Crazy Dream

37 1 0
                                    

"Ma! tulog na po ako!" sigaw ko mula sa pangalawang palapag. Tumango lang siya at Ipinagpatuloy ang ginagawa.


Maaga akong nagising at pumasok sa school. Pagpasok ko ay nagkaguluhan ang aking mga kaklase na ipinagtataka ko. Kinalabit ko ang aking kaibigan na nasa aking tabi. Lumingon naman siya.

"Anong meron ?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya. "O-kay"

Maya-maya ay dumating na ang aming guro kaya nagsibalikan ang aking mga kaklase sa kanilang upuan.

"Okay class" pagsisimula niya. "May bago kayong kaklase" kaya nagsisimula na naman ang mga bubuyog. "student. Please keep quiet" tumahimik din sila.

Pumasok na iyong bago naming kaklase. Wow! he has a striking facial features. I can't  deny it. He was totally handsome. My jaw literally dropped.

Pagkatapos ng aming kaklase ay pumunta ako sa canteen. And not to be expect na magkatabi pa talaga kami. Gosh!

Babalik na ako sa aming kwarto. Kinalma ko muna aking sarili bago pumasok. Lingon sa kaliwa. Wala . Lingon sa kanan. Wala Hoooh! Nakahinga pa naman ako.

Umupo ako ng biglang "gosh! friend!" niyugyog niya ako kaya muntik na akong mabilaukan

"Ano kaba ? papatayin mo ba ako ?"pagalit kong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. BOOM. Natahimik siya.

"Hindi naman. Alam mo swerte. blah bah... " Hay naku! Ang raming satsat. Inilagay ko ang aking earphone sa aking taenga. Napairap nalang ako sa kadaldalan niya.

Bigla niya naman akong niyugyog. Binigyan ko siya ng masamang tingin at tinanggal ang earphone. Nginuso niya ang nasa pintuan.

Tumingin din ako dun. Sumasakit talaga ang puson ko pagnakikita ko siya. Hindi ko alam kung ngingisi ba ako o magagalit. Ay ' Ewan ko! Hindi ko alam na natulala na pala ako sa kanya.

"Girl. Tumutulo ang laway mo" natauhan ako sa lakas ng boses ng kaibigan ko. Ghad! Nakakahiya. Pinagtawan ako ng aking mga kaklase.

"Uyyyyy" tukso nila. At ang iba naman ay nagtawanan. Yumuko nalang ako at ngumuso. Humahagikhik ang lalaking katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Umiling siya ng ilang beses at ngumisi. Iniwas ko ang aking tingin baka tutulo naman tong peste kong laway---- not literally.

Lumipas na ang ilang linggo ay hindi parin tumitigil ang kaibigan ko. Minsan nga hindi ko mapigilang mainis subalit nasanay na ako. At ang lintek na puso ay parating nagdi-disco.

"Alam mo bes" nakaupo kami sa damuhan at tumunganga. "Bagay talaga kayo ni Gavin. Minsan nga eh, nagnanakaw siya ng tingin sa'yo" napalingon ako sa kanya ganun din siya. Uminit ang pisnge ko. Iniiwasan kung mapangiti. Umiling lang ako at binabalewala ang pinagsasabi niya.

Pagkarating namin sa room sa umupo agad kami at ganun dun ang aming guro.

"Class. Wala ako ngayon at next week" Nag-umpisang huwiyaw ang aming kaklase. "class, silent please" tumahimik naman sila "But you have a dance perfomance" nadismaya sila sa kanilang narinig. May iba pa ngang nagprotesta. Haha. Natawa talaga ako sa kanila. "and by pairs"

Pagkatapos nun ay lunch namin. Nanatili lang ako sa aking upuan. Inilabas ko ang aking baon at kumain na. Lumabas lahat ng kaklase ko kaya ako lang naiwan. Total,. ganito nalang palagi, naiiwan.

Pumasok ang isang kaklase ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong siya iyon. Umupo siya sa upuan niya. Halos hindi ko malunok ang aking nginunguya.

Awkward.

"Ikaw ang partner" usal niya. Nabilaukan ako. Binigyan niya ako ng Bottle Water at tinanggap ko. Hindi yun tanong ang sinabi niya.

A Crazy DreamWhere stories live. Discover now