Monday Na! ang bilis ng noh?
Nung Wednesday pa pala ko nakapag-pasa. Kasabay ko si Steve at kami lang nag-pasa nun.
Ayan na pala si Ms. Hemingway.
''Goodmorning, Class.. '' masaya nyang bungad.
''Good morning. Ms.''
''Congratulations! Nabasa ko na lahat ng Love timeline niyo at Super ganda ng mga Stories and experiences niyo.!''
''YEHEY!!!'' nagdiwang ang buong room.
''Pero alam niyo ba?''
''Hindi pa ma'am!''
''Mga batang to! Sige, I'll tell you na lang'' ang conyo ni ma'am noh?
''Ganto kasi yun! Ngayon ko lang nalaman na sa klase na toh. Meron pa lang pareho nilang First love ang isat-isa. :)'' Halatang kinikilig si Ma'am.
Normal lang naman yun!
''AYYYYYIIIIIIEEEEE'' Kinilig din pati mga classmates ko. Pero bat ako hindi! Hindi ako maka- relate?
''Ikukwento ko sainyo. Ganto kasi un... Dati, nung una silang nagkita nung mga bata pa sila. Nakita nung Girl ung Boy na umiiyak tapos sinungitan lang nung boy ung girl nung tinatanong nito kung ok lang sya pero nung paalis na siya pinigilan sya nung boy at humingi ng sorry dunsila unang nagkausap at naging magkaibigan sila...''
''WAAAAAAAHHHHHH!!!!!'' KInilig pa lalo ung Classmates ko.
Di ata ako maka- relate?
''Tapos ayun na nga sabi nung boy, sya na daw ang magiging tagapagtanggol nung girl. Simula nun naging close sila at wala nang naging malungkot...''
Parang.....
''Pero sa nakikita ko, malayo ng mangyari ang lahat dahil may iba-iba na silang buhay...''
''AYYYY....'' TEKA... Hindi ba ako ung pinag-uusapan?
Nginitian ako ni Ma' am... Ako ba?
Sa shock ko... Imposible namang 'pareho nilang First love ang isat-isa. :)' yan diba ung sinabi ni ma'am o di lang talaga ako nakikinig ng husay?
Napatingin ako kay Steve at ang mas kinagulat ko na nakatingin din sya sa akin at halatang gulat din. Nagsabay pa nga kaming nag-iwasan nang tingin.
''ssssshhhhhh.... Ang hirap mag-kwento pwede bang sila na lang?'' Kilig na tanong ni ma'am.
''YEEEEEEEEEEEEESSSSSSS--------''
''NO WAY!!!!!'' kami lang kumuntra ni Steve ay sabay pa kaming napatayo.
Nagkatinginan kaming san dali at nagsalita ulit.
''MA'AM SABI NIYO KAYO LANG MAGBABASA!!! BAKIT NIYO IKUKWENTO!!!''
Nagkatinginan kami...
''WAG MO NGA AKONG GINAGAYA'' sabay kami at nag-turuan.
''HINDI KITA GINAGAYA!''
''HINDI DAW!!!''
''TIGILAN MO NGA KO!''
''ANUBA???''
''LONAYAH / STEVE!!!!''
''Scripted.'' sabi ng mga classmate ko.
''SHUT UP!!!''
''SABING....''
''ok..'' umupo na kami samantalang sila (O.O)
''Ahem! di na tayo magkaklase.'' biglang banggit ni Ma'am.
''Bakit ma'am.?''
"'Obviously, Mukhang muntikan na akong matamaan ng kidlat. Buti na lang at hindi. whoo''
''Hahahaha!'' tawanan mga classmate ko samantalang banas na banas na ko! (-.-'')
''Atsaka wala naman akong sinabing kayo yun ah! Kung wala kang nililigawan Steve, pagkakamalan ko na may gusto ka kay Lonayah!'' tsaka si ma'am ngumti ng nakakaloko.
''MA'AM!''
''ALAM MO KANINA MO PA KO GINAGAYA!''
''TUMIGIL KA NA NGA!''
''NAKAKAASAR KA NA!''
''ANG YABANG MO/ ANG INGAY MO!''
''TALAGA LANG HA!''
''ANU BA! WAG MO NGA SABI AKONG GINAGAYA!''
''BAKIT BA?!''
''HINDI NAMAN KASI KITA GINAGAYA!''
''ANG KULIT MO LONAYAH / STEVE!''
''PWEDE BA? PLEASE ---lubayan mo na ako......'' sh*t ang puso ko! napasama ung pagsigaw ko kaya sya na lang tumapos nung sasabihin ko din sana...
''JULIE!!!!'' napatakbo sa akin si ma'am.
Bakit dito pa? sana hindi na lang ako dito inatake!
''JL!!!'' lahat ata na-shock. pinainum naman kagad ako ng gamot at nilagyan ng Inhaler.
Pinipilit kong huminga ng maayos kasi nag-aalala na sila. SOBRA.
''*huk* ma'am ok *huk* ok na po ako *huk*''
''No! hindi pa! Zia at Lieanne padala sya sa clinic kelangan nyang magpahinga. Tatawagan ko na lang ang parents niya. Sige na, Julie, Wag matigas ang ulo mo...''
'' kaya ko ng *huk* tumayo...'' nakahawak ako sa puso ko, ang sakit parang walang hangin...
''Can i accompany Lonayah to clinic? total ako naman may kasalanan...''
''No *huk* pasaway lang talaga *huk* ako. Kaya *huk* na...''
''Pero--- '' hahawakan ako ni Steve bigla na lang tinabig ni Zia ung kamay niya na kinagulat ng lahat.
''Know what, Mr. Miller. YOU. DONT. HAVE. THE. RIGHT. TO. TOUCH. HER.'' at dinuro niya si Steve.
Grabe kung magalit si Zia at minsan lang yan sasabog kapag talagang puno na sya.
''Huwag ka nang mangealam pa. Tingnan mo si, Cassandra halos makapatay na ang tingin, ang masama dun kay JL nakatingin! Pwede, Baka madukot ko ang mata nyan at ipakain sa aso namin! Watch your moves naman Steve!!! Kasi marami ka ng nadadamay!....'' napatigil sya.
''..... At marami ka ng nasasaktan... Lalo mo lang pinagugulo ung sitwasyon natin.''
''Halika na, Zia. Kelangan na magpahinga ni JL...''
''Ma'am aalis na po kami.'' Tsaka kami lumabas.
We left them Dumb. tama si Zia, steve... pinagugulo mo lang ung sitwasyon.
BINABASA MO ANG
A Love Timeline
Teen FictionIsa lang bang ilusyon ang pag-ibig mo? Bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon mo lang sinabi? Kung kelan mawawala na ako sa mundong ito? Bakit niyo ako tinataguan ng mga sikretong dapat na ako mismo ang makakaalam? Di NIYO ba manlang naisip kung ano a...