*********Chapter 6
One week...
one week na may, gamot, nurse, dextose, injection, at kulay puti.
One week na halos dinadakdakan ako ni Zia at Lieanne sa pag-inum ng gamot. Ayoko kasi nun! kaya pag-wala sila tinatapon ko, pero nung nahuli! lam na! Sila na ung nagpapainom ng gamot sa akin pero meron din akong dala, in case of emergency.
Sa wakas....
Namiss ko ang presence ng school, ung mga ingay at magugulo kong schoolmates...
''Anak, ang mga bilin ko.'' Si papa naghatid sa akin ngayon and were getting closer again. How I miss those times...
''Opo... Sige po. pasok na ako'' Nag-hug ako sa kanya at ki-niss sya sa cheeks.
''Aalis na ko... Mag-iingat ah!'' Tapos ti-nap niya ung head ko.
Ngintian ko si Papa hanggang pumasok sya sa Kotse at umalis na.
Tumalikod narin ako at naglakad papasok... Nakalimutan ko bang sabihin na pang-umaga ako?
Kung oo, ayun na sabi ko na..
Maaaga kami pumapasok kasi ayaw naming kasabay ung iba kasi nga nagsisiksikan pero bat nagayon....
Ang tahimik, ang creepy at gloomy.
Ung tunog lang ng sapatos ko ung naririrnig ko at malakas na hangin..
Pag pasok ng room....
O_O Oh-Em-Ge
na...nakita ko si Steve At Cassandra naghahalikan.... PERO SYEMPRE JOKE LANG YUN! BAWAL PDA DITO!!! KUNG GUSTO NILA THEY SHOULD GET A ROOM!!!!!
''WELCOME BACK JL!!!!'' TOTOO NATO!
Ang...ang ganda... may surprise sila sa akin naiiyak ako, napahawak ako sa bibig ko sa sobrang tuwa at isa naman sa dibdib ko....
I'm palpitating now...
''Sh*t!!! JL!!!'' takbo pupunta sa kin si Zia at pinainum ako ng gamot at inhaler..
'' Ok na 'ko...'' sabay tanggal ng inhaler.... natulala sila sa akin... sabay
'' Dapat kasi di na natin plinano toh!!!''
'' Dapat ung simple na lang!!!''
''Bakit niyo ako sinisisi, eh kayo rin nam----''
''Guys, tama na! salamat sa surprise... natuwa ako sobra' :D''
''Kaya ka nga nagpalpitate eh!'' Sabay sabay nilang sabi.
''Sabi ko nga diba!!!!... pero Thanks talaga... namiss ko kayo!!!''
''NAMISS KA RIN NAMIN!!!!'' sigaw nila at nag-Group hug kami..
*KRIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGG*
''AYYY! PANIRA NAMAN NG MOMENT OH!!!' Yan. Yan mismo ang namiss ko sa kanila. They treasure our moments each day <3
''Kayo talaga! sige na Upo na tayo...''
''Okie Dokie ^_^'' Masaya nilang sagot.
Sa may gitna ako nakaupo pala at katabi ko sina Zia at Lieanne.
Pumasok na si Ms. Hemingway. SocStud Teacher namin.
''Good Morning Class A.'' Bati niya.
''Good Morning, miss.'' kami.
Inilapag niya ung gamit niya.
''Oh... Nice that your back, Ms. Semmler.'' nginitian niya ko kaya Nginitian ko rin.
''Yes maam.''
''Well, dapat magpagaling ka na... dahil....'' Ngumiti sila ng nakakaloko sa akin. o-k?
''AHEM!!!' nabaling naman ang tingin namin kay Steve na nag- linis ng lalamunan niya?
''May ubo ka ba?'' tanong namin.
'' Wala naman. Bakit?''
''Ahh... alam na namin'' May pag- nod pa yun ah! anu bang nangyari nung wala ako. Mukhang kulang ang pinagkukuwento nitong dalawa ah!!!
''Ok... Ms. Semmler, proceed to my office before recess'' nag nod lang ako.
-----Lesson----
15 minites left.
''Class, may naisip na akong project niyo...'' sabi ni Ms. habang tinatanggal ung Visual A.
''Hala! may Project na''
'' may babayaran''
''Groupings? Partner? Individual?''
''Criteria?''
''Ano ung Theme?''
'' Para san un ma'am?''
''TEKA LANG HA!!! Tapos na ba ako magsalita? Patapusin nyo muna ako! pwede?''
Ayan. natahimik ang lahat.
''Ok, Its a Love timeline... It's Love so, malamang individual! alangan namang may pareho kayong talambuhay ng pag- ibig noh!''
''Eh, panu pag wala?''
''Edi walang grade,''
''HINDI! halimbawa di ka umiibig sa opposite sex mo. ung ganun ma'am''
''Pwede na ung Crush, Kaibigang lalaki o kuya.''
''Panu ma'am ung Procedure?''
''Simula nung nag-aral kayo. Bawat taon, ung pinaka memorable moment niyo together.. ung ganun... bahala na kayo sa design at format. Ang gusto ko lang makita ung naging experience niyo that time... at ako lang naman ang makakabasa nun ! ok class dismiss''
''Good bye, ma'am!''
Dumating naman kaagad ung mga next teacher.
+Science and English+
*KRIIIIIIINNNNNGGGG*
Inayos ko muna ung gamit ko at kinuha ung wallet ko.
''Guys, bili nyo na lang ako. Pag wala pa ako bago matapos ung recess balik na kayo dito. Babye!'' Inabautan ko sila ng 100. Alam na nila ung gusto kong kainin.
''Oo na !'' Nagkahiwalay na kami ng daan. ako papunta kay Ms. Hemingway....
BINABASA MO ANG
A Love Timeline
Teen FictionIsa lang bang ilusyon ang pag-ibig mo? Bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon mo lang sinabi? Kung kelan mawawala na ako sa mundong ito? Bakit niyo ako tinataguan ng mga sikretong dapat na ako mismo ang makakaalam? Di NIYO ba manlang naisip kung ano a...