IV

2.7K 58 1
                                    

Red Law Ford

Ang boring naman. Wala akong mainis, tulog kasi si Eve. Nilingon ko ito. Ang ganda niya. Napansin kong nahihirapan siya sa pwesto niya kaya hinawakan ko ang ulo niya at pinasandal sa balik ko.

"Malayo pa ho ba manong?" Tanong ko kay manong. "Isang oras nalang ho ang byahe." Iidlip muna ako.

"Manong, gisingin mo lang ako kung nakarating na tayo." Tumango ito at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Pumikit ako at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

"Gising na ho kayo, nangdito na tayo." Minulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata at tumambad ang nakangiti na mukha ni manong.

"Manong, nakakatakot naman po ang pagmumukha niyo." Biro ko kanya kahit hindi totoo, parang amerikano nga si manong e. Ngumiti lang ito, lumabas ng sasakyan at pinagbuksan kami ng pinto. Hindi muna ako bumaba bagkus hinarap si manong.

"Mauna ho muna kayo at tsaka dalhin niyo na rin ho ang mga bagahe at gigisingin ko pa si Eve." Sinunod naman nito ang utos ko, kaya kami nalang ang nangdito sa loob ng sasakyan. Paano ko kaya gigisingin si Eve? Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga at

"Gising! Impakta!" Sigaw ko sabay baba ng sasakyan dahilan para madausdos siya pahiga. Hindi naman ako gentleman para gisingin siya sa maayos na paraan. Tss.

"Aray! Bwisit ka!" Daing niya habang umaayos ng upo. Binigyan ko ito ng matamis na ngiti.

"Wag kang painosente, hindi bagay sa demonyo mong mukha." Dugtong nito na ikinakunot ng noo ko. Demonyo? Sa gwapo kong ito? Tinawag niyang demonyo? Langya, lagot ka. Tinignan ko muna ang paligid. Ayos, walang akong nakikitang tao. Lumapit ako sa kanya hanggang magkalapat na ang aming mga noo. Hahalikan ko na sana siya ng may pumaradang sasakyan katabi lang sa amin kaya agad akong bumitiw at tinignan ng masama ang mini van. Ba't parati akong bitin? Malas.

Sa inis ko ay agad kong hinablot ang kamay ni Eve at kinaladkad papasok ng minitel, tumungo sa front desk upang tanungin kung anong room namin at ng makuha na namin ang mga kinakailangan ay dali kaming pumasok sa magiging kwarto namin.

"Ah ano, a-ang ganda ng room." Alam kong naiilang siya, sino bang hindi? Ang raming pulang rosas, pulang kandila sa paligid at ang daming.

"Ba't ang daming Condom?" Ang daming condom, nakapatong sa lamesa. Alam ko na kung sino ang naglagay nito diyan, si Papa xel, papa ni Eve. Adik iyun sa condom, Binaliwala nalang namin 'yun bagkus ay nilinisan namin ang buong kwarto. Shit naman! Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Eve, ang hot niya. Puno na siya ng pawis. Ba't medyo mainit ang paligid? E aircon naman 'tong kwarto. 'Di kaya? Shit! Hindi ko mapigilan. Tinignan ko ito habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.

[Eve Margaret Ali-Ford]

"Ano ba." Maktol ko. Ito kasi si Red kanina pa halik ng halik sa batok ko, nakikiliti ako. Hinarap ko ito at laking gulat ko ng dumampi ang kanyang labi sa akin at binigyan ako ng maiinit na halik. Gusto kong kumawala pero bigo ako, kagaya ng dati nawawala ang lakas ko para gawin 'yun. Hindi ko namalayang nakahiga na pala ako sa kama at siya naman ay nakapatong sa akin. Naramdaman ko ang kanyang mainit na kamay, nilalakbay ang buong katawan ko. Napapaungol ako tuwing kinakapa niya ang dibdib ko.

Tinulungan ko siyang hubarin ang damit ko still nag hahalikan parin. Gayun din siya, topless. Huhubarin niya na sana ang kanyang pantalon ng may kumatok sa aming pintuan. Hindi sana titigil si Red ng sabihan ko ito na tingnan muna kung sino ang nasa labas. Narinig ko pa itong napamura bago bumaba sa kama at padabog na lumapit sa pintuan. Kinuha ko ang kumot at pinalibot sa katawan ko.

Nabitin ko yata si Red.

Bwisit, Bitin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon