[10] Beginning of an End

3.7K 108 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"All of the memories so close to me just faded away... forever."

---xXx---

KABANATA X

BINITAWAN ni Eureka ang maliit na garapon sa kanyang harapan. Nagpakawala siya ng napakahabang buntong hininga bago lingunin ang kanyang mga kasama. Naabutan niyang nagtitimbang ng mga halamang gamot si Rachelle habang nagsusulat naman sa notebook si Verna sa 'di kalayuan. Abalang-abala ang lahat sa paggawa ng mga halamang gamot. Pumasok naman si Amber—isa sa mga nakasama niyang makapasok sa healing department—habang dala-dala ang ilang bakanteng bote.

"Nasaan si Alleah?" tanong niya rito.

"Nasa hardin. Abalang-abala sa paghahanap ng halamang gamot."

Itinigil niya ang pagsasalin ng mga gamot at tinakpan ang ilang bote. Hinubad niya rin ang face mask niya at inilagay 'yon sa ibabaw ng mesa. Dali-dali siyang lumabas sa department at dumiretso kung nasaan ang malawak na hardin. Naabutan pa niya ro'n si Mao na abalang-abala sa pagroronda.

Napatitig siya sa suot-suot nitong damit. Hanggang tuhod ang suot-suot nitong sapatos na napapaligiran ng metal. Maigsi ang itim na palda ngunit natatakpan ng ilang bahagi ng kalasag. Mayroon ding simbolo ng palasyo ang kalasag nitosa bandang dibdib at halos sumabay sa hangin ang mahabang roba na suot-suot nito sa likuran. Sa gilid ng baywang nito makikita ang mahabang espada. Palihim siyang napangiti nang masilayan ang kaibigan. Hindi na siya magtataka kung bakit bagay na bagay sa dalaga ang posisyong nakuha.

"Magandang umaga, Mao."

"Magandang umaga, Eu. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito.

Tinugunan niya ito ng ngiti. "Okay na ako." Nagpakawala ito ng mahabang paghinga. Mukhang nabunutan ito ng tinik sa dibdib matapos 'yong marinig.

Natutuwa siyang nag-aalala para sa kanya si Mao. Ito lang kasi ang taong bihira niyang makitang mag-alala. Natigil naman ang pag-iisip niya ng malalim nang bigyan siya nito ng malakas na head chop. Napangiwi siya sa sakit at mabilis na hinawakan ang ulo.

"Gosh. Mag-iingat ka kasi sa susunod. H'wag mong pagurin ang katawan mo." Panenermon nito.

"Mao, parang bakal ang kamay mo." Napasimangot siya.

"Ice are really tough right?" ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya. "Mag-iingat ka, Eureka. Lalo na't mayro'ng kakaibang nangyayari sa loob ng palasyo. H'wag mong hahayaang matamaan ka ng sakit na 'di natin alam kung saan nagmumula." Paalala nito sa kanya bago pa man nito ipagpatuloy ang paglalakad.

Rewind ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon