What If (8)

58 24 8
                                    

Mia's POV

Naglalakad na ako pauwe habang dumidila dila sa Ice Cream ko .

At take note ang sigla sigla kong maglakad , syempre ikaw ba naman ang ihatid ng crush mong gwapo, nung nakaraan ? Hayyyssst hindi parin ako makamove-on.

Yung pagnakaw ko ng halik kay Sharn ? syempre hiyang hiya na ako lumapit sa kanya. Pero dahil magkatabi lang ang room namin , everytime na nagkikita kami ngingitian ko lang tas aalis na .

Hiyang hiya pa talaga akong lumapit sa kanya , tsaka abala sila sa Pageant , benta ng tickets dito , doon . Practice ng model . Kaya ako tahimik muna sa kaharutan , daydreaming muna habang busy pa sya .

So back to reality , naglalakad padin ako ng may .....

"Ang sarap naman ng Ice Cream mo , ako rin padila" sabi ng tao na boses lalaki sa likuran ko .

Napatigil ako sa paglalakad at pagkain ng Ice Cream , kumabog ng malakas ang puso ko , Ang creepy nya .

Rapist kaya to ?

Tatakbo na ba ako?

May narape na ba na tanghaling tapat?

Gwapo ba tong rapist na to?

Pwede naman sigurong wag na kong umangal kung gwapo naman tong rapist?

Ang dami kong iniisep at naglaho lang ito ng may tumawa ng napakalakas .

"HAHAHAHAHAHAHAHHAHA , priceless yung pagmumukha mo Mia . HAHAHAHAHAHAHAH . Galing ko naman umacting Hahahah . Don't worry hindi naman kita rarapin hahahahah " walang humpay na pag aasar sakin ni Drake .

Seriously si Drake lang yun . Kaasar !?

Gwapo naman sya ee sayang .

Hahahaha joke lang solid kay Sharn pa rin ito .

Napatigil din ako ng makita ko si Sharn na kasama nya .

Pinipigilan nya ang pagtawa nya , hayst sarap pag untugen .

Pero akala ko ba busy sya ? Hala nahihiya na lalo akong lumapit

Tumingin muli ako kay Drake at sinabing .

"Nakakaasar ka Drake , sarap mong ibitin sa puno . Tss" sabay lakad ko paalis sa kanila .

"Hala , wait lang " pagpipigil sakin at hinawakan ang braso ko .

Tug..tug..tug..

si Sharn ...

"Sorry na Mia , pinipigilan ko si Drake kanina pa , pero ayaw nya magpaawat . Nagpapractice daw kasi sya sa pag arte . Pasensya na sa pagkabaliw ng bestfriend ko " sincere na pagpapaumanhin ni Sharn para kay Drake .

"Sorry na Miatot~ nagpapractice lang ako para sa RolePlay natin ." Paghingi nya ng tawad sabay akbay sakin .

Totoo naman na may RolePlay kami , pero dapat kung magpapractice sya hindi sa gantong paraan kaloka .

"Haysst .. Oo na , sa susunod naman kasi Drake sa Matinong paraan na pagpapractice . Akala ko talaga kasi Rapist , kinabahan talaga ako ." Pag aamin ko sa lalaking ito .

"Hehehe sorry na Mia ." Sabay pisil nya sa mga pisngi ko .

"Oo na ." Sabi ko at napatingin kay Sharn na parang pinagbagsakan ng langit at lupa .

Inalis na ni Drake ang pagkaka-akbay saakin at lumapit kay Drake .

"Bro , wag ka ng magselos HAHAHAHA" pang-aasar ni Drake kay Sharn habang tinatapik yapik ang balikat nito .

What If.. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon