbo ka pa sakin! Straight ako okay? As in tuwid na tuwid pa kesa sa pedestrian lane!"

Pasigaw na bulong sakin ni Gem sabay batok sa akin.

"aray ko naman Gem, sige na lokohin mo sarili mo na straight ka, pero tulad ng ruler nababaluktot pa din!" sabay takbo sa upuan ko, kala niya kasi eh hindi ko pa din siya mahuhuli. Sus panay fhm at playboy mag nga nasa kwarto niya eh, diba kung straight ka dapat cosmo ang mag niya o kaya naman makita ko man lang na ineentertain niya mga boys na nanliligaw sa kanya? Eh miski nga flowers tinatapon niya kaagad o di kaya pinapamigay niya sa random chic na malungkot.

I don't know ha? Pero why would you deny your true self? Para tuloy laging nakamaskara si Gem sa ginagawa niya. Although sa aming magtotropa ako lang talaga siguro yung hindi matino? May mga tanga din naman sa amin katulad ni Bien, Marc at Johnny, pansin niyo yung mga lalaki pa ang tanga? Well ganun talaga!

Kasalukuyan ay nagstart na ang klase, naiintimidate ako sa prof naming to, panu kasi ang strikto, pero kung titignan mo si Gem, active magpasikat, ako nga'y inaantok na eh. Pano kasi maganda naman si Ma'am Velez, stockings na black nakaglasses, pero parang idodominate ka pag naging karelasyon mo siya. Siguro ganito mga type ni Gem, kasi kung titignan mo siya kay Ma'am Velez lang siya nagiging bibo! Sa ibang subjects namin never kaya to nagparticipate sa pagsagot. Palapit lapit pa kamo siya kay Ma'am aba.. Iba na to ha?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bluer Among The SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon