10 Our first kiss

50 0 0
                                    

Prince POV

Halos mag iisang lingo na hindi ako pinapansin ni Mara. Hindi ko alam kung bakit at mukahang galit saakin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko na naging dahilan na hindi sya namamansin. Pupuntahan ko sya mamaya baka naman ay makapagtanong ako kung ano talaga ang nagyari.
Nakita ko sya naglalakad pauwi hindi ko alam kung bakit hindi sya sumamang sumakay kina Mira. Simula nung umalis sya ay iba na ang Mara na kilala ko. Alam ko namang kahit meron sya problema ay nakukuha parin nyang ngumiti. Pero ngayon parang nilalamon sya ng kalungkotan at puot sa kanyang dibdib. Palagi nalang syang may malalim na iniisip. Kung tatanungin ko si Mira kung meron bang problema si Mara ang sabi lang nya ay "Ewan ko , malay mo naging ganyan sya kasi meron lang malalim na iniisip o di kaya nabasted sa kanyang crush hahaha". Kung nabasted ehh wla naman akong alam na lalaking crush nya tapos hindi rin sya mahilig magpantasya sa mga lalaki dyan. Hay nako kung yun ang dahilan eh bakit umiiwas sya akin. Nalilito na ako sana man lang magkaroon ng milagro.

Nakita ko sya naglalakad pauwi pero lumiko akala ko dun papunta sa kanilang bahay. Sinundan ko sya at nadatnan ko sya dun sa bench ng parke malapit sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dito pero ang lalim ng iniisip nya. At ilang minuto lang ay tumulo ang luha nya. Nilapitan ko at niyakap. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na hagkan sya na ikinagulat nya.

 Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na hagkan sya na ikinagulat nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos ay nagulat ako ng tanungin nya ako kung mahal ko ba sya.

P..prince m..mahal m..mo ba a..ko? Nauutal nyang sabi

Oo Mara nuon pa, hindi ko lang masabi ang nararamdaman ko kasi natatakot akong mawala ka. Natatakot ako na kung sabihin ko ang tutuo ay baka ayaw mo na sa akin, ayuko lang naman maputol ang ugnayan natin kahit na kaibigan lang ay tanggap ko basta makasama lang kita. Sana wag mo na ulit gawin yun, kung aalis ka man. Kahit na dumaan man ang pagsubok na yun, ikaw parin ang binhi na nakatanim sa puso ko. Binhi ng rosas na sa tuwing magkikita tayo ay namumulaklak ito sa tuwa. At ibinubuga nya ang bango ng kanyang kaligayahan. Sabi ko habang nakatitig sa mata nya na hindi rin umiiwas sa mga titig ko.

Kinuha ko ang kamay nya at sabi ko " Mara mahal mo rin ba ako? Hihintayin ko ang sagot mo pero sa ngayon uwi muna tayo baka hinahanap ka na nila dun. Sabi ko tapos tumango lang sya.

Crush ko ang bestfriend ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon