[4] Flashback

441 12 20
                                        

A/N: Nabaliw ako e. HAHA, nasan ka na?! XD

JD's POV

Go, Fight, Win, AJA! -ako

Nagsasayaw pa ako dito sa banyo. Para lang akong tangang sumasayaw habang hawak yung cellphone ko. Kakayanin ko 'to. Mahirap 'to panigurado, lalo na mahal ko yung tao e, pano pag natempt ako? Patay ako neto. Pero kakayanin ko, kakayanin ko ang lahat. Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao, makakagawa ka ng bagay na hindi mo man gusto, gagawin mo para lang sa taong mahal mo. Andami kong alam 'no? Kung lumabas na lang kaya ako dito sa cr. Bwhaha, nagmuni-muni pa ako saglit, nang marinig ko ang katok ni Yaya Pepay. 

Huy! Huy! -sabi niya

Tumayo ako mula sa bowl. Hindi ako tumae kung yun ang iniisip niyo. Bwahah, maaga pa, hindi pa ko nakain. Huminga ako ng malalim, sabay sabing,

WOOOOO! -nagsisigaw ako

Sumisigaw pa ko habang binubuksan yung pinto. Nakalabas na ko, nakita ko si Yaya, parang yung tingin niya nagsasabing, what the? Nagpeace sign lang ako. Ay tanga. Nasan na yung mga damit ko? Patay! Nasa kwarto pa ni ZD. Naghysterical na ko dito, nang mapansin ni Yaya.

Huy! Problema mo? -siya

Yung mga damit ko. -nasapo ko na lang ang noo ko. Gagi! Gagi ka kahit kailan. Pano kung makita niya yun? Tsaka, nagtaka lang ako ha, bat hindi niya man lang tinanong kung nasan yung mga maleta ko? Tsaka naiwan ko kaya yung isa kong maleta na dala-dala ko nung nasa Bhutan pa ko. Aish! Natampal ko ang noo ko,

Psst! Wag kang mag-alala. Naipadala na ni Ma'am Karla yung mga bago mong damit. Nandyan sa may drawer ang lahat. -sabi ni Ya Pepay.

Dumiretso naman ako sa drawer. Aba, may mga damit na nga ako. Sakto lang sakin yung mga yun sa tingin ko e. Pero pano nalaman ni Mommy na ganito yung type kong damit? Ahh. Yung anak ko. Effort. Nagdala na ako ng toothbrush, shampoo, and such thing kapag naliligo. Kumpleto na kasi yung nasa drawer e, panty, bra. Kailangan ko pa bang isa-isahin? Proot. Nagsha-shower ako. Oo, may shower dito sa kwarto ni Ya Pepay, lahat naman e. Lahat ng kwarto dito, meron. Habang nagsha-shower ako, nag-iisip isip din ako. Kakayanin ko nga ba 'to? Pano na lang kung masunget siya? Pano na lang kung mambabae siya sa harap ko? Pano na lang... Aish! Natampal ko yung noo ko, sabay sabing,

Think Positive! Walang aayaw! -yung kanta ni Robin Padilla sa Alaxan. Bwahah. Ang swabe ng dating niya dun e. Padilla'ng Padilla. Oo nga pala, tito ni ZD yung sikat na actor/singer/endorser na yun. Kaya nga bigtime yang si ZD e. Malay ko bang may ganun pala siyang pamilya. Natapos na akong magshower, nagbihis na ko sa loob tapos nagtoothbrush sa harap ng salamin. Grabe, ang haggard na ng mukha ko. Kailangan maganda ako sa harapan ni ZD, kundi hindi niya ko mamahalin ulit. Oo, para na kong tanga, pero ayos lang yun. Para naman sa kanya e.

Lalabas na sana ako nang tumunog yung phone ko, tiningnan ko, paktay! Si Sir Ken! Dali-dali kong sinagot yung tawag,

H-hello? -ako

'Til My Heartaches End [MKMMK Book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon