What If (9)

49 20 7
                                    

Mia's POV

"And the winner for Mr.Intrams is no other than .....

Candidate number 4 . Mr. Sharn Lester Lopez . Congratulations ! " Pagkasabi  ng Mc ay agad agad kaming nag hiyawan , nagtalunan

Nanalo sya !!

Sabi na nga ba ee .

Nanalo sya pati si Kathlyn , yung classmate ko .

I'm so happy for the both of them.

Nakatingin ako sa stage kung saan pinagkakaguluhan ang dalawa .

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sapagkat napakasaya ko para sa kanya .

Lalapit na sana ako para makipag picture ng tinawag ako ni Liza.

"Besssssss!" Malakas na sigaw na pagtawag sakin ni Liza.

"Hinde ako binge bess, anu bang inaano mo jan?" Pabirong Pag aaway ko sa kanya.

"May iba balita kasi ako sayo . Bad news . " malungkot nyang sabi.

"Hahaha anu ba yan bess? Dapat masaya tayo . Nanalo si Sharn at Kathlyn . Tignan mo ohh!" Pagpapagaan ko sa usapan namin at tinuro sa stage sina Sharn.

"Ayun na nga bess ee ." Medyo pagalit na sabi pa nya.

"Haysss . Anu ba yun?" Buntong hininga kong pag tatanong sa bad news  nya.

"Ohh tignan mo ! " sabay pagpapakita nya saakin ng Cellphone nya .

Nakita kong post iyon ni Kathlyn sa Twitter .

"GoodLuck For the both of us , babe ! I love you so much"

At may nakalagay na picture nila ni Sharn sa practice ng Intrams .

Nawasak bigla ang aking puso sa aking nabasa .

Lumingon ako sa stage , at pinagsisihan ko ito dahil ang aking nakita ay ang naka-akbay na Braso ni Sharn kay Kathlyn habang nakangiti ng napakatamis.

"Hahaha , anu ba bess baka naman Cs lang nila yun. Baka sobrang close lang nila Haha" pilit na tawa ko at pagpapaintindi sa sarili ko na wala lang ang lahat.

"Bess, mukang Paasa si Sharn ahh? I mean kasi bakit ganun yung pinapakita nya sayo ? Tapos anu si Kathlyn pala ang gusto at girlfriend nya. Sorry bess pero ayokong umasa kapa ." Pagpapaliwanag saakin ni Liza.

"Hahaha , anu ba bess . Anung pinagsasabi mo . ?" Pilit kong iniiwasan ang katotohanang hindi talaga kami ang magkakatuluyan .

Tinignan ko si Liza , at nakita ko sa kanyang mga mata ang awa para saakin.

Pero nginitian ko lang sya , ngiting mapait at puno ng sakit.

"Halika bess , samahan mo ko magpapapicture ako kay Sharn . At matutuwa yun pag nalaman nyang sinuportahan ko sya " sabay hila ko kay Liza papuntang stage .

"Umuwe nalang tayo bess , masasaktan ka lang sa mga makikita mo ." Pilit na pagyaya saakin ni bess palabas .

Ngunit sadyang mapilit ako dahil nais kong makausap si Sharn .

"Saglit lang bess , please ? Saglit lang " pagmamakaawa ko sa kanya.

"Mia, enough na ! Wala naman ng patutunguhan yan ee ." Pagsasaway nya saakin.

Binitawan ko sya at pupunta sana ako ng stage , pero napa tulala ako sa aking nakita .

Nakatalikod na naglalakad palayo sina Kathlyn at Sharn , na magkahawak ang mga kamay.

Bigla akong nanghina at kumirot lalo ang aking puso .

Siguro nga umasa ako ,

Umasa na saaking pagbabago ay may magbago rin sa aming dalawa.

Oo nga may nagbago nga , naging malapit kami sa isa't isa . Sa sobrang lapit ay nahulog ako ng napakalalim .

Pero siguro nga hinde nya ako kayang saluhin , hinde nya akong kayang mahalin .

May paganto ganto pa akong pagpapaganda , maho-hopia lang pala ako sa kanya .

"HA HA HA " sobrang pait na aking pagtawa sabay tumingin ako kay Liza at May ipinakita ulit sya saakin.

Post din ito galing sa twitter , 3 seconds ago ..

"Congrats for us babe ."
At May picture ito na nakakiss sa cheeks ni Sharn si Kathlyn .

Simpleng post lang ni Kathlyn , pero libo-libong sakit  na ang dulot saakin .

"Siguro nga bess , kahit anung what if , pa ang sabihen at gawin ko . Hinde na talaga kami ni Sharn ang magkakatuluyan . Siguro nga hindi talaga kami ." Pagsasabi ko kay Liza na nakayap saakin .

"It's okay bess , maybe may ibang lalaking nakalaan para sayo . Yung much better kaysa kay Sharn?  Diba ? Diba?" Pilit na pagpapagaan nya sa nararamdaman ko .

"Siguro .. Siguro nga bess"

At Hinigit ko na si Liza palabas ng cover court , bago pa tuluyang umagos ang mga luha saaking mata.

Siguro nga dapat ko ng itigil tong katangahan sa iisang lalaking hindi naman ako kayang mahalin.

Siguro nga tama lang na hindi ko na ipinagtapat ang aking pag-ibig sa kanya , mas masakit mareject ng harap harapan .

Hahahaha sarap sa feeling ng umasa ng umasa ng umasa sa lalaking tulad ni Sharn .













A/N: At dito nagtatapos ang storya ni Mia at ni Sharn .

Hahahah charooot !

Minsan kailangan masaktan para maging matatag .

I hope you like it

And please Vote narin .

~ Please do leave a comment. It is highly appreciated :>

Bad or Good Comments , I'll read it .

~ Salamat ng marami sa mga nagbabasa nito . I love you all .

What If.. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon