Chapter 3

334 9 2
                                    


Chapter 3

"So boyfriend mo na ako ngayon?" binitawan ko ang lalaking nakangisi sa akin at tinulak ito, "Ouch." Ungol pa nito at napatingin sakin, "Ikaw ah? Para saan iyon, abuso kana ha! Palagi mo nalang akong tinutulak. Tao rin ako, nasasaktan."


Inismiran ko ang lalaking nasa harapan ko, "Luh? Anong palagi na sinasabi mo riyan, ngayon nga lang kita nakita eh! Baliw kana ba?"

Napahawak naman ang lalaki sa bandang puso nito at nag act na parang nasaktan, "Aray, kinalimutan na niya nga ako."


"Ewan ko sayo, maiwan na nga kita rito. Baliw ka nga eh, ngayon nga lang sabi kita nakita okey?" –Hay nako bahala na nga siya diyan, tinalikuran ko na ang lalaki pero sumunod naman ito sa akin.



"—Ano bayan girlfriend, iiwan mo na ako?"

"Pakyu—girlfriend ka jan, hindi mo ko girlfriend."

 

"Eh sabi mo sakin kanina boyfriend moko eh!"

"Eh kasi, trip ko lang yon! Like duh?"

"Trip moko?"

  

Hinarap ko siya, "Obviously."

"Eh bakit ako? May marami namang ibang lalaki jan ah!"

"Like duh? Bakit ba ha? Ikaw ang unang nakita ko eh."

Humiwaga naman ang mukha niya at malapad na ngumiti sa akin, "Talaga? Ako ang una mong nakita? Ayeeeh!"

"Ewww!—Loko to hindi. Pinapaselos ko lang ex ko no!"

"Bakit mo naman siya pinapaselos? May feelings ka parin ba?"
  
Tumigil ako sa paglalakad, "Saan ka ba papunta?" Tumigil rin naman siya at napatingin sa akin, "Sa puso mo." Binatukan ko siya.

"Gago ka. Seryoso tong tanong ko, mukha ba akong nagbibiro ha?"

"Sorna. Eh kasi naman eh, balak ko naman talagang bumili dun sa shop eh! Pero hinigit moko! Yan tuloy! Kaya susunod nalang ako kung saan ka pupunta!—Pag didiskartehan ko lang naman sana iyong cute na cashier dun! Pero mabuti na rin, maganda kasi humigit sakin. Sinampal pa ako last night. Tapos binatukan pa ako. Sakit sakit na."

"Heh! Sampal ka jan! Wala nga akong naalala na sinampal kita ah—tsaka ngayon lang rin kita nakita kaya huwag kang ano riyan!"

"Sinampal moko kagabi—hindi mo lang naalala kasi lasing ka nun. Nagsayaw kaya tayo kagabi at medyo natamaan na rin ako nun kaya ayun nung ininum mo ang dala mong bote nang tequila ay inagaw ko tsak—Hoy! Loko to ah!"

Napatingin naman ako sa kung sino mang humigit sa akin.
Ang sakit sakit nang kamay ko ah! Grabe naman tong lala—What the fudge!

"Hoy babae! Pinatawag ka nang daddy mo. Punta ka raw dun sa mansion niyo. Hindi raw kasi sila na inform na dumating kana pala. Kaya pumunta ka raw dun, mag wewelcome party ka daw. Huwag kang landi landi diyan."

"Ano ba! Ang sakit sakit na nang kamay ko ah! Bitawan mo nga ako!"

"—Bitawan mo kasi pare! Tingnan mo oh, babae iyang sinaktan mo. Badin—"

"Huwag kang sumasali sa usapan nang may usapan pare—respeto naman."

"Aba—loko to ah!"

"Bitawan mo nga sabi ako!"

Binitawan naman ako ni Niko. Ano ba kasing problema niya!

Ang sakit sakit nang kamay ko na hinigit niya! heto, namula tuloy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon