Chapter 4: Meeting New Friends

3 0 0
                                    


Sabay kaming pumasok sa school ni Angelus at nagbubulungan na naman ang mga studyante mapaPhase1 man o kahit yung mga nasa Phase 2 or Phase 3. Ano bang meron sa kapatid ko? At napagkakamalan pa rin akong alalay ng kapatid ko.

Hindi pa man ako nakakapasok sa room rinig ko na ang kanilang ingay pero noong pumasok ako ng room lahat sila nanahimik. Pero pabor sa akin ang tahimik na lugar, sana sana sana lagi silang tamihik pero pagkatapos ng kanilang katahimikan bulungan naman ang sumunod.

Isang babae ang lumapit sa akin at naglahad ng kanyang kamay "Naomi Faye Suan" biglang umilaw ng kulay puti ang aking kwintas, ibig sabihin mabuti syang tao. Ako lang ang nakakakita ng ilaw na nanggagaling sa aking kwintas at bawat ilaw nito ay may ibat ibang pinapakahulugan.

"Elica" at isang tango ang ibinigay ko sa kanya at hindi ko tinanggap ang inaalok nyang kamay. Akala ko maiinis sya pero isang ngiti ang iginanti nya.

"hehe sorry kung medyo feeling close, pero I hope maging close tayo" ngumiti na naman ulit sya

"Ano ang pinagbubulungan nila" sa tanong kong yun lalong lumaki ang ngiti nya pero bigla din syang lumungkot

"Hindi mo alam?" gulat na tanong nya sa akin, kaya sinagot ko sya ng mukhang 'itatanong ko ba kung alam ko' kaya napangiwi na lang sya sa hitsura ko

"Ikaw, kasi ang pinagbubulungan nila, yung ginawa mo kahapon"

"Huh? Ako nanaman? Ano bang ginawa ko kahapon?" hindi ko maalala akala ko dahil nanaman sa transferee ako

"Yung nangyari sa cafeteria, di ba umupo ka sa lamesa nila kaya ngayon nasa hunting list ka ng mga Dragons" ahh yun lang pala

"Yung anim nay un hinahanap ako, haha mahahanap nila ako pero mahuli goodluck sa kanila" mukha silang malakas pero alam kong mas kong kaya ko sila.

"Anong pinagsasabi mo dyan, naku kapag may ibang makarinig sayo" may panginginig na wika ni Faye

"bakit ba takot ka sa mga yun" nacucurios na tuloy ako

"Kasi dapat silang katakutan, at sila ang pinakamalakas, kahit noong nasa Phase 1 isa na sila sa mga kinikilala at noong sa Phase 2 mas lalo sila kinatakutan" wika ni Faye

"Bakit masama ba sila?" ano bang meron sa mga Dragons na ito

"Hindi ko alam kung masama o mabuti sila, dahil ang mga dragons ay sila sila din ang magkakaibigan at sa pagpasok naming ditto sa Phase 3 sila lamang ang nasa S+ kaya sila lang ding ang magkakaklase"

"S+? by the way ano ang SA may nakabangga kasi noong unang araw ko eh" at bumilog ang singit na mata ni Faye

"Elica naman habulin k aba talaga ng gulo?" ngiti lang ang binalik ko sa kanya

"Dito sa Phase 3 nahahati ang mga studyante sa apat na category. Ang S+, SA, SB, at SC. Ang S+ ang pinakamalakas at may kakaibang kapangyarihan. Sila ang mga taong may kayahang kumuntrol sa simbolo ng mga elemento o tinatawag na Slayer. Alam mo ba na ang dalawang naunang batch sa atin ay walang S+, kaya ang S+ ngayon ay tinitingala. Ang mga SA naman ay may kakayahang komuntrol ng kapangyarihan na higit pa sa isa. Halimbawa kayang kumontrol ng tubig at apoy. Minsan may mga SA na kayang kumontrol ng higit sa limang elemento pero hindi nagiging S+ dahil hindi nila kayang Kuntrolin ang simbolo ng Elemento. Ang SB naman ay ang mga mag-aaral na nagmula sa mga mataas na pamilya o may kamembro ng pamilya ang may mataas na posisyon sa Magic Guild. At ang nasa SC naman ay ang mga studyanteng kayang kumontrol ng isang kapangyarihan lang pero kapag nagawang mong mailagay sa mataas na level ang kapngyarihan maari karing mapunta sa SA."mahabang paliwanag ni Faye

CendrillionWhere stories live. Discover now