A/N: Hoy babaeng may DJ Syndrome, bwahha. Kaway Kaway naman diyan! XD
JD's POV
Mahal na mahal kita, JD. -siya
Napabangon ako kung san ako nakapatong ang ulo ko ngayon. Taena, panaginip lang pala. Kala ko totoo na e, totoong totoo kasi e, yun bang ramdam na ramdam ko yung paghaplos ng mga malalambot niyang kamay, ramdam ko yung hininga niyang lumapit sa tenga ko nang ibulong niya ang mga salitang yun, para sakin totoo talaga e. Parang totoong totoo talaga, pero nagmasid ako sa kwarto kung nasaan ako, nandito pa rin pala ako sa kwarto ni ZD. Nakatulog siguro ako habang pinupunasan ang buong katawan ni ZD. Nandito pala ako sa sidetable katabi nung kama ni ZD, may upuan kasi e. Tiningnan ko yung kama niya, wala ng tao.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko, tiningnan ko yung lamesa. Ay gaga, may laway pa. Bwahha, dali-dali akong pumunta sa may banyo at kumuha ng basahin tsaka binasa ko. Kakahiya naman. Bwahaha, pero in fairness naman sa laway ko, nakahugis heart. Tae, ang sosyal e. xD Tiningnan ko yung wallclock sa kwarto ni ZD, ay gaga. 7am na pala. Teka ano bang araw na? Saturday na pala. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ni ZD, at dumiretso sa kwarto namin ni Yaya Pepay.
Ya Pepay! -tawag ko
Binuksan niya naman agad yung pinto, pagkabukas niya dali-dali akong kumuha ng damit sa drawer pati na rin yung mga gamit na ginagamit kapag naliligo. Habang nasa shower ako, nag-iisip isip ako. Feeling ko kasi parang totoo talaga yung pagkakasabi ni ZD ng mga salitang, Mahal na mahal kita, JD. Hindi sa nag-iilusyon ako, pero napapangiti na lang ako sa isiping yun. Totoo man o hinde, nadagdagan pa rin ang confidence ko. Nakangiti ako lumabas sa pinto ng kwarto, napansin naman ni Yaya.
Oh, nginingiti ngiti mo diyan? -siya
Eh kasi. Hehe. -pantangang sagot ko.
Batukan kaya kita? -siya
Eh kasi ramdam ko, parang totoo yung sinabi ni ZD. Parang totoong totoo. -sabi ko habang nakangiti.
Ano ba yung sinabi niya na sa tingin mo ay totoo? -siya
Mahal na mahal kita, JD. -sabi ko habang nakangiti.
Hindi na nagrespond si Yaya Pepay, pero nakita ko yung ibang expression sa mukha niya. Nang mapansin niya kong nakatingin sa kanya, ngumiti siya ng mabilis. Ngumiti na rin lang ako pabalik. Pumunta ko sa kusina at nagluto ng mga pagkain para sa breakfast ni ZD, napapansin ko kasi yung mga pagkain niya, hindi masyadong healthy kaya eto nagluluto ako nga mga vegetables na masasarap para sa kanya, take note, para sa kanya lang.
Pagkatapos ko sa kusina, dumiretso na ko sa garahe kung san nakaupo si Mang Peping, nakita ko nga siya parang ang lalim ng iniisip. Ay oo nga pala, hindi ko pa nakakausap sina H. Kamusta na kaya yung yun? Miss ko na yung mga yun e, halos ilang buwan na rin simula nung makausap ko sila. Going strong pa rin sila nina Matthew, tapos etong si Kitkat at si JC, kulang na lang anak para happy family na, at etong si Joseph, hanggang ngayon nahihiya pa ring ipakita kung gaano niya kamahal si Daze. Haha, natutuwa ako sa mga kaibigan ko, may mga pagkasiraulo, pero kapag nagmahal wagas. Kami din kaya ni ZD, mangyayari yon? Nung nakalapit na ko kay Mang Peping, kinulbit ko na siya't lahat, hindi pa rin nagrerespond, nakatingin lang siya sa kawalan.
BINABASA MO ANG
'Til My Heartaches End [MKMMK Book II]
Teen FictionSeryosohan pa ba 'to? Wala na, maging kontrabida na lang kaya ako? Sige, bagay naman siguro ako sa role na yun di ba? Osige, ako na lang ang magiging kontrabida sa storyang 'to. -JD
!['Til My Heartaches End [MKMMK Book II]](https://img.wattpad.com/cover/1206745-64-k294959.jpg)