Chapter 5: The Family Status

3 0 0
                                    


Pagdating naming sa mansion sinalubong kami ni Lolo at Lola. Si lola ay maganda pa rin kahit matanda na ito, nakapusod ang kayang kulay gintong mga buhok at nakasuot ng isang magandang bistida na parang nanggaling ito sa isang pagdiriwang. Si Lolo naman ay may suot na salamin, mula sa kanyang tindig mahahalata na ang pagiging mautoridad nito pero pagdating sa aming mga apo nya para syang isip bata.

"Kamusta na ang mga munting anghel ng buhay ko" masayang bati ni lolo sa amin

"okay lang po lolo" magiliw na sambit ni angelus kay lolo at nagpakarga ito. Nakasanayan na ni angelus na magpakarga kay lolo dahil noong bata pa sya tuwing makikita sya ni lolo ay kinakarga sya nito.

"Vesta pasensya na kahapon at di mo kami nakasabay kumain" pagpapaumanhinni lola at saka naman niya ako niyakap.

"okay lang po La" pumasok na kami sa loob at nagtungo na din ako sa aking kwarto upang makapagbihis at mamaya ay oras na ng hapunan

Bumaba na ako sa hagdanan, nakita ko si lolo at lola parang may seryosong pinaguusapan pero ng Makita nila ako ngumiti silang pagkatamis tamis na parang wala silang prinoproblema kanina.

"Asan si Angelus'" pagtatanong ni lolo, minsan talaga nagseselos na ako kay angelus

"pababa na din yun lolo" hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya dumating na din si angelus

Nagtungo na kami sa dining table. Mahaba ito at may sampung upuan sa gitna ng table nakahelera na ang mga pagkain na nasa pinakagitna ang mga prutas. Napaisip tuloy ako kung may iba pa ba kaming kasabay kumain.

"Elica may mga kaibigan ka na ba school?" bungad na tanong ni lola

"opo lola kaso dalawa lang sila pero atleast mukha naman sila mapagkakatiwalaan lalo na ang isa sa kanila umilaw ang kwintas" nakangiti kong wika

"mabuti naman kung ganun at ikaw angelus kamusta ka naman apo" lola

"okay lang din po ako lola, excited na nga akong mapunta sa Phase 2" excited na excited talaga ang batang to.

"Vesta gusto mo bang malipat sa SB?" banggit ni lolo

"di ba lo, para lang sa mayayamang pamilya yun?" napangiwi nalang si lolo sa sagot ko

"Vesta ang mga Vior ang isa sa pinakamayamang pamilya ditto sa Chandelor at ako na lolo mo na ay may posisyon na mas mataas pa sa mga membro ng Magic Guild" pagkwekwento ni lolo

Ang magic guild ay ang council na nagpapatupad ng mga patakaran sa buong Altania, Altanya ang tawag sa mundong ito at ang chandelor ay isa lamang sa mga bayan nito.

Pero bakit hindi naman nila it sinabi sa akin noon, kaya siguro ang taas ng respeto ng mga studyante sa kapatid ko

"sinabi naming ito sa iyo Iha noon, mukhang kinalimutan mo" natatawang wika ni lola

"lola bakit binabasa nyo ang iniisip ko" pagmamaktol ko sa kanya , may kapangyarihan magbasa ng iniisip si lola at kaya ka rin nyang mapasunod na anumang ipaguutos nya

"sorry my dear, nakasanayan lang ni Lola" mukhang hindi maganda ang nakasanayan ni lola

"Lo, la magkwento pa kayo tungkol sa pamilya natin" suwisyon ko

"kasi naman ate dapat nakinig ka dati eh" kontrabida talaga tong batang to.

"ang pamilya natin ang lagging nagiging Slayer. Wala pang may dugong Vior ang hindi nagging Slayer kaya kayong dalawa pagbutihin ninyo ang training lalo ka na Vesta, matagal kang nawala sa Altania. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit lagi kayong magiingat dahil marami ang naiinggit sa pamilya natin at ang ilan ay tumulad sa ating apelyido kaya ang Vior ay isa din sa mga common surname ditto sa Altania." malungkot na wika ni lolo

"pero higit sa lahat magingat kayo sa mga Zoramia clan, sila ang pamilyang may malaking galit sa atin, sa hindi malamang dahilan at magingat din kayo sa mga taong galing sa Sura dahil hanggad nila ang kasamaan" malungkot din na wika ni lola

"may posisyon din po ba kayo ditto lola" nacucurios na din tuloy ako sa sarili kong pamilya.

"oo ako ang namamahala sa Cendrillion Academy" ano si lola?? Nasaan kaya ang kukute ko

"hehe ang dami ko palang hindi alam sa pamilya natin" napaisip tuloy ako ano kaya ang pinagkakaabalahan ni mama at papa. Pero sa tanong ko nay un pumasok sa isip ang naglalabingan nilang hitsura sa mundo ng mga tao. Mayaman naman pala kami ditto sana ditto nalang sila mama at papa.

Pero mukhang may dahilan naman siguro sina mama at papa para magstay doon at piliing mapalayo sa amin.

A/n: Sorry maiksi lang ang update ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CendrillionWhere stories live. Discover now