Last Part

59 24 13
                                    

Sharn's POV

Nakatingin ako sa larawan ni Mia ,

Oo si Mia.

Matagal ko na syang kilala pero hindi ko sya malapitan , inaamin ko marami na kong naging girlfriends . Pero pagdating kay Mia natotorpe ako , tumitiklop ako .

Para saakin , iba sya iba sya sa lahat ng naging gusto ko .

Anu man ang ayos nya , nagagandahan ako sa kanya . Inside and out .

Pero nagulat ako nung nag-ayos sya . Grabe para syang Dyosa sa harapan ko . At naiines ako sa mga umaaligid at nanliligaw sa kanya .

Pero anu magagawa ko ?

Isa lang rin akong lalaking natotorpe .

Pero napapansin nya ba yung mga simpleng ginagawa ko sa kanya ?

Pansin nya bang masaya ako parati pag andito sya sa tabi ko?

Hindi ko alam , natotorpe talaga ako pagdating sa kanya.

At noong sa Pageant , sobrang saya ko kasi nakita ko syang tumitili at tuma talon talon pa para icheer ako .

Sya ang inspirasyon ko kaya naging Mr. Intrams 2017 ako .

Pero nalungkot ako kasi hindi ko syang nakitang lumapit saakin para icongrats ako .

Tapos si Kathlyn , naku naku ! Nakakaines na ang clingy saakin . Iniisip tuloy ng iba may relasyon kami . Ngini-ngitian ko nalang kasi baka mapahiya pa si Kathlyn.

Pero wala akong gusto sa kanya . Maganda at matalino si Kathlyn , pero si Mia lang talaga ang babaeng espesyal sa aking paningin.

Tapos nagulat din ako noong nakaraang araw .

Nakita kong namumugto ang mga mata ni Mia , at iniiwasan nya ako . Oo damang - dama ko yun .

Nalaman ko naman na broken hearted si Mia , pero hindi ko alam kung kanino.

Pilit kong kinakausap si Liza yung bestfriend nya , pero lagi akong iniiwasan at Iniirapan .

Hindi ko alam anung gagawen ko !

Naglalakad na ko palabas ng school nang makita ko si Mia naglalakad din mag-isa.

Huminga ako ng napakalalim,

Hindi ako ready pero now or never ?

Syempre NOW !

Naglakad ako papalit sa kanya .

"Mia , saglit lang " pag tawag ko sa kanya , ngunit mas binilisan nya pa ang pag lakad .

Nang maaabutan ko sya ay agad ko syang ipinahinto sa paglalakad.

"Mia , mag-usap tayo . Please?" Pakikusap ko sa kanya.

"Bakit? Para saan pa? Tungkol saan? Bat hindi mo kasama si Kathlyn ? Yung GIRLFRIEND mo? " sunod sunod na katanungan nya na nagbigay saakin ng idea .

Idea na siguro narinig narin nya ang usap-usapan sa walang katotohanang relasyon namin ni Kathlyn .

Imposible kayang parehas kami ng nararamdaman?

Napangiti tuloy ako bigla saaking mga iniisip .

"Anu ngini-ngiti mo dyan? " masungit na pagtatanong nya saakin .

"Duon kana sa Kathlyn mo !! Sharn Paasa ka bwiset ka! " mabilis nyang sabi .

Ngunit bago pa sya makaalis ay dali -ko syang niyakap ng mahigpit ..

Ramdam ko ang pagkagulat nya , kasi kahit mismo ako ay nagulat din pero ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon .

"Huwag ka ng magselos baby , ikaw naman yung love ko ee " panunukso ko kay Mia habang nakayakap yakap parin sa kanya .

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sapagkat na yakap ko sya ng ganto , ang bango bango naman ng babaeng 'to .

"Tumigil ka nga Sharn , makita tayo ni   Kathlyn ! Tama na Sharn mas nasasaktan ako ee " sabi nya at unti unti kong nararamdaman ang patak ng mga luha nya .

Masyado ba kitang nasaktan Mia?

Sorry , kung naging duwag ako sorry kung ngayon lang . Pero promise papasayahin na kita simula ngayon .

"Mia , listen to me . Si Kathlyn hindi ko sya Girlfriend okay? Yung kumakalat na balita fake lahat yun okay? Yung mga pictures na sweet kami sa isa't isa , required lang yun dahil kami yung nanalo . Pero hindi ko sya gusto , may iba akong mahal at yung mahal ko na yun , yakap yakap ko ng mahigpit ngayon ." Sa haba haba ng panahon , ngayon lang ako nakapagtapat ng aking damdamin . Worth it lahat ng inipon kong lakas ng loob .

"Sharn , totoo ba ? Totoo ba yang pinagsasabi mo ?" Hindi makapaniwalang pagtatanong ni Mia habang patuloy padin ang pag-iyak .

Habang mas tuma tagal , mas dumadami ang nakakakita saamin .

Dapat lang nilang malaman na si Mia ,  at simula ngayon ay akin lang .

"Oo Mia , I love you so much .. Sorry kung naduduwag akong umamin pero this time wala akong pinagsisihan kasi nalaman kong gusto mo rin pala ako ." Pagtatapat ko sa kanya.

"Sharn , matagal na .." Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit pabalik .

"Mia , please papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita . Bigyan mo sana ako ng chance Mia" lakas kong loob na sinabi .

"I love you so much din Sharn Lester Lopez simula junior high school palang ikaw na ang gusto ko kaya Yes bibigyan kita ng chance ." Masayang sabi nya na nagpatunaw sa puso ko .

Nagkatinginan kami ni Mia ,

Kita ko sa kanyang mga mata ang labis na saya .

At masaya na rin ako , masayang masaya .

Nginitian ko sya , yung ngiting pinakamatamis.

At nginitian nya rin ako pabalik .

Ng biglang may sumigaw.

"Sigee Guysss !! Tapos na po ang palabas , maaari na tayong magsi-uwe ." Sigaw na pagtataboy ni Liza kasama si Drake .

"HAHAHHAHA". Sabay na pagtawa namin ni Mia .

Humiwalay ako sa pagkakayap at hinawakan ang kanyang kamay.

"Tara kain tayo , libre ko ." Pagyaya ko sa kanya .

"Sure." At nagpatuloy kami sa paglalakad .

"Hoy sama kami " paghahabol nila Drake at Liza saamin .

"Hahaha sige na nga "

Tinignan ko muli si Mia ,

Nakangiti sya habang naglalakad .

Sobrang saya ang aking nararamdaman , sa bawat pagngiti nya .

Mia , pangako ko sayo , simula ngayon ipaparamdam ko ang totoo at puro kong pagmamahal sayo .

Mahal na mahal kita Mia Aguillana .


THE END





A/N: I hope you like it & Please vote narin. Please do leave a comment. It is highly appreciated :>

Thank you so much for reading What If . I love you all !!

What If.. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon