What If (1)

147 36 14
                                    

Mia's POV

Nakatingin ako sa salamin sa loob ng aking kwarto . May bagong pimple nanaman ako , huhuhu sa gitna ng ilong ko pa. Really Mia???

Katulad ng nabasa nyo , Oo may mga tigyawat ako . Hindi naman sobrang dami, pero meron pa rin at kapansin pansin pa . Arghhh kaines naman !

Maganda na man ako , kung makinis nga lang sana ang mukha ko .

Matangos ang ilong ko , mahaba ang mga pilikmata , manipis at mapupulang labi , hanggang bewang ang haba ng buhok ko , saktong pangangatawan at medyo ma-pimples .

Hindi ba ? Panira tong mga tigyawat ko .

"Hoy Mia! kakain na , wag mo nang bilangin pa ang mga mamula mula mong pimples Whahahah." sigaw ng kuya kong baboy sa labas ng kwarto ko .

"Ang taba mo . Unggoy ! , oo na baba na ang dyosa ! " Sigaw ko pabalik sa baboy kong kuya .

"Dyosa mo mukha mo , Hahahahahah " sigaw nya ulit sabay narinig ko syang tawa ng tawa.

Niligpit ko nalang ang mga gamit ko sabay bumaba.

-Sa School-

"Bessy !!! " sigaw ng bestfriend kong unano , I mean ni Liza Soberaña WHAHAHAHAHAHA corny ko.

"Makasigaw ka naman bessy ." Sabi ko at nag pout .

"Omg , may bagong pimple ka nanaman ? Sa ilong pa talaga . hahahaha " tawanan ba naman ako bwisit.

"Kung tatawanan mo lang ako , lumayas ka na sa paningin ko tss ." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Joke lang naman bessy , BTW nakita ko si Sharn sa Gate ahh baka papasok na yun sa room nya . Dali abangan natin ahihihi " sabay higit sakin palabas ng room.

Parang humihinto ang lahat , at sya lang ang nakikita ko .

Ang gwapo gwapo nya talaga , parang nag iis-slow motion talaga ang lahat at sya lang mismo ang nakikita ko isabay mo pa ang paghawi nya sa buhok nya .

At bigla syang napatingin sa gawi ko at parang ngumiti sya . Shemss totoo ba ito? O nanaginip lang ako ?

Parang nasa heaven ako dahil sa ngiting igininawad nya sa kanyang mga labi.

Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang ...

"Excuse me Mia , dadaan lang ako " sabi ng nasa likod ko kaya nawala ang pagde-day dream ko .

Gumilid ako para dumaan sya . Sabay pumunta sa pwesto ni Sharn.

At nag apir pa sila .

Okay fine ! Hindi ako yung nginitian nya. Si Drake pala yung bestfriend nya.

Wag kang aasa kasi Mia !

Sa itsura mong yan mapapansin ka ng gwapong nilalang nayan ?

Mabuti sana kung kasing ganda mo ang mga naging ex nyan, kaso hanggang paa ka lang nila.

Pangangaral ng konsensya ko sa akin.

BTW sya si Sharn Lester Lopez , ang pinakamamahal kong lalaki , I mean yung crush ko sa school namin .

Since grade 9 , nung nagtransfer sya sa school namin. Nung una onti palang . Pero ngayon crush na crush na crush ko na sya. Pero kahit minsan hindi nya ako napansin.

At ngayong g11 magkatabi lang ang room namin pero guess what ?

Wala parin , hinde nya paren ako napapansin .

Hinde nga kasi ako maganda. Ouch !!

Hindi rin kapansin pansin .

"Bessy , tama na pangangarap ng gising jan! Papunta na si Ma'am" sabi ni Liza ,

Tiningnan ko lang ulit si Sharn na papasok sa loob ng classroom nila , at pumasok narin ako sa loob .











A/N: I Hope You Like It & Please Vote Narin. Please do leave a comment. It is highly appreciated :>

What If.. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon