I

6.6K 77 1
                                    

Eve Margaret Ali-Ford

"Waaah Noo!

"Aaaah shit!"Agad kaming nagsitakbuhan papalapit sa salamin. Shit! Hindi 'to maaari! Paano? Why? Bakit? Arg!

"Wag mong hahawakan ang dibdib!" Sigaw ko sa kanya ng makita kong kakapain niya sana ang dibdib niya. No! Wag! Wala pang nakakahawak diyan. Bwisit naman o!

"Tsk! Ano bang nangyayari?! Ba't nasa katawan mo ako? At nasa katawan ko ikaw?" Nasabunot niya ang kanyang buhok. Kawawa naman ng buhok ko. Tama kayo ng panrinig. Ako ay nasa katawan niya at siya ay nasa katawan ko. Inshort nag kapalit kami ng katawan. Arg! Hindi maari!

"Hindi ko alam." Gusto ko ng umiyak.

"Ito pala ang napala ko sa pagpapakasal sa iyo?!" Ang kapal niya. Oo, Kahapon lang ang kasal namin. Arrange marriage lang naman kahit bagong 20 lang ako at siya ay 22. Wala kaming magawa kundi sundin ang gusto ng mga magulang namin. Hindi namin mahal ang isa't isa at hindi ko kasalanang nag kapalit kami ng katawan. Padabog akong naglakad patungo sa kanya.

"Kung makapagsalita ka, kala mo gusto kong makasal sa iyo? Hindi no!" Nakatungo ako habang sinsabi iyon. Mas mataas ako dahil nasa katawan niya ako. Ngayon ko lang na pansin na ang liit pala ng katawan ko, hanggang leeg niya lang ako at ang bigat naman ng katawang 'to.

"Ikaw ang may kasalanan!" Sumbat niya habang dinuro-duro pa ako.

"Anong ako? Suntukan nalang?!" Paghahamon ko sa kanya. Tsk! Pagkakataon ko na ito para madurog siya kahit katawan ko ang ginagamit niya.

"Sige gawin mo! Hahawakan ko ito." Tinuro niya ang private part ko. No! Wag! Virgin pa 'yang katawan ko.

"Manyak!" Nakanguso kong usal sa kanya. Laking gulat ko ng pitikin niya ang labi ko kaya napahiyaw ako sa sakit.

"Wag ka ngang ngumuso! Binabakla mo ang katawan ko e!" Naglakad ito patungo sa cabinet at kumuha ng towel. Asan niya balak pumunta?

"Hoy! Asan ka pupunta?"

"Sa banyo, maliligo ako, ilang araw ka bang walang ligo? Ang lagkit ng pakiramdam ko sa katawan mo." Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Araw-araw kaya akong naliligo! Padabog akong naglakad patungo sa kanya at kinaladkad siya papasok sa banyo. Kumuha ako ng maliit na towel at mahigpit na piniringan ang kanyang mata.

"H-hoy! Anong balak mo?" Pinaupo ko siya sa bathtub at dahan-dahang hinuhubaran.

"Liliguan kita!"

"Minamanyak mo katawan mo ha!" Binigyan ko ito ng batok kaya napahiyaw ito.

"Manahimik ka! Sino ka para hayaan kong liguan ang sexy kong katawan na ginagamit mo ngayon? At wag mong tatanggalin ang piring sa mata mo kundi malalagot ko sa akin." Natanggal ko na lahat ng damit na suot ng aking katawan. Ang sexy ko talaga. Nakakatibo. Sinimulan ko ng liguan ang katawan niya.

"Hoi! Nakikiliti ako! Puta! Dahan-dahan lang!" Gusto kong tumawa sa reaksyon niya tuwing sasabunan ko ang aking dibdib at ang pagkababae ko. Mag dusa siya!

"Stay still Red Law Ford!" Inis kong kinuskus ang shampoo sa buhok niya.

"Dahan-dahan nga lang!" Hindi ako umimik at pinagpatuloy lang ang pagligo ng aking katawan. Ang ingay naman nito. Nang matapos ko ng liguan ang katawan ko ay kumuha na ako ng bathrub at pinasuot sa kanya.

"Kunin mo na ang piring." Aalis na sana ako sa banyo ng kaladkarin niya ako pabalik sa loob at pinaupo sa saradong inodoro.

"Liliguan naman kita." Ngumiti ito na pang-demonyo. Kahit na sarili kong mukha ang nakikita ko ay kinikilabutan parin ako sa ngiting pinupukol niya sa akin.

Bwisit, Bitin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon