-After 3 hours-
Nagising ako.
Sa pagkakatanda ko bumagsak ako kanina.
Ngayon andito na ako sa ICU
''JL!!! ANAK!!! TUMAWAG KAYO NG DOKTOR!!!'' si mama ung sumigaw.
''Anak... andito kami....''
''Ma..... Pa....''
''Anak...''
''Pantanggal ng Oxygen mask...''
''pero---''
''Ma... m-mas nahihirapan l-lang a-ako.'' tinanggal rin naman nila. tumingin ako sa paligid lahat sila ay naiiyak na.
''Hindi pa naman ako mamamatay...'' hinang-hina kong sabi.
''Pls... anak be brave...'' sabi ni Papa na umiiyak na din.
''Anu na daw po bang balita....''
''anak..... you step on HCM....''
Napangiti na lang ako kahit masakit. Ginusto toh ni God wala akong magagawa pag sya na ang nagdesisyon.
''Anak...''
''Ma.. pa... sainyong lahat.... Ok lang na mawala ako.... wala na tayong magagawa pa. This is not the good bye.''
''May paraan pa.... hindi pwedeng wala...'' seryosong sabi ni mama.
''Ma... tama na...''
''Hindi anak.... Di ba sabi ko naman sayo. Gagawa si mama ng paraan...''
''Ano po---''
''Mr. and Mrs. Semmler. The patient have chance to survive...''' sabi nung doktor.
''Ano po yun!''
''Heart transplant that cost 10 milllion pesos....''
''sige! gawin nyo ang lahat! babayaran ko kayo kahit magkano!'' nagtaas ng boses si Papa. Sobrang alalala na sya.
''But The only chance to survive is 25 % besides wala pong nagdodonate ngayon.''
''No. NO! YOUR LYING DOC!!!!'' humagolgol na si mama a inalalayan sya ni Papa
''Lonayah...'' lumapit sa akin si Steve at hinawakan ang kamay ko.
''Hoy. wag ka nga umiyak. Di bagay sayo.''
Bigla namang lumapit si Cass.
''Julie Lonayah.... Sorry.''
''Cass naman! matagal na kitang napatawad. Kilala mo naman ako. Di ako nagtatanim galit.''
''Jl!!!'' niyakap nya ako.
''Shhh... wag ka na umiyak....''
''Salamat talaga...''
''Ok la---''
''Doc!!! may gusto pong magdonate!!!'' napatingin kami dun sa nurse na pumasok.
''Sino?''
''Sya po.'' tinuro nya ung isang May edad na babae na mukhang mayaman.
''Hindi po ako kundi ang anak ko sa kabilang Ward. Nakikita ko kasi na pagod na sya. Nung tinanong ko sa kanya, ngumiti sya. Handa na po sya at ayaw na nyang maghirap pa...'' tapos nagpunas pa sya ng luha.
''Salamat po!!!'' halos umiyak sila dun sa babae.
''Alam ko din ang naramdaman niyo.... Kaya sige na.''
''Ok. ihanda na ang O.R.'' lumabas na ung doktor para ayusin ang lahat.
''Anak kaya mo yan.'' tapos niyakap nila akong lahat.
BINABASA MO ANG
A Love Timeline
Teen FictionIsa lang bang ilusyon ang pag-ibig mo? Bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon mo lang sinabi? Kung kelan mawawala na ako sa mundong ito? Bakit niyo ako tinataguan ng mga sikretong dapat na ako mismo ang makakaalam? Di NIYO ba manlang naisip kung ano a...