Chapter 7

15 1 0
                                    

Xein's Pov

Patagal ng patagal mas lalo ko ng nakakaclose si michael. Simula nung nakita niya akong umiiyak sa may field mas lalo akong napalapit sakanya, hindi sya mahirap pakisamahan kaya siguro naging close kami.

Patagal na rin ng patagal dito sa school ay nagkakaroon na ng mga events, like this coming week may event ulit.

Frosh night

Kahit ayaw kong sumama, kailangan eh sayang din kasi yung binayaran ko.

Waaah! Bukas na pala yun! Tae! Hindi ko alam kung anong isusuot ko.

Bumaba ako at naabutan ko si kuya na nagluluto. Hmmmm.. Ang bango naman.

"Hi kuya! Ano niluluto mo?" Tanong ko kay kuya at saka lumapit sakanya.

"Hey princess, bopis yung niluluto ko your favorite" Sagot ni kuya at saka ngumiti. Nyahaha gwapo talaga ng kuya ko!

Sabagay maganda rin naman ako hehehe.

(Ay oh kapal din ng muka neto oh.)

"Kontra pa author!"

(K payn titigil na!)

Letseng author 'to! Amp!

Inayos na ni kuya yung lamesa at kumain na kami. Wala palang trabaho ngayon si kuya, sunday pala ngayon.

Habang kumakain kami biglang nagtanung si kuya.

"Bukas na ang frosh night niyo diba?" Tanong sa akin ni kuya.

Waah! Bukas na pala.!

"Yep" Sagot ko.

"So... May susuotin ka na ba?" Tanung ulit ni kuya.

Oo nga pala wala pa akong susuotin. Ano bang susuotin ko eh wala man akong hilig sa fashion, di ko alam kung anong damit ang dapat ibagay sa akin. Nakakaiyak pag may ganitong event uwu.

"Ewan ko kuya wala naman akong maisip." Sabi ko sakanya.

"Pagkatapos mo diyan pumunta tayong mall bibili tayo ng susuotin mo" .

"Pero kuya hindi ko alam kung sasama ako ." I pouted. 

Hindi ko talaga alam kung sasama ako, hindi pa ako nakakaranas na umattend ng ganung event.

"Paano ba naman kasi, lahat nalang ng event nung junior high ka hindi mo sinasalihan? Tapos ngayon ayaw mo nanaman. Xein naman! Try mo kasing makihalubilo sa ganyang bagay, para hindi kana mahirapan makipagsocialize sa mga tao."

Hindi talaga ako sanay na pumunta ng ganitong event. Im so fucking confused right now hindi ko alam kung sasama ako? Kung hindi naman sayang rin yung binayaran ko. haaay. Mapapabuntong hininga nalang talaga ako.

"Pagiisipan ko pa kuya." Yun nalang ang naisagot ko.

"Wag mo ng pagusapan, pumunta kana minsan lang yan." Pangungulit sa akin ni kuya.

"Pero kuya! Alam mo namang hindi ako sanay sa ganyan eh!" Pagmamaktol ko. Hindi ko naman kasi hilig na sumama sa ganyan.

Ilang beses akong kinukulit ni kuya.

Ayoko talaga kaso mapilit 'tong lalakeng 'to. Kaya sa huli...

"Okay fine. Oo na sasali na." Pangsasangayon ko

Haaays! Mapilit kasi! Tae!

"Good" Sabi niya, makikita mo na yung ngiti nya kulang nalang umabot hanggang tainga. Kahit kailan talaga 'tong si kuya. Haaays! Proproblemahin ko kung anong susuot ko ayokong bumili!

"Wag na tayong bumili ng damit kuya. Mangangalkal nalang ako sa kwarto ko." Sabi ko kay kuya.

"No. Bibili tayo."

Hindi na ako aangal pa. Hindi ako panalo kay kuya.

"Okay fine." pasuko kong sagot.

Natapos kaming kumain ni kuya. At dumeretso na sa mall.

Mga ilang oras ay umuwi na rin kami. Tinatamad talaga ako. Hays.

Pumasok na ako sa kwarto para magpahinga.

Walang masyadong nangyare sa araw na 'to medyo boring. 

Kumuha nalang ako ng libro sa may bookshelf para magbasa, kumuha ako ng isa sa mga collection kong libro at nagbasa, mahilig akong magsulat kaya gustong gusto kong nagbabasa para may matutunan ako pagdating sa pagsusulat.

Mga isang oras at nakalahati ko na ang binabasa ko. Binalik ko na yung libro sa may bookshelf,

Ano kaya gagawin ko nito...

Minsan hindi ko maiwasang alalahanin ang ating nakaraan,
Mga nakaraang kay hirap nga namang kalimutan
Paano ko ba ito malalagpasan?
Paano ko ba ito malilimutan

Sa bawat pagpahid ng aking luha
Sa bawat sakit na nadarama
Ang sakit sakit na
Mahal,hindi ko pa rin pala kaya
Mahal, mahal pa rin kita

Eto na nakahiligan ko magsulat ng magsulat.
Eto ang buhay ko. Dito ako nagiging masaya.

Sa pagsusulat ko nailalabas ang lahat ng nararamdaman ko.

Sinarado ko na ang notebook ko at nagpahinga na medyo malalim na rin ang gabi kailangan ko ng magpahinga.

---

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon