Chapter 10

4 0 0
                                    

Xein's Pov.

Matangkad..

Napakagwapong mukha

Kissable lips

Brown eyes

And sheeeet! Eyelashes nya grabe! Ganda!

Waaaah!!! May abs Din yun panigurado

Ihhh... Enebe! 'Bat ang gwapo nya omo!!

Pak!

A-aray!!

"Oh buti natauhan kana? Kanina pa kita kinakausap dyan babaita gigil mo na ako ha!" Pagrereklamo sakin ng bestfriend ko.

"Eh.. Bakit ba kasi ha?" Tanong ko sakanya. Naputol tuloy aiisssh!

"Ayan hindi kasi nakikinig!" Bulyaw sa akin ng bestfriend ko.

"Bakit ba kasi ano meron atat na atat ka na pakinggan kita?" Tanong ko.

"Samahan mo ako mamaya babae." Akala ko kung ano na.

"Yun lang naman pala kala ko kung ano na." Sagot ko sakaniya

"Ano ba kasi yang dinedaydreaming mo at para kang tangang pangiti-ngiti diyan ha?" Tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

"Wala ka na dun, aiisssh! oo na sasamahan na kita mamaya" Sagot ko, tinignan niya nalang ako ng masama at umayos na kami ng upo dahil dumating na ang prof namin.

Habang nagdidiscuss si sir ay pasimple akong tumingin sa kinauupuan niya, pero nagulat nalang ako dahil nakatingin din siya sa akin. Omaygad! Anong meaning neto! shet! kinikilig ako!! (kalma girl kalma okay?)  WAAAAAHHH!!! SHET HANUNA! BAKIT KA TUMITINGIN SA AKIN JUSKO PO MAMAMATAY NA BA AKO SA KILIG NETO?! 

Natapos naman ang klase na wala akong ibang ginawa kundi kiligin dahil kay michael. Halos umabot hanggang langit ang ngiti ko dahil sa pasulyap-sulyap na pagmamasid ni michael sa akin. Waaaah! Di naman siguro masamang kiligin duh! (Assumera ka lang talaga xein). Tsk di naman siguro masamang mag assume kahit paminsan- minsan.

Inayos ko na ang gamit ko dahil uwian na, maya maya lang ay biglang may aninong tumakip sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko mula sa bintana ng classroom namin. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang mga labi ni michael na nakangiti sa akin.


Lord! kukunin mo na ba ako?! Heaven!


Bakit ba ang gwapo mo ha? Pwede bang uwi nalang kita?! Lord okay na pwede niyo na akong kunin waaaah!


"Xein? hey? are you okay?" Natauhan ako dahil sa pag wagay-way ng kamay ni michael sa mukha ko, gosh! "Nakakahiya ka talaga xein!"

"H-ha? A-ah! Oo ayos lang ako, hehehe." Nagmadali na akong ayusin ang mga gamit ko dahil uuwi na ako.

"Sabay na tayo?" Pag-aaya niya.

"Ha? Eh? Okay." Umalis na kami sa classroom at lumabas na ng school.

Tahimik lang kaming naglalakad, so medyo awkward. Pero hindi din ako makaimik dahil hindi ko alam kung ano bang ioopen kong topic. "Nakakainis ang boba ko talaga sa pagoopen ng topic, aiish!"

Maya-maya lang ay bigla siyang nagsalita.

"Ahm. Xein."

"Hmm?"

"Mahirap bang maka move on?" Bigla akong nagulat sa tanong siya, pero sinagot ko pa rin.

"Hindi naman mahirap mag-move on, nagiging mahirap lang yan dahil ayaw nating bitawan yung isang bagay."

"Pero bakit may mga taong ayaw mag-move on kahit alam nilang nasasaktan na sila?" Tanong niyang muli

"Minsan kasi sa sobrang pagmamahal natin sa isang bagay, kahit na masakit kumakapit pa rin tayo, kasi umaasa tayo na baka bumalik lahat sa dati na baka balikan tayo."

"Nakamove-on ka na ba?" Tanong niyang muli. Hindi ako nakaimik sa tanong niya. "Nakamove-on na nga ba ako?"

"'Wag mo ng sagutin tanong ko, pasensya na." Napakamot nalang siya sa batok at ngumiti naman ako sakaniya sabay balik ng tingin sa dinadaanan namin.

"Darating din yung araw na makakamove-on ako, siguro hindi pa ito yung tamang panahon." Tugon ko.

Bigla siyang huminto at humarap sa akin.

"Kung sakali mang babalik siya? babalikan mo ba?" Tinitigan niya lang ako sa mata na para bang gustong malaman kung ano bang maisasagot ko. Sasagot na sana ako kaso bigla siyang napailing.

"'Wag mo nalang isipin yung tanong ko. See you tomorrow." Ngiti niya. Tumalikod na siya at kumaway habang naglalakad palayo sa akin, di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.

Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa kwarto. Humiga ako sa may kama at tumitig sa kisame. Napaisip ako sa tanong niya.


"Kung babalik man siya, dapat ko bang ipaglaban?"

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon