Eve Margaret Ali-Ford
"Ito na po ang mga bagahe niyo, Ma'am" Nginitian ko si yaya Elsa at sinenyasan na ilagay lang muna sa tabi ang mga bagahe. Inaayos ko pa ang heels ko. Ngayon ang alis namin papunta sa resort na sinasabi ni tito Zed. Hindi kasi natuloy kahapon ang lakad namin dahil mas pinili naming magpahinga muna. Mabuti nalang dumating si Tito Zed at baka nagawa na namin ng mas maaga ang 'yun'. Muntikan na. Naiilang ako paminsan-minsan kay Red tuwing ino-open niya yung topic, na sinusubukan kong kalimutan dahil nakakahiya! Malapit niyang makuha ang matagal ko ng iniingatan.
Nagpasalamat na ako kay yaya Elsa at binitbit na ang naglalakihang bagahe.
"Ako na." Nakita ko si Red na nakatayo sa harapan ko habang ang lapad ng ngisi. Tinaasan ko ito ng kilay at walang imik na binigay sa kanya ang mga bagahe.
"Tsk! Pa gentleman pa! Manyak naman!" Bulong ko sa sarili na alam kong narinig niya. Lumapit ito sa akin habang nanliliksik ang mga mata.
"Anong sabi mo?"
"Maganda ako."
"Maganda? Sige ikaw na maganda!"Ngumisi ito ng nakakaloko.
"Kaya nga naging asawa kita eh , Pasalamat ka gwapo ako." Dugtong niya. Hindi ko 'to pinansin bagkus inirapan at naglakad lang ng matulin. Bahala siya sa mga bagahe. Hindi ko siya tutulungan. Yabang! Lalabas na sana ako sa pinto ng bahay nang magsalita ito, dahilan para mapahinto ako sa pag-lalakad.
"Pink with ribbon sa gilid." Hinarap ko ito na may pagtataka sa mukha. Anong pinagsasabi niya? Tinaasan ko ito ng kilay. At ang gago ngumiti lang. Inirapan ko ulit ito at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Cup C" Nalilito ako sa pinagsasabi niya kaya nilapitan ko ito. Nakangisi parin ito. May topak si Red ngayon. Tinanong ko siya kung anong trip niya pero sa halip na sumagot ay inilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya napa-atras ako ng bahagya. Ang lapit ng kanyang mukha kaya napapikit ako. At laking gulat ko ng hawakan niya ang lay-layan ng damit ko at itaas ito, sapat para makita niya ang damit panloob ko. Arg! Manyak!
"Red! Buwisit ka talaga! Manyak!" Ha-hablutin ko na sana siya ng kumaripas ito ng takbo patungo sa sasakyan. Siraulo talaga si Red. Yung Underwear ko pala ang tinutukoy niya kanina. Nakalimutan ko, nakita niya pala akong naka-underwear lang kanina sa banyo nung nagbibihis ako. Pumasok kasi ng walang paalam, akala niya daw walang tao kaya pumasok siya, ang sabihin niya lang, mina-manyak niya talaga ako.
"Ikaw na mag-buhat niyan! Mapatay mo pa ako eh!"Sigaw niya at pumasok sa loob ng sasakyan. Walang modo talaga, iniwan ba naman ang mga bagahe. Ang lalaki nito, mas malaki pa nga 'to sa katawan ko e. Tinignan ko ang kinatatayuan ni yaya Elsa kanina, naka-alis na pala siya. Magpapatulong sana ako sa pag bubuhat ng mga bagahe. Ang iba'ng katulong okupado sa paglilinis ng buong bahay. Kaya wala akong magawa, kundi buhatin ang mga bagahe mag-isa. Kinaladkad ko ang mga bagahe palabas ng bahay, mabuti nalang nakita ako ni manong Eddie, kaya tinulungan niya ako dalhin ang mga bagahe. Pinasok namin sa compartment at pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Aalis na kami.
Napatingin ako kay Red ng umusog ito papalapit sa akin habang ang lapad ng ngiti.
"Mang iinis ka?"
"Hindi." Nilapit niya ang kanyang katawan sa akin kaya napa-atras at napasandal ako sa pinto ng sasakyan. Tinanggal niya ang kanyang seat belt nasa backseat kasi kaming dalawa ni Red, si manong Eddie ang nag mamaneho.
"Ipagpatuloy natin 'yun' mamaya, tutal honeymoon natin." Bulong niya na nag-bigay kilabot sa aking katawan. Mag hunos-dili nga siya! Ang manyak talaga! Binigyan ko ito ng isang malakas na sapok dahilan para mapasigaw ito. Napansin kong titingin si manong sa amin, siguro para alamin kung anong nangyayari. Kaya agad kaming umupo ng maayos. Ayaw kong makita niya kami sa ganong pwesto.
"Ok lang po ba kayo Ma'am at Sir?" Tumango lang ako. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana ng sasakyan. Minamasdan ang mga tao na dinadaraanan namin. Malayo na pala kami sa bahay, hindi gaano karami ang mga sasakyan. 3 oras ang byahe patungo sa resort. Kailangan ko ng mahabang pasensya para kay Red. Hindi ko muna siya papansinin ang baliw na 'yun.
Pipikit na sana ako para umidlip ng may isang store na nakakuha ng aking atensyon. Ang cute! Ang colorful ng store. Lumapit ako kay manong.
"Manong, stop po muna tayo dun. May bibilhin lang ako." Ani ko habang turo ang store. Tumango si manong at pinarada ang sasakyan sa harapan ng store. Bababa na sana ako ng may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko ito.
"Asan ka?"
"Malamang nasa harapan mo! Duh! Bitaw nga! May bibilhin ako."Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa aking braso kaya agad akong bumaba ng sasakyan at daling pumasok sa loob ng store. Binati naman ako ng mga taong nag tra-trabaho dito, kaya nginitian ko nalang sila bilang tugon. Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Ang ganda, ang cute ng mga design. Napansin ko rin na pang barbie ang mga damit ng employees dito. Lumapit ako sa counter, nabaling ang tingin ko sa isang malaking glass na nasa likod ng babae na nasa counter. Kumislap ang aking mga mata ng makita ang ibang-ibang klase ng cupcakes.
"Pa-order ng cupcakes." Nilahad sa aking harapan ang isang menu, dun nakalagay ang presyo at uri ng designs. Raramihan ko na. Nang matapos na akong sagutin ang mga katanungan nila ay naglakad na ako pabalik sa sasakyan.
"Asan ang pinamili mo?" Umupo ako sa tabi niya at sinalampak ang headphone sa tenga ko bago siya sinagot.
"E de-deliver mamaya, sasabihin ko lang kung anong address. Marami akong binili e." Magsasalita pa sana ito ng tinaas ko ang aking kamay at nilapat sa labi niya upang pigilan siya sa pagsasalita.
"Matutulog ako." Bagot kong sabi at pumikit. Iidlip muna ako, tutal malayo pa naman ang byahe.