Chapter 3: Meeting Some Dragons

2 0 0
                                    


Natapos na din ang klase at free time na kaya nagtungo na ako sa Cafeteria. Pagpasok ko sa Cafeteria isang napakalaking silid na may mahahabang lamesa at upuan na kasya ang daang studyante pero may isang maliit na lamesa na kasya sa pang sampung tao. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain kapansin pansin na kilala na nila ang bawat isa dahil parang alam na nila kung saan sila dapat uupo at kakwentuhan ang mga katabi at kaharap nila. Malalaman mo lang na magkaibang grupo ang nasa iisang mesa dahil parang may invisible na nakapagitan sa bawat grupo. Hayst bakit ba ganito ang lamesa ditto.

Napansin ko na walang umuupo doon sa sa maliit na lamesa kaya nagtungo ako at nakakamangha ang kanilang mga upuan dahil may nakaukit na dragon. Umupo ako at payapang kumakain.

Noong nangangalahati na ako sa kinakain ko ay may anim na tao ang nasa harapan ko at ang maingay na paligid biglang na nahimik. Tiningnan ko silang mabuti, mukha silang mga familiar pero hindi ko talaga maalala. Limang lalaki at isang babae ang nasa harapan ko, mukha silang nastatwa sa mga kinakatayuan nila

"Anong kailangan nyo?" huli nan g na realize kong baka sila ang gumagamit ng lamesa na ito.

Maya maya may naramdaman akong papalapit, malakas kasi ang pakiramdam ko.

"Who is the unlucky girl?" tiningnan ko ang babaeng nagsalita at mukha rin syang pamilyar

"Si newbie pala, yan ang napapala ng mga taong hindi marunong lumugar" ahh sya yung kaklase ko yung trying hard bitch Shane Stuart

Newbie? Nawala lang newbie or you should say ang nagbalik. Dahil wala akong paki sa kanya hindi ko nalang sya pinansin at mukhang matutuluyang maging statwa itong lima itinuloy ko nalang ang pagkain ko. Mamaya may naramdam akong panganib na papunta sa akin.

"Tumigil ka!" sigaw ng babae at biglang nawala yung nararamdaman ko

"Huwag kang magsimula ng gulo Miss" sabi ng isang lalaki na kulay pula ang buhok

"Anong nangyari sa mga Dragons at pumapayag na kayo na may umupo sa lamesa nyo" at isang nakaka-insultong ngiti ang binigay nya sa Anim pero biglang nagkaroon ng mga tahi ang kanyang bibig.

"Manahimik ka kung ayaw mong maging permanente ang mga tahi mo sa mukha" may autoridad na wika ng babae.

Habang nagkakagulo sila umalis na ako sa kanilang harapan ng hindi nalalaman, isa sa mga bagay na itinuro sa akin ni papa.

Bago bumalik sa room may napansin akong isang garden. Tahimik at walang studyante, may lugar palang payapa ditto. May maliit na pond ay mga paru parung umiilaw ang mga pakpak, samantalang ang mga bulaklak ay mababango at nakakagaan sa pakiramdam.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa Garden na ito at tapos na yung klase, mukhang malalagot ako nito kina Lolo at Lola.

Hindi kami nagkasabay umuwi ni Angelus, mabuti na lamang at may sumundo sa akin sa school dahil hindi ko na maalala ang pauwi sa mansion ni Lolo at Lola.

Pagdating sa mansion, isang magarang gate ang bumungad sa akin at napakagandang garden, ang gusali ng buong mansion ay katulad sa strukstura na ipinakilala ng mga greyigo. Gawa sa bato ang masion at ang mga naggagandang desenyo ng Corinthians.

Sabi ng mga katulong sa bahay wala sina Lolo at Lola dahil may mahalga itong inaasikaso samantalang si Angelus ay may meeting pa daw ito sa paaralan.

Grabe daig pa ako ng kapatid ko may pameeting meeting pa sya. Kaya Kumain na ako at dumiritso sa aking kwarto.

Maganda ito at ang theme ng kulay ay sunset, combination ng red, orange and yellow. Ang mga furniture ay tulad din sa mga sinaunang kagamitan na makikita mo sa mga Griyego. Mukhang sina lolo at lola mahilig sa ganitong mga stuff ahh. At may frutas pa sa aking side table. Sa ding ding sa akin kanan ay isang painting. Painting ng batang ako na masayang tumakbo, sa gilid nito ay may nakasulat na

"Nasa yong kamay

Nakasalaylay

Ang mundong sisilay"

Sino kaya ang gumawa ng painting ito, in fairness ang ganda ko sa painting na to. Pero may nararamdaman din akong kakaiba sa painting na ito. Hindi ko mawari kong ano pero alam kong may kakaiba.

CendrillionWhere stories live. Discover now