Red Law Ford
"R-red." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Bumaba ang halik ko sa leeg niya ngunit laking gulat ko ng biglang umilaw ang katawan naming dalawa. Agad kaming napatayo na may gulat sa mukha. Anong nangyayari? Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa katawan namin.
"Eve."
"Red." Minulat ko ang aking mata ng mapansing wala na ang nakakasilaw na liwanag, ngunit agad din akong napaiwas ng tingin ng makita kong nakatayo si Eve sa harapan ko na walang saplot. Nakabalik na pala kami sa sarili naming katawan. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at laking gulat ko ng wala rin akong saplot sa katawan kaya agad akong tumakbo papunta sa likod ng sofa para maitago ang alaga ko. Nakita ko ding naka-tapis na siya.
"N-nakabalik na tayo sa katawan natin." Ba't ako nauutal? Dahil nakita ko ang perfect curve niya? Tsk! "Nakabalik nga tayo ngunit hindi natin alam kung mauulit pa ba iyon." Lumapit ito sa akin at binigay sa akin ang isa pang towel na hawak niya. Kinuha ko ito at binalot sa aking katawan.
"Wag ka ngang negative diyan, ang isipin mo ang malalambot kong labi!" Nakaramdam nalang ako ng malakas na sapok sa ulo ko. Amazona ba ang babaeng ito? Kahit hindi na ang katawan ko ang gamit niya ang sakit parin ng mga sapok niya.
"Nakakarami kana ah!" Umirap lang ito't tumungo sa kabinet at kumuha ng mga bagong susuotin niya. Uunahan ko sana siya sa banyo ng kumaripas ito ng takbo papasok sabay lock ng pintuan. Tsk!
"Hoy! Paunahin mo ako!"
"Ako ang nauna!"
"Sabay nalang tayo, Wifey!"
"Tumahimik ka nga! Bakulaw!" Angil nito sa loob ng banyo. Buwisit na babae ito tinawag pa akong bakulaw. Asan ako mag bibihis? Nilalamig na ako. Aircon kasi, hindi naman pwedeng i-off, dahil alam kong puputok ang butchi ni Eve kung sakali. Ayaw niya kasi ng naiinitan, kasalanan ko bang hot lang talaga ako? Tss. Meron namang banyo sa baba ng bahay kaso nakakatamad bumaba. So walang akong pagpipilian kaya dito ako sa labas magbibihis.
Nilapit ko ang aking tenga sa pinto ng banyo para malaman ko kung naliligo pa ba ito o tapos na. Narinig kong bukas pa ang shower kaya sigurado akong mamaya pa siya matatapos kaya kampante ako na dito sa labas magbibihis. Hindi pa naman siya tapos sa pagliligo. Nilagay ko ang aking mga damit sa kama. Sinusuot ko ang aking brief ng makarinig ako ng pagpihit ng pinto kaya agad akong napatingin sa pinto ng banyo. Shit!
"Ahhh! Ba't diyan ka nag bibihis?!" Dali kong sinuot ang brief at kinuha ang unan para itakip sa ibabang bahagi ng katawan ko. Shit! Akala ko mamaya pa siya matatapos?!
"Tumalikod ka nga!" Angil ko. Ngumisi ito bago nag salita. Ano na naman ang binabalak nito. "Ayaw ko nga." Naglakad ito papalapit sa akin. Nakasuot siya ng short na above the knee lang ang ikli at puting t-shirt. Basa pa ang mahahaba nitong buhok. Shit! Medyo basa rin pala ang kanyang damit kaya nakikita ko ang kulay pula nitong panloob. Oh tukso lumayo ka! Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi pababa sa aking dibdib habang suot parin ang mapangakit na ngiti. Lumapit ang kanyang mukha sa leeg ko at binigyan ako ng isang halik doon na ikinagulat ko. Buwisit! Inaakit ba ako nito? Subukan mo Eve baka bibigay ako.
"Hahahaha! Nakakatawa ang itsura mo!" Lalakad na sana ito paalis ng hablutin ko ang kanyang braso at pinaharap siya sa akin. Tingnan natin ngayon kung sino ang mas seductive.
"Inakit mo ako? Tingnan mo bumigay ako, wala naman sigurong magagalit kung gagawan na natin ng apo sila mama. Nasa tamang edad at kasal na tayo." Pagkasabi ko nun ay agad ko siyang tinulak pahiga sa kama at pumaibabaw ako sa kanya. "H-hoy! Red! B-biro lang yun."
"Sh! Wag kang maingay!" Hinalikan ko ito. Una hindi pa ito tumutugon ngunit kalaunan tumutugon na ito sa mga halik na binibigay ko, sa sensasyong binibigay ko. Passionate to torrid ang ginagawa namin. Ang lambot ng labi niya. Napasinghap siya ng hawakan ko ang dibdib niya. Nakaramdam ako ng inis sa damit niya kaya pinunit ko ito. Manipis lang naman ang tela kaya madaling punitin.
Kumalas ako sa halik at tinignan siya, hinihintay ang sinyales na magsasabi kung papayagan niya ba ako o hindi sa aking gagawin. Ngumiti lang ito at tumango. Napansin kong mapula na ang pisngi nito. Binaliwala ko lang at pinagpatuloy ang paghahalikan namin. Lumakbay ang aking kamay sa likuran niya upang tanggalin ang hook ng kanyang bra at itapon sa kung saan. Muli akong kumalas at tinignan ang kanyang hinaharap pilit niya itong tinakpan ngunit pinipigilan ko ang kanyang mga kamay.
"No, they're beautiful." Lalong pumula ang pisngi nito. Napangiti nalang ako ng mapagtantong asawa ko na pala ang babaeng ito na dati ay kinaiinisan ko. Palagi kaming nagaaway dahil lang sa maliliit na bagay, tulad ng kung sino ang mauunang pumasok sa pinto ng bahay. Sabi niya kasi ladies first, hindi naman ako gentleman para gawin 'yun kaya nag dedebate pa kami bago makapasok sa loob ng bahay. Hindi naman maitanggi ang kagandahan niya. Napatingin ako sa kanya ng magsalita ito. "Tutunganga ka nalang ba diyan?"
"Excited?" Re-react pa sana ito ng halikan ko siya agad. Nililibot ko ang aking kamay sa buo niyang katawan. Minsan naririnig ko ang ungol niya tuwing hihimasin ko ang dibdib niya. Tinaghal ko na ang kanyang saplot pambaba at bumungad sa akin ang makinis niyang bulaklak. Nag shave ba siya? Bumaba ang halik ko sa pagitan ng hita niya. Binigyan ko ito ng isang tampal ng halik at laking gulat ko ng hablutin ni Eve ang aking buhok.
"Please! I want you!" Napangiti ako ng malapad sa inasta nito. Tinulungan niya akong hubarin ang suot kong brief at pagkababa ng tuluyan ay tumambad sa kanyang harapan ang malaki, malusog at mataas kong alaga. Nakita ko itong napalunok at napaiwas ng tingin habang kagat ang kanyang labi. Natu-turn on ako tuwing ginagawa niya iyan. Pinahiga ko siya ng maayos at pinabukaka.
"Ready?" Tumango lang ito at pumikit. Pinuwesto ko na ang akin sa harap ng sa kanya. Ipapasok ko na sana ang akin sa loob niya ng makarinig kami ng malakas na katok sa pintuan ng kwarto. Buwisit! Bitin!
"Hoy! Tanghali na! Gumising na kayo!" Shit! Si papa! Bitin 'yun ah! Malapit na sana mapasok e! Distorbo naman. Agad kaming tumayo at nag bihis. Akala ko nasa bahay sila? Kami lang kasi ni Eve ang nangdito wala pa naman kaming katulong. Nakabusangot akong lumapit kay Eve at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Nakabihis narin kami kaya sabay na naming binuksan ang pinto.
"May apo na ba ako?!" Masayang bungad ni papa sa amin pagkalabas namin sa kwarto.
"Wala pa! Istorbo mo e! Malapit na sana yun!" Bigla akong nakaramdam ng masakit na sapok sa ulo ko kaya napahiyaw ako sa sakit. Tigang na ako! Distorbo naman ni papa!
Bwisit, Bitin!