Chapter 1: Dark Fairytale

1K 38 7
                                    

"Ma'am Yuri, malelate na po kayo."



Mabilis na iminulat ko ang mga mata nang marinig ang malakas na pagkatok mula sa labas ng kwarto ko. Habol ang hininga na bumangon ako mula sa pagkakahiga at napansin ko ang sinag ng araw na pilit na pumapasok sa makapal na venetian blinds ng kwarto ko.



That dream. It's been so long since I had that dream. It felt so real. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang lamig na dinulot ng malakas na ulan, ang kaba sa dibdib ko ang takot na naramdaman ko habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng ina ko. Ten years have passed but the memory of that day seemed to clinged inside of me. I've felt the same feeling I've had exactly ten years ago.



"Ma'am Yuri, naghihintay na po si Chairman sa baba."



Napatingin ako sa nakapinid na pinto at saka nagpasyang tumayo para pagbuksan si Ivy, ang nakatoka sa pagising at pag-aasikaso sa akin tuwing umaga. Nakita kong nakatayo siya sa harap ng pinto bitbit ang uniform na susuotin ko ngayong araw na ito. Kinuha ko ito at saka tiningnan siya.



"I'll be quick. Thanks!" wika ko at saka isinara ang pinto.



Dumiretso ako sa banyo at nagmamadaling naligo at nagbihis. Ilang minuto lang akong nag-ayos saka ako nagpasyang bumaba bitbit ang isang bag. Naabutan kong nagbabasa ng morning newspaper ang daddy sa harap ng hapag kasama ang bagong asawa niya na si Karmela.



"Morning." bati ko at saka humalik sa pisngi ni daddy bago kumuha ng isang piraso ng tinapay at naglakad papalabas ng dining area.



"Where are you going, Yurika?" nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang kunot noong ekspresyon ng mukha niya.



"You don't want me to be late on my first day, right?"



I heard him sighed. Tiningnan niya ako ng maigi habang mahigpit na nakahawak parin sa binabasang newspaper. "Yurika, this is your fourth school this semester.  When are you going to stop that school hopping hobby of yours?"



I rolled my eyes in return. Ilang beses naring naulit ang ganitong usapan. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko kaya nagkibit-balikat nalang ako.



"This should be your last school, Yurika. If I heard that you're still doing stupid things outside and inside your school, I will send you back to Europe immediately."



"Sure. What a great idea." ngumiti ako ng pilit at saka tuluyang nilisan ang dining area. Narinig ko pang tinawag ako ulit ni Daddy pero pinigilan na siya ni Karmela.



Hindi ko maiwasang mapailing sa sinabi ni Daddy. Mas mabuti pa sigurong bumalik na ako sa Europe. Actually, I've been living alone since I was Eleven in London. When my Dad told me that he's getting married again, wala akong nagawa kundi umuwi ng Pinas though I didn't stayed in our house. Nandito lang ako sa bahay namin for a month dahil under renovation ang katabing apartment ko pero matatapos na raw ito ngayong linggo at pwede na akong bumalik doon.



"Yuri hija, hatid na kita." tawag ni Manong Edward sa akin na nakatayo sa gilid ng sasakyan nang makalabas ako ng bahay.



"Oh, the prodigal daughter is still here?" sabay na napalingon kami ni Manong Edward sa taong nagsalita at nakita namin si Maxene na naglalakad papalapit sa amin. "Wala ang driver ko ngayong araw na ito at pumayag si Daddy na ikaw muna ang magiging driver ko, Manong Edward."



"Kung ganun po ay sumabay na kayo sa amin ni Yuri tutal iisang paaralan na kayo diba?"



"Ayoko nang may kasama," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago niya ako tinapunan ng masamang tingin. "Naubusan ka na ba ng paglilipatang paaralan? But I'm sure wala pang isang linggo lilipat ka na naman ulit dahil hindi mo kalevel ang mga nag-aaral sa Stratford High. They don't allow cheap and low class troublemaker students like you."



Chasing Gray CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon