12 Goodbye friendship

38 0 0
                                    

This update is dedicated to my friend @caren ycong. Thank you so much for the support.




Huwag intindihin ang lahat ng negatibong sinasabi ng ibang tao dahil ikaw lang ang may alam kung sino ka kaya huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba dahil meron kang talinto na hindi nila mapapantayan.



Mara POV

Nakauwi na pala ako sa bahay tapos ay umakyat na sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina para kumain. Nakakita ko dun si Mira na kumakain. Nang napansin nya ako tinanong nya ako kung bakit nahuli akong nakauwi sa bahay kahit na ako yung nauna na umalis sa paaralan.



Mara nasaan kaba pumunta at bakit ngayun kalang, diba ikaw yung naunang umalis. Hindi mo naman ako hinintay. Sabi nya



Ahhh... wla may pinuntahan lang.




Saan ka naman nagtungo at bakit parang malungkot ka na may halong galit at saya.



Hindi ko sya sinagot at umupo nalang at nagsimula nang kumain. Hindi naman sya nagtanong ulit at kumain nalang kami ng tahimik. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako sandali at pumunta sa Tree House para magpahangin at makapagisa sandali. Mayamaya ay may narinig ako nagdoor bell kaya tinanaw ko kung sino. Nakita ko si Prince na pumasok at nagtanong kay manang kung nasaan ako. Hindi ko nalang inintindi sila at bumalik ako sa duyan dito sa tree house. Nagulat nalang ako ng paglingon ko ay nakita ko sya na nakaupo at tahimik na tinitingnan ako.



B...bakit k...ka nandito?



Gusto ko lang humingi ng paumanhin.



Tungkol saan?



Tungkol dun sa nangyari sa park kanina. Hindi ko lang kasi alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw ko lang naman na umiyak ka. Hindi ko kasi matiis na nakikita kitang nasasaktan.




Kung ayaw mo bat mo naman ako hinalikan, alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa mga ganyan diba?




Sorry na hindi ko kasi inisip.



Alam mo binibigyan mo lang ako ng sakit sa ulo kung ayaw mong mabatukan kita dyan umalis kana. Kung hinihintay mo yung sagot ko sa tanong mo, wag na wla ka namang mapapala. Kaya kung ako sayo umalis kana at wag kanang magpakita sa akin. Huwag mo na rin akong kausapin.



Mara please forgive me, at hindi naman kita minamadali.



Kung minamadali mo man o hindi wla ka namang mapapala dahil hindi kita minahal kahit kailan. At dahandahang tumulo ang luha ko kaya tumalikod ako.

Umuwi kana Prince, umuwi kana.

Bumaba sya sa treehouse at umuwi na. Ako naman ay nagpatuloy sa pag iyak. Ayuko namang makita sya na malungkot pero pinairal ko parin ang galit ko. Mayamay oa ay bumaba na ako at pumasom na para matulog.

(Bakit nya kasi ginawa yun, ginawa na nga nya akong tanga sa mga walang kwentang bagay nakuha pa nyang sabihin na mahal nya ako. Ano ba talaga ang totoo, nalilito na ako. Hindi na nga ako naging totoo sa aking sarili, nakuha ko pang makapanakit ng ibang tao kahit na minahal ko ng sobra. Kung sino pa yung taong nagmamahal sayo sya pa yung nananakit sa yo at nagbibigay ng mabibigat na bato sa buhay mo. Ayuko na itigil ko na hindi ko na kayang tanggapin lahat ng sakit. Oo mahal kita pero mas mabuti pang kalimutan ko lahat ng nangyari para naman matanggap ko na sakit lang ang mapapala ko sa kahahabol sayo. Kaya paalam sa lahat ng pinagsamahan natin nuon. Salamat na din kasi pinadama mo sa akin kung ano ang pakiramdam sa mga taong naging tanga at umaasa.)




)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Crush ko ang bestfriend ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon