Chapter 4

23 0 0
                                    

Xein's POV

*Break time*

Andito kami ni cherry ngayon sa canteen para kumain, Gutom nako promise!

"Hey xein! Dito ka nalang. Ako ng bahalang magorder treat ko." masiglang sabi nya. Tumango ako at pumunta na sya para bumili.

Habang hinihintay ko sya ay may biglang tumabi saken.

"Hi" masiglang bati saken ng taong to.

"Oh hi michael." balik kong pagbati sakanya. Parang nagiba ata mood ng lalakeng to? 'Bat ganun? Ang tahimik nya noon ah!

"Wala kang kasama?" tanong nya saken.

"Nah, kasama ko si cherry bumili lang sya ng pagkain." sagot ko.

"Oh i see, speaking of." sabi nya sabay tingin sa malayo..

"Hey! Eto na yung pagkain natin" sabi saken ni cherry. "Oh hi michael! masiglang bati nya rito.

"Hi cherry." bati naman sakanya ni michael.

Kumain na kami at nagorder na rin si michael, since andito na sya sumabay na sya samin. konting kwentuhan about sa kahit saan para may mapagusapan lang.

"Hey do you have a boyfriend?" tanong saken ni michael. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanung niya. Arrrgggh! Ayokong mahot seat, Well wala naman "NA" akong boyfriend pero kasi. Ihhh! Basta!

"Hey?" hindi ko napansin na ang tagal ko palang nasagot ang tanung nya.

"Ah eh dati hehehe" sagot ko.

"what happened?" tanung nya. naalala ko nanaman. Masakit parin hanggang ngayon ayokong umiyak, pero bakit ganun? kada may ganyang usapan feeling ko anytime babagsak yung luha ko. Oo im still deeply inlove with him i can't let him go until now kahit na binitawan na nya ako. Masyadong masakit sobra.

Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko.

"H-hey xein! Are you okay? May mali ba akong nasabi?" Tanong nya na may pagaalala. gaad! I hate it! Ayokong nakikita nila akong umiiyak!

"Ah no! Hindi ok lang. Wala kang nasabing masama may naalala lang ako." sagot ko sa kanya sabay pahid ng luha ko.

"Are you sure?"  Kompronta nya.

"Yah." sagot ko sabay ngiti sakanya.

"alam mo kung sino man yan? he's so fucking worthless dahil pinapaiyak ka nya!" sabi nya saken na parang susuntok sya  pft!

"Hahaha baliw ka!" Tawa kong sabi sakanya.
loko talaga to!

"Hahaha ok lang atleast napatawa kita" sabi nya sabay ngiti na akala mo mapupunit na labi nya. Waaah! Bat nagblablush ako! Naman Xein eh! wag kang ganyan! Amp!

"haha baliw! Oo nalang Haha!" sabi ko nalang huhuhu!! nakakahiya! Baka nakita nyang nagblablush ako! buti nalang hindi nya napansin yun kundi! "Im Dead" waah!!

Tinapos na namin yung kinakain namin at bumalik na sa classroom para mag aral uli, as usual! nakakabagot na po promise!


Natapos ang klase na walang pumasok sa utak ko. Naalala ko nanaman yung napagusapan namin kanina, ayoko na talagang napaguusapan yun. Naalala ko lang lahat lahat. Nakakainis! Nagiging mahina nanaman ako! Gusto ko na syang kalimutan pero bakit ganun? Ang hirap niyang kalimutan? Ang hirap hirap! Nakakatanga! Bakit kasi minahal ko sya ng sobra! Bakit kasi iniwan nya pa ako! At bakit? Bakit sa lahat ng ginawa ko para sakanya, nagawa nya parin akong saktan.

"Ui xein! halika na uwi na tayo."  yaya saken ni cherry.

Tumango nalang ako at hindi na umimik, gusto ko ng umuwi, gusto kong mapagisa.

"Hey xein! Ok ka lang ba? Parang ang lungkot lungkot mo? Tungkol ba kanina yan? Wag mo na syang isipin, be happy makakalimutan mo din sya." payo saken ni cherry Sabay ngiti nya.

Ngumiti nalang ako ng pabalik at nagpaalam na rin sya para umuwi at umuwi na rin ako.

Pagkauwi ko deretso agad ako sa kwarto gusto kong magpahinga. humiga ako at nanatiling nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Im so tired! Physically and emotionally, pagod nakong umiyak pagod nakong maghintay. Pero eto parin ako umaasa pa rin na baka balikan mo. Am i worthless? Why? hindi ito 'to! Ang gusto ko lang naman maging masaya na kasama ka? Pero 'bat moko iniwan? Ang sakit sakit parin Alam mo yun? Bakit kailangan mokong saktan? Mahal kita pinaramdam ko yun eh, pero bakit? Bakit sa huli yung mga pangako mo nawala lahat? akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit iniwan mo ako? Gusto na kitang kalimutan. Gustong gusto na pero ayaw ng puso ko kasi ikaw parin ang nilalaman nito. Andami mong pinangako. Sabi mo hanggang huli tayo? Pero ano ito? Bakit ako lang ang nagexpect na tayo hanggang dulo? Sinabi mong mahal mo ako? Pero bakit iniwan mo ako? Hindi ba ako sapat sayo? Mahal kita sobra hanggang ngayon mahal parin kita.

Gusto kong sabihin sakanya lahat ng 'to pero wala eh. Wala akong lakas ng loob. Iiyak ko nanaman tapos bukas wala pa rin iiyak ko pa rin. Gusto kong pigilan ang mga luhang pumapatak pero wala eh! Para lang syang gripo tuloy tuloy sa pag agos. Mahal ko sya eh sobra. Mahal ko sya ng higit pa sa puso ko. Pero wala na eh tapos na hindi hindi na maibabalik pa.

Ang tanging hiling ko lang, sana makalimutan kita at sana may isang taong magpaparanas sa akin na worth it ako na deserve akong mahalin at ingatan.

"Someday there's a guy who can love me 'till the day i die"

---
Author's Note:

Good Morning! So here's my update again, and like the other chapters... May mga parts na inedit ko.

Enjoy reading guys! *send hugs and kisses*

Arigatou!

-katanaxayesha

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon