Lumaki ako sa isang hindi ordinaryong pamilya, pamilyang puno ng sikreto – na kahit sa mga taong malalapit sa amin ay di namin kayang magpakatotoo dahil sa iisa lang dahilan – hindi kasi kami ordinaryo.
Paglabas ko sa aking silid nakita ko agad si mama na kinakausap ang mga halaman sa aming bintana, isang ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Sa pagbaba ko sa hagdanan nakita ko naman kaagad ang aking nakababatang kapatid sa aming sala na naglalambitin, at sa paglabas ko ng aming bahay nakita ko ang aking papa na nagmemekaniko ng aming sasakyan habang sumasayaw.
Kung iniisip nyo na mukhang mga ewan ang pamilya ko kaya't nasabi kong hindi kami ordinary doon kayo nagkakamali.
Totoong nakakausap ni mama ang mga halaman at kaya nya rin itong mapasunod, ang kapatid ko naman kaya't nakalimbitin sa aming sala dahil iniiwasan nya ang mga pinalabas nyang lobo, samantalang ang aking ama minemekaniko nya ang sasakyan gamit ang kanyang kapangyarihang na elektrisidad. Kung tinatanong nyo kung ano ang kinalaman ng kanyang pagsayaw well trip nya lang.
"Elica, kailangan mo nang magbalik sa dati mong paaralan" wika ni mama at lumapit kay papa.
Lumabas na din ng bahay si Angelus ang nakakabata kong kapatid "makakasama ko na si ate sa school?" halatang masaya sya sa muli kong pagbabalik sa paaralan na iyon
"oo little brother" isang ngiti ang binigay ko sa kanya.
Sa totoo lang Malabo na ang alaala ko sa paaralan na yun, ang sabi sa akin nina mama epekto daw yun ng paglipat ko sa paaralan ng mga normal na tao. Unti-unting lalabo ang memorya mo sa paaralan na yun upang maiwasan na din na maikwento mo ito sa mga normal na tao.
"bukas kana babalik kaya maghanda ka na Elica" paalala ni papa
"opo, nakahanda na po yung mga gamit ko at nakapagpaalam na din naman po ako sa mga kaibigan ko" marami rami din akong nagging kaibigan ditto sa normal na mundo, hindi naman mahirap pakisamahan ang mga tao.
" ate please wear your old mask, please!!" pagpipitisyon nya habang hinihila ang aking kamay
Hinawakan ni mama ang ulo ni Angelus at tumigil ito sa paghila sa akin " tama si Angelus, isuot mo dati mong maskara para na din sa ikakabuti mo, alam nyo naman ang mundong iyon ay puno ng sikreto at mahirap malaman kung sino ang mga totoo at mapagkakatialaang tao" paalala ni mama
"may kwintas naman kami mama eh, hehe medyo mahihirapan po ata ako sa pagsuot ng dati kong maskara, lalo na't iba ang nakasanayan ko ditto"
"Alam mo naman sumpungin ang kwintas hindi ba Elica, mabuti na yung naiingat" at isang electric dragger ang patungo sa akin, kaya I'd seal myself in a barrier.
"oo naman papa" isang fire dragger naman ang ibinato ko kay papa at kanya lang ito sinalo. Wala talaga akong panama kay papa.
"humihina ka na talaga" at isang smirk ang rumihistro sa mukha ni papa
"Tumigil kayong maga-ama at mahaba pa ang biyahe bukas" pagsita sa amin ni mama
Epal ni mama, ito na nga yung last na magssparring kami ni papa eh. Sa bakasyon ko pa ulit sila makikita.
Ang kapangyarihan naming ay hindi distinct hereditary, ibig sabihin ang kamembro ng pamilya ay nagkakaroon nga ng mga kapangyarihan pero hindi sila pare pareho katulad namin.
a/n: your comment will be appreciated.
YOU ARE READING
Cendrillion
FantasyResponsibilidad sa mundong puno ng sekreto. Tiwala at pagmamahalan ang kailangan ngunit kaya nga ba nila mapanindigan? Isang laban para pamilya, kaibigan at sa taong pinakamamahal nya. Anong mundo ang kanyang mabubuo: mundong puno ng poot o mundong...